Chapter 21 Karton at Kasal

103 2 0
                                    

Pagkatapos ng choir practice ay lumipat kami sa 6th floor AVR para gumawa ng props... Mas malaki kasi ang space dun kaya mas mabilis kami makakagalaw sa paggawa ng props at mas malawak ang lagayan ng mga gamit na kailangan namin.

Nagtatape kami ng karton ngayon at magkatulong ulit kami ni oti.. sa kabila naman si james at sydney.. si Iya at marvin.. ahahah wow partner partner.. kinikilig na naman ako hahahaha kailangan kasi namin na pagdikit dikitin ang mga karton para magmukha itong malaking regalo na magsisilbing pintuan.

"uyyyy!!!!!!!!! talagang magkapartner sila sa pag-gawa ng karton oh.. hahahaha" panunukso ni sydney.. hindi nalang ako nagreact kasi baka sabihin affected ako.. pero sa totoo lang kinakabog na yung dibdib ko parang nanginginig yung mga kamay ko... nagiging conscious ako sa lapit ni oti sa akin...

" oh Oti, tibayan mo yang paggawa ng karton ha, kung gano katibay yan ibig sabihin ganun mo kamahal si Ian hahahha" sabi naman ni Manuel..

" yan ang pundasyon ng pagmamahalan niyo hahahahha" dugtong naman ni Iya..

wahahahahahahhaah nagtatawanan na sila.. mga loko loko talaga tong mga to.. hahahaah natatawa narin ako..

Hindi ko alam pero parang ginanahan talaga si Oti.. ang dami ng packaging tape na nilagay niya sa karton.. ahahahahah talagan tinitbayan niya.. hahaha Oo na.. Ilusyonada lang ako.. feeler hahaahah

"Tignan niyo parang mag-asawa silang gumagawa ng bahay nila hahahahaah.. " sabi ni Sydney..

"Ikasal na yan! haahahaha" sigaw naman ni Manuel tapos bigla silang nagpatugtog ng lab song sabay kanta ng wedding march.. nagayos sila sydney at iya na para bang bridesmaids at hinihila kami ni Oti na magmarcha sa gitna ng mga upuan na para bang aisle papunta sa teacher's table.

lumabas ako ng room dahil di ko na kaya ginagawa nila.. nadadala ako.. hay!!! panu kasi di ko alam kung ano nararamdaman nito ni Oti.. hay umupo ako sa table sa labas.. talagang gusto ko na siya.. actually more than gusto eh.. parang love.. ewan.. hay panu kung ako lang to? waaaaaaaaaaaahhhhh natatakot ako kasi masyado na ata akong halata sa mga kaibigan namin.. paano nalang kung di pala ako gusto ni oti tapos lumayo siya sakin kasi maiilang siya sa mga panunukso nila.. nakakalungkot naman yun..

Nagulat ako ng bigla siyang lumabas tapos ayun lumapit siya sakin na nakangiti.. Ang guwapo talaga ng mokong na to.. hay.. "Oh bakit ka lumabas?" tanong niya. haler obvious ba? naisip ko..

"ah eh nakakainis na kasi sila lagi nalang tayo inaasar tapos ngayon gagawa pa sila ng kasal kasalan.." sabi ko naman .. nahihiya kasi ako sa kanya.. panu guilty kasi ako na may gusto ako sa kanya..

"okay lang yun, hayaan mo nalang sila.. lika na titigil din yang mga yan pasok ka na.. naglalaro lang ang mga yan" sabi niya na nakasmile tapos hinawakan pa kamay ko tapos pumasok na kami..

"ayoko nga pumasok kasi mangungulit lang ang mga yan" sabi ko naman sa kanya.. masaya naman ako na nandito lang kami sa labas eh.. at least kaming dalawa lang ang nandito, masosolo ko siya.. ay anu ba yan ian...

"hindi na yan.. tumigil na sila oh tignan mo.." sabi ulit ni Oti..

Sumunod nalang ako sa kanya sa loob..

0_0 what!!!!!!!!!!!!????????? nagualt ako inayos nila yung room na parang may aisle tapos nagmarch sila na parang wedding entourage waaaaaaaaaah wala nang takas huhuhu namumula talaga ako sa mga panunukso.. nasa harap lang ako..

"okay lang yan makiride ka nalang para tumigil na sila" sabi naman ni oti sa likod ko so ayun nagpadala lang ako ng kinaladkad nila ako sa harap.. pero unti unti nag-eenjoy na rin ako.. grabe talaga sa kalokohan tong mga kaibigan ko.. tapos yun may video pa..

"balang araw pasasalamatan niyo din ako sa video na to hahaah" sabi ni manuel..

Teka, bakit parang nakikontsaba si Oti.. parang gusto niya mga nangyayari ah.. waaaaaaaaah may gusto kaya siya? teka eh kung may gusto siya bakit di siya manligaw di naman siya yung tipo na torpe kasi malakas loob nito eh.. waaaah siguro wala siyang gusto sakin.. huhuhuhuhu gulong gulo na talaga ako kay Oti..

"Heh!! tama na nga yan nakakainis na kayo.. Wala nga akong gusto kay Oti!!" sabi ko bigla ng malakas.. natigilan sila at nagulat sila lahat sa sinabi ko..

Napatingin ako kay Oti..mukhang nagulat din siya.. at bakit parang nalungkot siya.. waaah nalilito ako talaga...

Biglang lumabas si Oti para magcr.. ang tagal niya bago bumalik.. hindi ako makaconcentrate sa paggawa ng props.. Bigla ay lumapit sa akin si Sydney at si Iya..

"Ian wala ka ba talagang gusto kay Oti?" tanong ni Sydney

"Sydney tigilan niyo na nga yang kakaasar sa amin tignan niyo oh baka naiinis na si Oti " sabi ko nang makitang pumasok na ulit sa AVR si Oti..

Tumingin naman silang dalawa sa kanya..

"eh hindi naman namin ikaw aasarin kung wala kaming nakikitang something eh.. lagi kayo magkasama tapos nung nalaman niyang gusto mo yung kiat kiat lagi na siya bumibili nun.. lagi kaya siya nakatingin sayo.." sabi naman ni Iya

"Satin satin lang naman eh, pag inamin mo na samin na may gusto ka nga sa kanya di ka na namin aasarin." dagdag pa ni Sydney

"hindi nga eh kaya nga lagi kami magkasama dahil lahat naman ng pinapagawa samin sa org kami yung magkasama.." paliwanag ko at tinatanggi parin..

"so wala ka talagang gusto sa kanya? bakit pangit ba si Oti" pagpipilit ni Sydney

"hindi naman siya pangit..." sagot ko sa kanya

"so gusto mo sya?" tanong ulit ni Sydney.. ang kulit naman nito ni sydney oh.. ahaaayyy

"hindi nga ewan ko." sabi ko nalang

"ewan mo? so may pagasa? pwede? panu kung manligaw siya sa yo?" tanong ulit ni sydney.. tiningnan ko si Iya at nakaabang din siya sa sagot ko.. seryoso ang mukha nila ni sydney at alam kong hindi sila nagbibiro..

"ewan ko talaga.. hindi naman siya nanliligaw eh.." sagot ko sa kanila

"so gusto mo siya manligaw?" tanong ulit ni Iya

"hindi.. ewan ko.. wala.. ayoko lang isipin kasi wala naman... so bakit ko kailangan isipin?" sagot ko sa kanilang dalawa.. hoping na tumigil na sila sa interrogation nila..

"bahala ka Ian tinutulungan ka na nga namin eh.. basta ako feeling ko may gusto talaga sayo si Oti" kulit ni Sydney

"oo nga.. " dagdag pa ni Iya..

"hoy hoy hoy hoy anung pinaguusapan niyong tatlo jan?" biglang lapit ni Manuel sa amin..

Nagkatinginan lang kaming tatlo... kahit kasi panay asar sakin nang dalawang to eh alam naman namin sa isa't isa kung anung kailangan isikreto..

"mga chong pack up na muna tayo.. bukas nalang ulit" tawag ni Marvin.. saved by the bell kaming tatlo..

Nagligpit na kami ng mga kalat at iniayos yung mga gamit namin at naghanda na pauwi..

"Mga Chong mahigit One week nalang tayo kailangan double time na tayo sa pagpractice at sa props" sabi ni marvin habang palabas kami ng AVR

"sige chong pag wala akong pasok tutulong nalang ako sa props.. tsaka finalize ko na rin yung mash up ng mga kanta para sa presentation" sabi ko kay Marvin... ako lang kasi talaga sa amin ang may pinakamaluwag na sked..

"salamat chong.. nga pala paki text ung mga member na ngayong darating na sunday at sa next sunday eh may praktis na din tau.. next monday na kasi yung first night chong" sabi naman ni marvin at nagpaalam na siya..

Yung first night yun yung nakatoka samin, may presentation na parang openning ng start ng long week celebration ng foundation ng college kaya malaki talaga nag pressure sa amin..

=============================================================================

A/N

hey guys I'm back.. sorry MIA.. try ko tapusin na tong story na to pero bukas try ko na iupload ung next chapter kasi madaling araw na eh.. pero try lang ha no promises..

p.s thank you parin sa mga bumasa nitong story kahit matagal nang tengga... xoxo

I'm Just In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon