Chapter 10 The Set -Up

217 13 0
                                    

Awww ang sakit ng ulo ko pagkagising ko... Past 7 am na pala... naalala kong nagising ako kagabi pero natulog din agad ako sa sobrang antok... Ouch! ang sakit ng mata ko nasobrahan ata ako ng tulog ah...

bumangon na ko at ginawa ang aking daily routine... nagbihis ako ng pang-alis pagkatapos maligo... biglang tumunog yung phone ko...

Belle: gurl asan ka? andito nako sa tutuban mall... dito sa may national bookstore..

me: ah ok... papunta na ko jan... wait ka lang

lumabas na ko ng kuwarto... tulog pa tong kapatid kong si drake... kinuha ko yung phone ko at susi at lumabas na ng bahay...

nagrerent lang kami ng apartment ng kapatid kong si drake.. dalawa lang kami dito sa manila but soon my other brother ollie will join us kasi he would be in college na din so our parents decided to rent an apartment for us.. mahirap din kasi makitira... and yup don't get confused, my other brother's name is ollie dn katulad nung friend ko but most of the time we call moks.. thats suits his personality way better.

malapit lang yung apartment namin sa tutuban mall.. actually nasa likod mismo siya ng mall.. paglabas mo sa likod na gate ng mall malapit dun sa may night grill restaurants, tatawid ka lang and dun na...

it didn't take long for me to find belle...

"gurl lika na ang tagal mo naman... asan ba bahay niyo? tsaka anung oras ba dating ni papa oti?" sunod sunod na tanong ni belle... "uy! ian! anu? sino ba yang katext mo? si papa oti ba yan?" inip na tanong ulit niya nang di ako sumagot...

"hello? panu ako sasagot.. binigyan mo ba ko ng chance sumagot? eh hindi nga ko makasingit sa dami at bilis ng mga tanong mo" sabi ko na busy padin sa pagtetxt tapos naglakad na ako at sumunod naman si belle...

"teka bakit ka aakyat? diba pupunta tayo sa bahay mo?" tanong niya ulit habang nasa escalator kami...

"may imimeet lang ako na friend... pupunta din siya sa bahay kasi may paguusapan kami pero sandali lang yun" paliwanag ko at tsaka ko nakita si ollie

"oh Ian... parang lumulusog ka ata" bati sakin ni ollie

"ewan ko sayo tumgil ka na nga jan.. nga pala friend ko si belle" sabi sabay harap kay belle "belle ito si ollie, kaibigan ko yan since elem" pagpapakilala ko

"anung elem... ever since kinder" pagmamalaki ni ollie

"okay fine... oh halika na sa bahay" yaya ko sa dalawa

"teka teka... antayin muna yung mga kaibigan ko" sabi naman ni ollie..

maya maya dumating nga ang dalawang lalaki at pinakilala na sila ni ollie sa amin... yung isa doon not so lalaki... yun si arkiel at yung isa naman si bryan...

After namin maintroduce sa isa't isa, pumunta na kami sa bahay... hinihingal na ako pagkadating sa bahay... fourth floor kasi kami tapos wala pang elevator kaya naghagdan nalang kami....

"uhmm inom muna kayo ng water... serve yourself nalang tapos dumeretso na kayo sa kuwarto dun nalang tayo wala pa kasing laman yung sala namin" sabi ko at pumasok na ng kuwarto.. gising na si drake at nasa computer na naman as usual...

"oy drake andito si ollie" sabi ko sa kapatid ko... pumasok na sila ollie, bryan, arkiel at belle sa kuwarto

"oy drake kumusta?" bati ni ollie sa kapatid ko..

"ok lang... anung meron at napadalaw ka?" sagot naman ni drake

"ah explain lang namin yung business kay Ian... gusto mo makinig ka na din baka magustuhan mo" sabi naman ni ollie

"oh sige dito na kayo maupo sa kama.. yung iba jan sa ball chair" sabi ko at umupo na din sa gilid ng kama ng biglang tumunog na naman ang phone ko...

1 message received

Oti: Ian nandito na ako sa may robinson's supermarket

hay nakakainis naman tumiming tong lalaking to.... hindi pa nga ako nakakapagpahinga.. nakakapagod kaya umakyat baba dito sa building...

me: ah cge wait lang punta nako jan

nagpaalam ako sa kanila na may susunduin lang sandali at umalis na

(oti's p.o.v)

Maaga akong umalis nang bahay para may time pa akong hanapin yung meeting place namin ni jillian.. hindi ko talaga kasi kabisado doon...

"ma alis na po ako babye" paalam ko kay mama at humalik na ako sa pisngi niya

"oh sige. mag-ingat ka nak ha... anung oras ka nga pala uuwi?" sabi ni mama...

"ah hindi ko pa alam ma kung anung oras kami matatapos eh" sabi ko at pumunta na ng pinto....

"oh wag ka magpagabi ha delikado sa daan... magtext ka kung nakarating ka na" pahabol ni mama

naglakad ako hanggang sa sakayan ng bus.. hindi masyadong matao ngayon kasi linggo kaya nakaupo ako sa bus... bumaba ako sa may n.domingo at sumakay ng divisoria na jip...

naglakad ako simula sa kanto ng abad santos... hindi na kasi makapasok ang jip sa sobrang daming tao at tsaka mga stalls na nasa kalye na... Anu ba naman to ang gulo dito.. Nang makarating ako ng tutuban centermall, pagod na pagod na at ako at pawis n pawis... masakit na rin ang ulo ko... nakakahilo naman kasi ang sobrang dami ng tao dito... pumasok ako sa loob ng mall .. tinitignan ko yung may mga exit sa may gilid ng mall hanggang sa nakita ko yung robinson's supermarket...

hay sa wakas... buti at hindi ako naligaw... kinuha ko yung phone ko

" Ian nandito na ako sa may robinson's supermarket "

sending message.....

sending message.....

message sent!

ian: ah cge wait lang punta nako jan

maya maya pa nakita ko na si Ian...

"Uhmm pwede ko ba mahiram yung oras mo? sandali lang" sabi niya sa akin ng nakangiti... first time ko nakitang ngumiti siya sa akin... nagulat ako kaya hindi agad ako nakasagot...

"ah oh ah sige " sabi ko sa kanya... naglakad na siya at sumunod ako sa kanya kahit hindi ko alam saan kami pupunta... at para namang narinig niya ang utak ko..

"daan muna tayo sa bahay namin.. sandali lang" sabi niya na naglalakad parin... tumango ako pero hindi niya ata nakita... grabe ang bilis niya maglakad... nakakahilo ang paghabol sa kanya... pagdating namin sa labas ng gate sa likod ng tutuban mall tumawid kami at pumasok sa isang building... hindi ko na nabilang kung ilang flight of stairs ang inangat namin basta ang alam ko nasa fourth floor kami at nahihilo na ako..

pumasok kami sa isang apartment... walang kalaman laman ung sala at madilim ang bahay maliban nalang sa ilaw na nanggagaling sa isang kuwarto... dumeretso doon si Jillian at nagulat ako nung nakita kong maraming tao at nakita ko si Belle "uy!" bati ko sa kanya pero mas nangingibabaw yung hilo ko.. nakita ko na nakaupo sila sa kama... wow kama... gusto ko nang humiga... pumunta ako sa may ulunan ng kama at doon ako nahiga... Napapikit ako at tsaka ko nalang narealize? bakit nandito si belle?

I'm Just In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon