Maaga akong nagising ngayon kasi orientation na namin sa school... siyempre check ng phone.. walang message... bumangon na ako at nagtoothbrush tapos naligo at nagbihis... yan ang daily routine ko pagkagising... sa school na ko nagbreakfast kasi wala namang magpreprepare ng breakfast.. dalawa lang kami ng kapatid kong si drake dito sa manila kasi nasa province nakabase ang parents namin...tulog pa yung kapatid ko as usual... lumabas na ako ng bahay at naglakad ng konti.. tamang tama to, exercise kasi chubby talaga ako eh... Lumipat na pala kami ng apartment dahil dalawa na kami ng kapatid ko this year. College na rin kasi siya.
Naglakad pa ako ng mga ilang kanto bago nakasakay ng jip papuntang school... hay masikip na yung jip pero narinig ko yung kundoktor.."oh dalawa pa dalawa pa kabilaan pa yan... konting urong lang..." sigaw nung mama... ay kumusta naman diba? hindi naman mga bata ang pasahero mo manong... Only in the Philippines ka nga lang naman talaga makakakita ng ganito oo....
Pagdating ko ng school.. nakasalubong ko si Zerah at Belle na palabas na ng gate.. "Oh Ian halika na, diretso na tayo dun sa auditorium.. dun yung orientation eh" sabi ni belle
"Okay..." sabi ko naman sabay talikod kasi babalik nga kami palabas ng gate..
grabeh ang dami talagang tao pag orientation pano kasi nagsasama sama ang mga estudyante... nagulat ako ng biglang tumili si belle... mahina lang naman ang tili niya pero tinalo pa ata ang soprano sa taas ng boses... ang sakit sa tenga katabi ko pa man din siya..
"Huy anu ka ba? para kang pusang nasagasaan ah.. bakit ba? kaloka ka.. mababasang eardrums ko sayo.." saway ko kay belle..
"eh panu anjan si oti oh.." sagot naman ni zerah...
Napalingon ako tapos nakita ko siya.. Palabas na rin siya ng gate at kasama sila Mark.. tumango lang siya at nagsmile... aba kilala niya ba ako?
"Ian, bakit nagsmile yun sayo.. magkakilala ba kayo ha?" sabi naman ni belle... o.a sa pagkaobservant pagdating sa crush niya...
"Ah eh hindi naman... parang pinakilala lang kami ni sydney nung nagenroll ako kasi nga officer namin siya.. halika na nga." sabi ko sabay hila sa kanila patawid ng kalsada..
Nasa hospital kasi ng school yung auditorium namin kay ayun tatawid pa kami... Magkatapat na kalsada ang building ng school at building ng hospital. Hawak kamay kaming tumawid kasi nakakatakot naman talagang tumawid sa kalsadang ito, para kang nakikipagpatintero sa truck at yung guard na nagguide sa mga tumatawid eh nasa kabilang kalsada pa....
Pagdating namin sa auditorium konti nalang ang natitrang bakanteng upuan pero siyempre dahil miss friendship tayo marami nang nagsave sakin ng upuan...
"psssst.. Ian dito ka na umupo oh para sama sama tayo.. " napatingin ako kay sydney na nakaturo sa upuan sa likod niya... isa nalang yung bakante sa upuan nila kaharap yun ni Oti...
"ah sige dun nalang ako kasama ko kasi sila belle at zerah eh" sabi ko naman..
"ah ganun ba... ay siya nga pala.. timothy si jillian oh yan yung auditor dati.. single yan" nanunukso si sydney..
hello? hi? pinakillala mo na kaya sa akin yan nung enrollment... Unlimited sydney? sabi ko sa isip isip ko... busyng busy naman sa pakikipagkuwentuhan si johny bravo kaya nagulat pa siya nung nabanggit ang pangalan niya... Nakaupo siya sa likod nila sydney bale yung vacant seat tapos si mark tapos sya malapit sa gilid na aile.
Tumingin siya sa akin.. "Uy may papakilala pala ako sayo ... " sabi ko sa kanya bigla...
