First day of class na sa wakas... Maeexercise na ulit ang utak ko.. napangiti ako habang papasok ng school. As usual binati na naman ako ng guard.... Marami nang students ang palabas ng school for lunch yung iba naman nakatambay lang sa mga kubo.. OO nga pala, before I forget to tell you, afternoon ang class ko... Section D kasi ako and yung morning class kasi sa Section C...
Pumasok ako ng classroom... I was surprised... akala ko maninibago ako kasi new faces ang makikita ko dahil nga nadelayed ako but I was wrong almost same faces ang nakikita ko... I am so happy... yey!!!! hindi ako magiging loner... Nakita ko agad si Iya...
"Iya tabi ako sayo ha.." sabi ko nung makalapit na kay Iya.. Yup classmates kami ni Iya pero hindi kami sabay na nadelay... nakalimutan ko na anong subjects yung binagsak niya... mahirap naman kasi talaga sa school na to..
" O sige dun tayo sa likod para malayo sa Prof" sabi naman ni Iya...
"Nga pala bakit parang mga kabatch naman natin halos lahat to.. I mean yung original batchmates natin" tanong ko bigla
"Ah eh kasi marami kayang binagsak si Ms. Paez... Ayun maraming galit dun.. buti nalang nagresign na siya or should I say tinanggal.. Hindi ako sure eh..." sagot naman ni Iya
"Oh talaga? bakit mo nasabing tinanggal?" curious na naman ako
"Eh kasi nagkaron daw ata nung malpractice ba yun dun sa medication ng client eh siya yung C.I nun... yun ang pagkakaalam ko ha" paliwanag niya..
"Oh talaga... I'm sorry for her pero buti nalang hahahaah.. ang hirap kasi magpa-exam nun, di naman magaling magturo."sabi ko ulit kay iya.. "teka, eh sinong papalit sa kanya?" pahabol kong tanong... at para sagutin ang tanong ko, biglang dumating si kuya randy..
"Huy Ian classmate pala kita hahahahah huy tabi tayo... huy alam niyo ba asawa daw ni maam Koh yung papalit.. sana hindi terror no" sabi ni kuya randy although kung maririnig niyo siya it's more likely na sumisigaw siya sa lakas ng boses niya.... Ang daldal talaga pero okay na rin at least magiging masaya ang klase panigurado..
Biglang tumahimik lahat...may pumasok... OMG mukha siyang bading... but siya yung bading na kagalang galang.. Katamtaman lang ang tangkad niya, tapos naka polo barong siya and malaki ang tiyan.. naka-eyeglass din at very neat ang hair niya.. may dala dala siyang panyo.....teka I heard rumors na tomboy daw si ms. Koh.. hhaahhaahha bagay nga sila...
"Ok Good Afternoon class!!! I am mr. James Koh and I will be your instructor for half of this semester.. As you all know NCM 102 is a group teaching so Mr. Santos and the others will take over the other half of this semester" sabi nung prof..
"Ok so may narinig na ba kayo na feedbacks from other section?" sabi niya ulit at walang sumagot...
"Juskoh tong mga batang to! sumagot kayo pag tinatanong... hindi naman ako nangangain. ... " ... Tahimik parin ang lahat siguro ay pinakikiramdaman din nila si sir katulad kouu
"Ok so I assume na hindi niyo alam... Don't worry, hindi ako terror.. Ayoko din ng bumabagsak na studyante asuch as possible... Hindi dahil sa naawa ako sa estudyante kundi dahil naawa ako sa mga magulang niyo... kaya sana lahat magcooperate?" sabi naman niya sabay punas ng panyo sa noo niya..
Mukha siyang mabait at kalog... " i think i'm gonna like him" sabi ko na hindi sure kung kay Iya ba o kay kuya randy ko sinasabi yun...
"Ok so let's start......." at nagsimula na nga siyang maglesson.... Natapos ang oras ng hindi namin namamalayan... two hours is a very long period lalo na kung ang subject ay hindi mo gusto pero with Mr. Koh ang bilis maubos ng oras.. tama ako he's very kalog at nakakatawa.. napakasaya ng klase niya at hindi boring.. magaling din siya magturo... sinisimplify niya yung mga complicated na bagay.. one thing that other professors doesn't bother with....
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...