Savannah's PoV
Two weeks ago since Jirus was buried. And I can't believe na wala na siya. And I can't do anything but to cry out every night.
Im here in the grave of Jirus. Hindi ko na sinama si Yuri because she needed to take a rest. And I know na hanggang ngayon ay sinisisi parin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Jirus.
Napatingin ako sa puntod ni Jirus.
"Jirus Vincent Jackson. Isang nerd na may tinatago palang kagwapuhan at ka-astigan." Napailing ako at napangiti ng mapait. At hindi ko akalaing mapapasama siya sa Black Knights.
Matagal kong tinitigan ang puntod niya
"Bakit ang daya mo!" malakas na sabi ko at pinalo ng mahina ang puntod niya.
"Pagseselosin pa kita e!" pinunasan ko ang luha ko. Ang daya talaga ni tadhana.
"Alam mo bang kahit na sinabi mo sa akin na si Yuri parin ang mahal mo. Hindi parin ako sumuko." tumulo ang luha ko. "Kahit na alam kong sa huli ay masasaktan parin ako. Pero hindi ko akalain na mas masakit pa pala ang ginagawa mo sa akin ngayon." wala na akong nagawa kundi humagulgol.
Ang sakit.
"Shh, It's okay ilabas mo lang lahat yan." napatingin ako sa nagsalita.
"Nicko" agad akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Tahan na." bakit ganon pakiramdam ko hindi ko kaya. Masakit sobra.
Iyak lang ako ng iyak. At hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
***
Nagising ako ng nandito parin sa puntod ni Jirus. Nandito si Nicko sa tabi ko at nakasandal ang ulo ko sa kaniya. Umayos ako nang upo at tumingin sa kanya.
"Okay kana?" tanong niya. I smiled at him at tumango.
"Uwi na tayo." matamlay na sabi ko sa kaniya. Tumayo na siya inilahad niya ang kanyang kamay sa akin para tinulungan akong tumayo. Tinanggap ko ito.
"Thanks." I said. At pinagpag ang damit ko.
"You're always welcome." hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na?" tanong niya. Tumango ako.
***
Razam PoV
"Boss, anong plano mo?" tanong ko kay Draze na malalim ang iniisip. Nandito kami sa headquarters para pag planuhan ang gagawing pag iimbestiga kila Flora.
Sigurado akong siya ang may pakana ng lahat.
Hindi ako pinansin ni Boss. Tsk. Ano na naman kaya ang naiisip niya. Napailing nalang ako.
Siguradong nagaalala siya kay Yuri.
Napalingon ako kay Piolo ng sikuhin niya ako. "Sapalagay mo, anong iniisip ni Bossing?" tanong niya sa akin.
"Tanong mo sa kanya. Hindi naman ako mind reader." pilosong sagot ko. Napatingin kaming lahat sa pumasok. "Oh Nicko, kanina ka pa namin hinahanap. San ka ba galing?" tanong ni Piolo. Tumabi sa amin si Nicko.
"Kay Sav." maikling sagot niya. Tsk. Mukhang nahuhulog na si Nicko sa kapatid ni Ethan ah. Well, maganda naman kasi talaga si Sav kaya napaka over protective si Ethan sa kanya.
"Kumusta na siya?" tanong ko. Nabalitaan ko rin kasing malapit din ito kay Jirus.
"Ganon pa din." tipid niyang sagot. "Anong nang plano natin?" medyo tumaas ang boses ni Nicko at tumingin kay Draze.
"Kailangan pa natin kumuha ng matibay na ebidensiya." ako na ang sumagot dahil parang walang balak sumagot si Draze.
"Fvck shit! Malaman ko lang talaga kung sino ang pumatay kay Jirus!" gigil na sabi ni Piolo.
Ang nakakapagtaka lang ay bakit wala kaming nakuhang cctv footage sa pinangyarihang krimen?
Bukod pa doon, ay malinis talaga ang pagkakagawa nila at pagpaplano.
Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila.