"ah anu yun? ah uy..." Nalilitong sabi niya pero tunalikod na ako at pumunta sa upuan namin nila bellesabi kaya balik ulit sa siya kakuwentuhan niya...
pumunta na ako sa upuan ko katabi sila belle... Nagsimula na rin magorient ang teacher kaya mejo tumahimik na din.. mejo lang kasi meron paring mga pasaway na estudyante na walang pakialam sa inoorient at nagbubulungan.. at isa na kami dun.. whahaha
"hoy Ian.. bakit di ka umupo dun.. sayang naman gusto ko pa naman umupo malapit kay papa oti.." sabi sakin ni belle...
"gaga! panu ka magiging malapit don eh isa nalang naman yung upuan dun at tsaka ako yung pinapaupo hindi ikaw... " sabi ko naman sa kanya
"ay unga noh... di bale katext ko na rin naman siya eh... weeeeeeeh " sabi niya..
"oh talaga? san mo nakuha yung number niya? anu nagpakilala ka na? nag-eentertain ba o suplado?" sunod sunod ata ang tanong ko pero ewan nacucurious ako...
"hindi naman siya suplado nagrereply naman kaya nga kinikilig ako hahahaha pero sabi ko ako si april.... kaya ayun hinahanap niya sa school kung sino si april buti nalang wala na si april dito ahahahah" sagot ni belle habang tawa ng tawa.. Si april kaibigan din ni belle naging kaklase namin nung first year pero lumipat na ng school. Wag kayo magtaka marami talaga umaalis sa school dahil sa hirap ng buhay pagaaral dito..
"Quiet!!!!! Ayan na naman kayo students kaya laging wala kayong alam sa mga policies kasi tuwing nagoorient kami nagtsitsismisan kayo jan... mamaya na kayo magtsismisan!!! Now listen!!!!............." sabi ng prof sa harap at tinuloy ang kanyang orientation..
tumahimik ulit ang buong auditorium pero maya maya lang ayan na naman ang mga bulungan... anu pa nga ba? ahahahah
"dibale mamaya pupunta ako dun sumama ka saking para makalapit ka dun" bulong ko kay belle
"ay ayoko nahihiya akow.." maarteng sagot ni belle..
" oh sige di wag" sabi ko
"ay anu ka ba naman jowk lang yun.. sige na halika na punta tayo dun" sabay bawi naman niya..
"loka.. mamaya pa pagkatapos magsalita ng prof"..sabi ko naman
natapos nga magsalita ang prof kaya may 5 min break kami at pumunta na ako doon kila sydney syempre kasam si belle.. "oh dyan ka muna belle" sabi ko kay belle habang pinaupo ko siya dun sa bakanteng chair sa harap ni oti... "oki" ngiting ngiting sagot ng loka loka
pumunta ako sa may bandang gitna at nakipagtsismisan kanila iya at sydney.. ayun dun ko nalaman na wala na nga si rain.. lumipat na ng school... "ang problema ngayon nagpreprepare na tayo para sa foundation week tapos wala tayong secretary" sabi naman ni iya
"okay Juniors and Seniors! go back to your seats Mr. Garry Ching has some announcements" sabi ng prof sa harap... ayun taranta ang mga studyante panu ba naman kasi iba magalit to si sir Ching.. bading kasi.. oooops chismis lang yun... Balik na din ako sa upuan ko..
"huy umattend ka sa meeting mamaya ah.." sabi naman ni iya...
bumalik na ako sa upuan ko at nakinig kay sir Ching.. Lahat kami nakikinig pag si sir Ching ang nagsasalita, kasi nga iba magalit yan.. nakakapanginig ng laman pag sumigaw na...
hay sa wakas natapos na din ang orientation... Bumaba na kami sa lobby ng hospital.
"weeeeeeeeeeeeeeeeehhhhh ang bango bango talaga ni oti" high na naman tong si belle..
"anung mabango? wala nga akong naamoy dun puro kalawang at kulob ng audi ang naamoy ko" sabi ko kay belle
" heh!!! kontra ka na naman eh... xempre naamoy ko siya kasi nasa kanya ang focus ko." sagot naman ni belle
"o sige na pupunta muna ako dun sa meeting" sabi ko sa kanila ni Zerah at nauna na ko maglakad dahil pupunta pa ko ng school.
A/N
hmmmm please vote vote vote kayo at recommend niyo sa iba para naman dumami ang readers ko thanks
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
Storie d'amoreJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...