Savannah's PoV
Hindi naman naging mahirap ang pagpapanggap namin ni Nicko. Dahil para namang effective, dahil napapansin kong sa tuwing magiging sweet kami ni Nicko ay umaalis si Jirus. Well feel ko lang. Haha!
"Hey. Tikman mo ito" sweet na sabi sa akin ni Nicko at sinubuan niya ako ng grapes. Tsk, nakakasuka na. Kanina pa niya ako pinapakain ng grapes. Masasapak ko na talaga itong lalaking ito. Iniinis yata ako e.
Tinignan ko siya ng masama bago sinubo ang grapes. I heard him chuckled.
Naikwento ko na kay Yuri ang nangyari sa amin ni Jirus. Alam ko namang nalungkot siya sa nangyari pero wala akong magagawa iba ang gusto niya e. Pero I won't give up.
*Flashbacks*
Huminga ako ng malalim at tumayo. At sinundan si Jirus.
I think it's time to confess my feelings to him. Nakita ko siyang umupo sa isang bench malapit sa dagat. Tahimik akong tumabi sa kanya.
"Sav.." malumanay na sabi niya sa akin ng mapansin niya ako. I smiled at him.
"What are you doing here? Maginaw dito baka sipunin ka" worried na sabi niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit hanggang ngayon ay maalalahanin parin siya. Specially kay Yuri. My bestfriend.
Nagkwentuhan muna kami then saglit na natahimik. Sasabihin ko na ba sa kanya?
"Ahm.. Jirus. I need to tell you something" I started.
"What is it?"
"I like you, Jirus" mabilis na sabi ko na ikinatahimik niya. Ilang saglit lang ay tinignan niya ako at nginitian.
"It's okay. Mawawala rin yan. Gusto mo palang ako" natatawang sabi niya.
"No! Im serious Jirus. I like you. I really like you."
"Im sorry Sav, But.." pinutol ko ang sasabihin niya.
"I know.... You like my bestfriend? No! You love her nga pala" masakit sobra.
"Im sorry"
"Okay lang." I smiled. "Naka pag confess naman na ako kaya ayos lang sa akin"
"Sav. Wag ako, marami pang ibang lalaking magmamahal sayo....ng sobra. At mamahalin mo ng higit pa sa akin." paliwanag niya. "I really love Yuri" dagdag pa niya. Ouch! Feelling ko maiiyak na ako.
"But, she love Draze" sagot ko.
"I know...pero kailangan kong magpakatanga para sa kanya." ganyan ba talaga niya kamahal si Yuri? "Goodnight. Matulog kana" tumayo siya. "Wag sana tayong magkailangang dalawa." huli niyang sinabi sa akin bago siya umalis.
*End of flashbacks*
Sorry Nicko kung ginagamit kita. Gusto ko lang ding magpakatanga gaya ng ginagawa niya.
Yuri's PoV
Anong meron sa dalawang ito ngayon? Ay hindi kahapon pa pala. Pansin ko kasi na nagiging malapit na ang dalawa sa isa't isa. Sav and Nicko.
Nga pala 2 days na kami dito, >_<
Hays, gusto ko pang mag stay dito kesa sa maging secretary sa company ni Draze.
"Kuya..paabot nga nung bread na yon" bulong ko kay Kuya. Ngumiti naman siya sa akin bago kinuha at binigay sa akin. Kailangan muna naming isekreto ang pagiging Smith ko. Si Sav palang ang nakakaalam ng secret namin.
"Sabay tayong uuwi bukas." he said. Napatigil ako sa sinabi niya.
"Uuwi na tayo bukas?" gulat na tanong ko. Tumango naman siya. "Hays sayang gusto ko pa namang mag stay dito" I said. Natawa naman ng mahina si Kuya saka kinurot ang pisngi ko. Ouch!
"Hahaha. Don't worry babalik tayo dito" dahil sa sinabi niyang iyon ay nagliwanag ang mukha ko at hindi ko mapigilang yakapin si Kuya.
Napatigil ko ng mapansin kong nakatingin na pala sa amin ang buong BK. Nagtama ang tingin namin ni Draze at nakita kong ang sama ng tingin niya sa akin. What's wrong with him? Dukutin ko yang mata mo e.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo ako para maglakad lakad. Naunang matapos kumain sila Sav at Nicko sa amin. Ewan ko kung saan sila nagpunta.
Habang naglalakad ako ay napansin kong kanina pa may sumusunod sa akin. At alam ko na kung sino iyon.
"Lumabas kana." sabi ko habang nakatalikod.
"Tss.." siya.
"Sinusundan mo ba ako?" mataray na tanong ko sa kanya.
"No Im not" dipensa niya. "Im not following you"
"Yes you are."
"No"
"Yes"
"No"
"Yes or Yes"
"Fine." susuko din pala e. "Im following you. Baka kasi may mangyaring masama sa iyo." bulong niya pero narinig ko naman.
"Walang manyayaring masama sa akin, kaya pwede ba iwan mo na ako....Draze."
"No I won't" bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking ito.
"Ang tigas talaga ng ulo nito." hindi ko na siya pinansin. Hinayaan ko nalang siyang sundaan ako. Bahala siyang mapagod dyan, para ko tuloy siyang bodyguard. Hahaha.
"Sure ka bang eepekto ito? Kilala ko siya. Parang bato ang puso non hahaha, nasa iisang babae lang talaga ang focus non."
"Shut up. Tutulungan mo ba ako o hindi?"
Wait parang boses yon ni Sav ah. Agad kong hinila si Draze para magtago.
"Oo tutulungan kita. Pero yung deal natin ah."
"Oo. I know"
"Pero pano kung hindi siya magselos?"
Sino ba ang pinaguusapan nila? Sino ang pagseselosin nila. Napansin ko namang tahimik si Draze kaya tinignan ko siya. Nakatingin siya sa kamay naming magkahawak....wait magkahawak? Agad kong binktawan ang kamay niya.
"Sorry"
Napatingin ako ng marinig ko ulit silang mag usap.
"So.. Titigilan mo na siya pag hindi ito umepekto?"
Tanong ni Nicko kay Sav. Tumango ito. Naguguluhan na ako sa dalawang ito.
"Alam mo ba kung ano ng pinaguusapan nila?" tanong ko kay Draze.
"I dunno" sagot niya. " Hindi ko alam na may pagka chismosa ka pala." rinig kong sabi niya sa akin. Sinuntok ko naman ang tiyan niya. "Ouch!" daing niya.
"Tumahimik ka na nga dyan mamaya marinig pa nila tayo." mataray na sabi ko sa kanya. Huli kong narinig na sabi niya ay 'Amazona ka talaga'
"Anong gagawin mo pagkatapos?" tanong ni Nicko.
"Ahm...move on? Hahaha!" I knew it. Alam ko na.
Sasabihin ko na sana kay Draze na bumalik na kami pero tila na pako ang mga paa ko ng marinig ko ang sinabi ni Sav.
"Wala akong magagawa kung mahal niya talaga ang kaibigan ko..si Yuri....."
****************************************
Written by: Namia _04
Authors Note:
Sorry po kung matagal ang update. Medyo naging busy lang po kami. At sa mga readers namin dyan. Thank you po sa pag suporta ninyo sa story namin. Thank you po😘
BINABASA MO ANG
I'm Totally Yours (Completed)
Teen Fiction[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos na dito ang lahat.= 11/10/18