(jillian's p.o.v)
napatigil ako sa pag-upo nang makita ko si oti.. aba dirediretso ang loko sa paghiga ng kama ko.. Hala feel at home?
"pssst close ba kayo nun?" pabulong na tanong sakin ni drake...
nagkibit balikat nalang ako at sabay kaming tumingin kay oti... para naman talagang wala siyang pakialam sa paligid niya at at home na home na siya sa kama ko...
nagsimula ng mag-explain ang mga kasama ni ollie tungkol sa business na sinasabi ng mga ito..... maganda ang presentation nila...nalaman ko na networking ang nature nito... multilevel marketing... maraming aspects kung saan puwede kumita kaya naeengganyo kaming sumali, pati si drake naengganyo atang sumali...
"so ano ok ba sa inyo?" tanong ni ollie
"uhmm ok lang ba kung magshare muna kami sa isang account? masyado kasing malaki ang kailangang ilabas na pera" biglang tanong ni drake
"uhmm pwd naman kaso isang pangalan na yung gamitin niyo tapos paghatian nyo nalang yung profit" sabi naman ni bryan
"bakit di niyo na rin isali tong friends mo ian para may downline agad kayo tapos magtulungan na rin kayo" suggestion naman ni arkiel
"ah ako pag-iisipan ko muna" sabi naman ni belle
"eh ikaw oti? gusto mo?" tanong ko naman sa kanya
"ay ayoko nyan... thank you nalang.. ayaw ko kasi ng business" sagot naman niya
"dibale ok lang yan.. ganito nalang para mas matulungan ka namin pumunta ka ng meeting sa friday ok? sa office namin... itetext ko nalang yung address" si arkiel ulit...
"okay... thank you ha" sabi ko sa kanila...
nagpaalam nang umalis sila ollie, bryan, at arkiel...
(oti's p.o.v)
umalis na yung mga kaibigan ni jillian pero nakahiga parin ako sa kama.. ang sarap talaga humiga, nakakarelax... kahit papano nakabawi na ako sa pagod at hilo..
nagcocomputer na sa kasalukuyan yung isa pang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni jillian... magkahawig kasi sila nito... hindi ko siya masyadong napansin kanina...kasi naman ay pagod na pagod ako...
"oh lika na... maglunch na muna tayo" si Jillian ang unang nagsalita...
Napatingin ako sa telepono ko...naku magtatanghali na pala... hindi ko na namalayan ang oras... wala kasimg karelo relo dito sa bahay na ito... Naku di ko natext si mama
Me: ma andito na pala ako sa divisoria...
Sending message..
Sending message...
Message Sent!
Maya maya pa ay pababa na kami ng hagdan... Kahit papano nawala na yung hilo ko.. ganito talaga ako pag napapagod.. nadiagnose kasi ako last year na may hypertension kaya may maintenance ako kaya pag napapagod ganito..
"dun na tayo sa mall maglunch bago tayo magcanvass.." sabi ulit ni Jillian
"oki" sabi naman ni belle...
Nang makarating kami sa mall ay bigla nalang bumilis ang lakad ni Jillian...
Grabe tong babaeng to talaga... parang nakikipagpatintero sa mga tao... halos mawala na siya sa paningin ko ah...
Binilisan din namin ni Belle ang paglakad para mahabol siya... Mejo nahirapan din ako sa dami ng tao kasi inaalalayan ko pa si Belle... maliit kasi si belle kaya kawawa naman kung mabubunggo bunggo lang siya ng mga tao..
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...