Chapter 19

3K 79 0
                                    

Yuri's PoV

Napa pikit ako ng mariin..

'Sorry Draze, mahirap para sa akin na tanggapin ka ulit.. Natatakot na ako, I was so afraid to be hurt and left alone on this fight. I don't want to love anymore. Love is painful. And I can't bare with it..'

Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang mainit na tubig na nang gagaliling sa mga mata ko.

"Why am I crying?" mahinang tanong ko sa sarili ko habang pinupunasan. "Wag kang umiiyak Yuri." kumbinsi ko sa sarili ko.

*Tok* *tok* *tok*

"Come in" Pinunasan ko agad ang mga mata ko.

"Sir--" naputol ang sasabihin ni Sandra ng makita niya ako. "Ito na nga pala yung mga hinihingi nyang documents" inabot niya sa akin ang isang folder.

Hindi ako nagsalita, tahimik ko lang itong tinangap. Napalingon ako sa kanya ng mapansing hindi pa rin siya umaalis.

"Nasaan si Sir Draze?" tanong niya sa akin.

"I don't know." mataray na sagot ko sa kanya. "What are you waiting for? Pwede ka ng umalis" dagdag ko na agad naman niyang sinunod. Tsk

Naupo muna ako sa couch. Medyo nahihilo kasi ako ng kaunti, ewan ko ba kung bakit. Napapikit ako. Kailangan ko munang mamahinga. Kulang din kasi ako sa tulog. These days kasi masyadong maraming trabaho ako ngayong nagagawa.

"Hey. Yuri, may naghahanap sayo sa labas." sabi sa akin ni Piolo.

"Sino daw?" matamlay na tanong ko sa kanya.

"Si Sav. May sasabihin yata sa iyo." sabi niya sa akin. "Wait. Are you sick? Namumutla ka kasi" tanong niya sa akin. Lalapit sana siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"No. Im fine, don't worry." sagot ko sa kanya at tumayo.

Nagdilim ang paningin ko at isa lang ang natatandaan ko..

everything went black.

*****
Piolo's PoV

"No. Im fine, don't worry" sagot niya sa akin. May sakit ba siya. Bakit parang ang tamlay niya.

Buti nalang kasing bilis ko si Flash dahil mabilis kong nasalo si Yuri ng bigla siyang hinimatay.

Shit! Ang init niya.

Agad ko siyang binuhat. Nasan na ba si Draze? Kung kailan naman emergency wala siya.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. At buti nalang mabilis kaming nakapunta sa ospital.

Pagdating namin doon ay agad siyang tiningnan ng doctor. Pinalabas muna ako ng doctor.

Lagot ako kay Draze nito pag may nangyaring masama sa kanya. Agad kong pinaalam sa BK ang nangyari pati narin kay Sav. Si Draze naman ay hindi ko ma-contact.

Ilang sandali lang ay dumating na sila.

"Gosh! What happened to her?" alalang tanong ni Sav.

"Wala pa. Hindi pa lumalabas si Doc." sagot ko. Ilang saglit lang ay lumabas na si Doc.

"Doc, kamusta na po ang kaibigan namin?" tanong ni Sav.

"Wag na kayong mag alala. Nilalagnat lang ang pasyente. It's not that severe, she's just stressed." stress? Bakit naman. "kailangan niya munang magpahinga at iwasan ang sobrang pagkapagod. My work is done here, you can come in."

"Thank you po Doc"

Pagpasok namin ay nakita namin siyang mahimbing na natutulong. Na-stress siguro si Yuri sa daming trabahong pinapagawa sa kanya ni Draze.

I'm Totally Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon