Pagod na pagod na ako... ang dami ko kasing sinalihan eh. Nagsunodsunod pa kasi yung cheerdance at basketball game. Nanalo nga pala kami sa basketball. Teka asan na ba yung phone ko at baka may balita na kay prince.
New message from prince
"Wow ayos ah.. parang wala kang boyfriend ah... ni wla ka man lang text text ah"
Huh? anu na naman? Nagtext na nga ako kanina na magiging busy ako eh.
"Bie nagtext naman ako kanina diba na maghapon akong busy dahil marami akong activities diba? Ngayon free na ako."
sending...
sending...
message sent!
After 5 mins.
Wala pading reply ah. ah baka wala na siyang load.
Calling prince.....
"hello! bie, bakit di ka nagrereply? Natatanggap mo ba text ko?"
"Wala na akong load eh... tsaka siguro wala na rin tayong dapat pag-usapan kasi mukhang hindi mo naman paniniwalaan ang kahit na anong sabihin ko eh.. " sagot naman ni prince.
Huh san naman nanggaling yun. why do I have a feeling na he's picking out a fight? bakit parang sinasadya nya? haaay!
"Bie wag ka namang ganyan. mag-usap tayo okay? pumunta ka dito, andito pa ako sa school, hindi pa ako umuuwi para makapag-usap pa tayo.. magkita tayo sa may jollibee?" nag-aalalang sagot ko, aba naman 2 weeks palang kami ayoko naman makipagbreak nakakahiya naman yun para sa akin na 2 weeks lng tumagal ang bf ko. at tsaka nasa kanya pa yung cellphone ko panu ko yun mababawi.. Tsaka kahit papanu like ko din naman si Prince.
"Uhmm anu kasi wala akong pamasahe eh tsaka nandito ako sa bahay ng mama ko sa cainta." pagdadahilan naman ni prince. oo nga malayo yun hay naku pero kailangan talaga naming mag-usap. Bakit parang iba na tono ng boses niya? nagdadahilan nalang ba siya?
"Bie ganito nlng okay? ako nlng ang pupunta mejo malapit naman yan pang nag lrt 2 diba? magmeet nalang tayo dun para hindi masyadong malayo para sayo." hay naku naman jillian, kababae mong tao mag9 pm na at hindi ka natatakot pumunta dun? pero lahat gagawin ko para magkaayos kami. hidni ko kaya ang kahihiyan kapag ngbreak kami. Sana lang tama tong ginagawa ko. Pag nalaman ni papa to lagot na naman talaga ako.
"huh? eh san naman tayo maguusap sarado na ang mga mall." dahilan dahilan dahilan. Hay nako di ko na maintindihan tong taong to.
Hay sino ba niloko ko? At the back of my mind isa lan naiisip kong dahilan.
"eh di sa park" pagpipilit ko. Lahat naman siguro ng town may park diba?
"huh? eh wag dun masyadong madaming tao tska delikado gabi na at di tayo makakapagusap ng maayos" sabi naman niya
"eh saan tayo mag-uusap?" Ako naman ang napatanong? parang ayaw niya talaga makipagusap? Parang nagiging desperado na ako dito. Baka tama nga si papa, baka dapat hiwalayan ko nalang siya. Hay anu ba to..
"Uhmmm bie, sogo nalang kasi ang bukas dito eh" malambing na sabi ni prince. O_O yan yung itsura ko. Anu palagay nito sakin, tatanga tanga? Alam ko yung SOGO! and im not going there!
"huh? anu ka ba? mag-uusap sogo? akala ko ba wala kang pera? anu ako pa magbabayad? anu palagay mo sakin tanga? meron bang naguusap sa motel? g@go ka pala eh!!" nayayamot na pinatay ko ang cellphone ko. take note! patay as in off kasi ayoko muna makatanggap ng kahit anung text o tawag sa kahit kanino. walang hiyang lalaki yun! anung palagay niya sakin uto uto... hay nakakalungkot naman. mukhang break na kami. anu nalang ang sasabihin nila? hay! paano ako haharap sa mga tao.
Hindi naman ako ganun katanga o magpapakatanga sa usang lalaki kahit mahal ko pa siya. In the first place, di pa naman talaga ko in love kay prince no.. Anu siya sinuswerte?...
Nagdecide akong umuwi na. Palabas na ko ng gate ng biglang may tumawag sakin.
"Uy Ian, anung problema mo..." Pasigaw na tawag ni marvin
"Huh? panu mo naman nasabi na may problema ko?" sabi ko ng makalapit na siya
"Eh lungkot ng mukha mo eh.. Tara tambay tayo sa kubo." Yaya niya. Si Marvin ay isa sa mga mabuti kong kaibigan, nakilala ko siya first year second sem. Siya din yung President ng club na sinalihan ko.
"Oh anu ngang problema?" tanong ulit niya pagkarating sa kubo. Yung quadrangle kasi ng college namin may mga kubo sa gilid na pwede tambayan ng mga students.
"Eh si Prince kasi." sabi ko
"Huh? Sinong Prince?" nagtatakang tanong ni Marvin.
"Yun yung boyfriend ko, ngayon pala ex-boyfriend na nagbreak kami ngayon ngayon lang." paliwanag ko naman.
"Sus chong wag mo na pag-aksayahan ng oras yun... di ikaw ang nawalan kundi siya... konting pasexy pa chong madaming maghahabol sayo.." Pagbibiro naman ni Marvin.
"hay naku ewan ko sayo... sige na uuwi na ko" sabi ko sa kanya.
"Sige chong may gagawin pa ko eh.. kitakits" sagot naman niya at umuwi na ako.
A/N
i don't know kung iupload ko agad ang chap 3 kc mejo magulo pa ung memmory ko.. maybe tommorrow nalang 😊
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...