***
Yuri's PoV
*tok* *tok* *tok*
"Yuri? Lumabas ka na diyan. Libangin mo naman ang sarili mo." Mom. Ilang araw narin akong nagkukulong sa kwarto ko. Namamaga narin ang mga mata ko. Wala rin akong ganang kumain.
"Hayaan nyo muna ako Ma" sabi ko.
"Pero ilang araw munang kinukulong ang sarili mo dyan" hindi ako sumagot. "Kainin mo na itong pagkain mo kahapon ka pa hindi kumakain."
Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na alam amg gagawin ko. Kasalanan kung bakit namatay si Jirus. Dapat ako nalang. Napaiyak na naman ako.
Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak.
Jirus, dapat hindi mo nalang ako niligtas.
Pinunasan ko ang luha ko. Hindi, hindi dapat puro iyak lang ang gagawin ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ko kung sino ang pumatay kay Jirus. Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.
Tumayo ako at nagpuntang comfort room at tinignan ko ang sarli ko sa salamin.
"Ang haggard ko" naligo ako at pagkatapos non ay nag suot ako ng itim na dress. Kinuha ko ang make up kit ko at inayos ang mukha ko.
Pagkatapos non ay lumabas ako. Nagulat naman sila Mommy sa akin.
"Yuri, where are you going?" takhang tanong sa akin ni Kuya Stephen.
"Bibisitahin ko lang ang puntod ni Jirus" sagot ko at ngumiti.
"Samahan na kita"
"Hindi na ako nalang, saglit lang naman ako." sagot ko.
"You sure?" ngumiti ako at tumango.
"Ingat ka baby Yuri" huli kong narinig na sabi ni mommy sa akin.
***
Pagkadating ko doon ay umupo ako aa damuhan at inayos ang dala kong bulaklak.
"Jirus, nakakainis ka!" sabi ko habang nagsisindi ng kandila. "Hindi mo na dapat ako iniligtas" dagdag ko.
"Bakit ba kasi ang bait mo sa akin?" tanong mo at pinunasan ang luha ko. Umiiyak na naman ako.
"Ang daya mo kasi eh, sabi mo hindi mo ako iiwan?" tuloy tuloy na umagos ang luha ko sa aking pisngi. "Bakit kasi ang aga kang kinuha ni Lord?" napatingin ako sa langit.
"Jirus, alam kong nakikita mo ako at naririnig ngayon. Sana ayos ka lang dyan. Naaalala ko tuloy ang una nating pagkikita. Alam mo bang ikaw ang una kong naging bestfriend sa Wilsone Academy? Lagi mo akong pinagtatanggol sa mga nang bu-bully sa akin dati." pinunasan ko ang luha ko.."Masaya ako dahil nakilala kita."
"Jirus. Miss na miss na kita." hindi ko na napigilang humagulgol. Hindi ko alam ang gagawin ko Jirus.
Napahinto ako sa pagiyak ng maramdaman kong may taong yumakap sa akin.
"Draze" sabi ko. At yumakap sa kanya at doon ko ibinuhos lahat ng iyak ko.
"Draze, sana ako nalang. Sana ako nalang ang nabaril. Sana hindi nalang siya. Kasalan ko kung bakit siya namatay Draze" iyak ko. Hinimas naman niya ang buhok ko.
"Shh, don't blame yourself. Hindi mo kasalan ang nangyari. He just protected you because that's what he promised." dapat hindi nalang niya ako pinotektahan.
"Hindi, dahil sa akin namatay siya dahil pinotektahan niya ako. Dapat ako ang namatay at hindi siya!"
"Sa tingin mo ba hahayaan ko iyon. Yuri hindi mo ba alam na maraming nagmamahal sayo" natahimik ako.
"Ako? Paano nalang ako kung ikaw ang namatay? Yuri hindi ko kayang mabuhay pagnawala ka........
dahil mahal na mahal kita."
**************************************
Written by: Namia_04
BINABASA MO ANG
I'm Totally Yours (Completed)
Teen Fiction[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos na dito ang lahat.= 11/10/18