Nang makalabas kami ng school ay naglakad kami papunta ng sakayan ng jeep..
"Ah oti, malapit lang ba talaga sa inyo yung madison square?" tanong ko kay oti habang naglalakad kami...
"oo naman.. actually dun talaga ako bumababa" sagot naman niya...
"talaga? dun ka nakatira?" sabi ko na curious.. ano kaya itsura ng bahay nito.. mayaman talaga siguro to kasi mayayaman lang ang alam kong nakatira dun eh..
"ah hindi... dun lang ako bumababa tapos naglalakad lang ako papasok sa amin.." sabi naman niya... this time nakasakay na kami ng jeep... Inabot ko kay oti yung bayad ko at siya ang nag-abot sa driver... pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko... tahimik lang kami hanggang makarating ng quiapo..
Pagdating sa quiapo ay sumunod lang ako kay oti dahil hindi ko alam ang daan... bigla siya umakyat sa isang overpass.. mejo mabilis ang lakad niya... pero hindi naman niya ako iniwan... nahirapan lang ako kasi madilim na at hindi ko masyadong makita yung daanan.. siguro ay nakahalata din si oti at inalalayan ako..
nang makaakyat na kami sa overpass ay umiral na naman ang curiosity ko..
"uhhhhmmm oti, may hypertension ka ba talaga?" tanong ko..
"oo.. hindi ko nga alam bakit.. nagsimula lang yun nung second year ako.." sabi naman niya..
so totoo pala.. kawawa naman to.. ang bata pa may hypertension na.. pagkababa namin ng overpass ay sumakay na kami ng bus...
"suwerte natin may bus agad, hindi na tayo mag-aantay.." sabi bigla ni oti nang makaupo na kami.. tumango lang ako...
"G-liner ang bus na to.. dadaan to ng madison.. ito dapat sakyan mo.. yung karatula sa harap puwedeng taytay, cainta o junction.. lahat yun dadaan ng madison.." sabi niya ulit
"ah... ganu ba katagal bago tayo makarating dun?" tanong ko ulit kay oti..
"depende.. minsan one hour minsan one and a half hour.." sabi niya tsaka sumandal sa upuan at pumikit..
Habang bumabiyahe ay nakatingin lang ako sa labas... ang dami nang mga decorations ng christmas.. ang ganda tignan.. maya maya ay nakaramdam na ako ng antok.. tiningnan ko si oti.. tulog na tulog na siya.. alam ko yun dahil pantay at kalamado na ang hininga niya...
Naku, panu na to, baka napasarap ang tulog niya ay lumagpas kami... tsk tsk... hay gigisingin ko ba siya? pero panu pag malayo pa pala eh di naistorbo ko pa ang tulog niya.. waaaaaah anung gagawin ko inaantok na din ako... eh kung hayaan ko nalang kaya na lumagpas kami para kasama ko ulit siya pabalik...
'shunga ka jillian!!!! anu ba yung iniisip mo?!' saway ko sa sarili ko... waaaaaaaaaaaaah bakit ko naisip yun?? hindi ko siya crush okay.. kalma lang jillian.. di mo siya crush... Haaaaay antok na talaga ako, matulog din kaya ako, malayo pa naman siguro... tapos pag nakatulog ako makakasandal pa ko sa kanya..
bigla akong napailing ng malakas sa naisip ko.. anu ba tong naiisip ko... nagkakagusto na ata ako dito ah.. no.. hindi puwede... huhuhhuhuhu kasalanan to ng mga kaibigan ko eh.. hay kaibigan ko ba talaga yung mga yun?? pahamak eh...
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.. nagising ako dahil nakatingin sakin si Oti.. nakasmile.. napaayos ako ng upo... naku buti nalang at sa bintana ako nakasandal kundi mas magiging akward tong posisyon ko ngayon... hala nakita niya kong natutulog.. sana naman hindi masama yung itsura ko matulog..
"malapit na tayo" sabi niya bigla..
sinuklay ko ng kamay ko yung buhok ko...
"tayo na tayo..." sabi niya ulit at tumayo na siya... sumunod ako pero pinauna niya ako at inalalayan.. ang bait talaga ni oti... nginitian ko nalang siya... kaso hindi pala ganun kadali maglakad sa bus na tumatakbo... nakakapit na ako pero nawawalan walan parin ako ng balance.. buti nalang nasa likod ko si oti... pero anu tong feeling na to? namumula ako.. waaaah buti nalang madilim at di niya masyadong mapapansin... 'act normal jillian' utos ko sa sarili ko..
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomansaJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...