"You said it again my heart's in motion, every word feels like a shooting star.. I'm at the edge of my emotions, Watching the shadows burning in the dark.. and I'm in love, and I'm terri....." nagising ako sa napakaingay na cellphone ko.. sino kay tong tumatawag na to..
"hello?" sabi ko na nakapikit pa at halos half awake palang..
"Ian?! asan ka na? malapit ka na ba? nasa skul na ako.." sabi ni Iya.
Napabalikwas ako ng bangon.. shacks, may practice pala ngayon.. *PANIC* anung oras na ba?!... Tiningnan ko kaagad yung oras sa cellphone ko... 7:30 am.. What???!!! nagpanic ako for nothing...
"hello? hello? Ian?!" sabi ni Iya sa kabilang linya...
"kakagising ko palang.. 9am pa practice ah... ang aga pa ah.. anung ginagawa mo jan?" tanong ko kay Iya..
"Eh kasi may pupuntahan pa si papa eh walang maghahatid sakin kaya sumabay na ko sa kanya.. bilisan mo pumunta ka na dito...wala akong kasama eh" sabi ulit ni Iya..
"Oh sige sige.. maliligo na ko bye.." sabi ko at binaba na ang cellphone..
Hay buti nalang tumawag si Iya kung hindi ay baka late talaga ako.. hay... bakit ba naman kasi anung oras na matapos ang meeting..... waaaaaaaaaaah ang sakit pa nang ulo ko.... Hayyyyz..
Dahan dahan akong bumangon at naghanda na maligo... Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.. On the way to school ay walang tigil ang tawag ni Iya..
"Ian! andito na si sydney... asan ka na ba?" pangungulit ni iya.. ika 3rd time niya na atang tawag to... "Avenida na.. wait lang" sabi ko..
"Bilisan mo, anung petsa na" sabi ni Iya..
"Teka lang naman... hindi ko kontrolado ang sasakyan...kung gusto mo kausapin mo yung driver ng jeep!" sabi ko naman.. tapos narinig ko silang nagtawanan ni sydney.. Nakaloud speaker pa ata ako ah.. binaba ko na ang phone..
Pagdating ko ng school ay nakita ko sila belle sa may kubo.. "Oh bakit kayo nandito? bakit hindi pa kayo umakyat?" sabi ko kanila belle
"sige sunod nalang kami mamaya..." sabi naman ni belle.. ako naman ay umakyat na..
Pagpasok ko ng office ay nandoon na nga si Iya at Sydney... Andun na rin pati si Eric, James, Manuel, at yung iba pang members..
Hala! bakit wala pa si Oti? di ba siya pupunta?
"Oh Ian andito ka na pala" sabi ni Marvin na papasok din ng pinto.. "asan na si Oti?" dagdag pa niya..
"Aba malay ko? bakit ako tinatanong niyo eh kakarating ko lang.." sabi ko at nagset up na ng laptop para sa practice... Bigla namang pumasok si Oti.. mukhang inaantok pa rin...
"Oh ayan na pala oh" sabi ko kay marvin..
"Tol, paki reserve ulit ng sixth floor sa monday oh para sa tuesday.." sabi naman ni Marvin kay Oti.. Saturday kasi kaya walang pipirma kaya sa monday pa ulit puwede magpareserve..
Tapos na akong magset-up ng computer pero wala pa yung ibang sasayaw.. hay mga taong to talaga laging late... gutom pa naman ako.. di pa ko nagbreakfast eh..
"Uy puregold muna ko ha.. bili lang ako pagkain" sabi ko to no one in particular.. and sabay lumabas na ng office.. Sumunod bigla si oti at eric...
"Ian wait, sabay na ko may bibilhin din ako eh... " sabi ni Eric.. tingnan mo nga naman oh.. Ian nalang ang tawag sa akin.. porket close na kami ay wala ng ate.. pero ok na rin yun ayoko rin naman ng tinatawag na ate... ka-age ko palang naman talaga sila eh.. advance lang ako nag-aral kay tama parin ang age ko kahit nadelay.. hmmmmmmmmm ilang taon na kaya tong mga to?
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...