Hello!!! Eto na po wala nang paligoy ligoy pa..
=============================================================================
Paglabas namin ay nauna nang umuwi yung iba.. Nagkayayaan ulit kaming kumain... Kasama ko sila Mark, Manuel, Eric at syempre si Oti... Sumama na rin ako sa kanila para hindi na ako magdinner pagdating sa bahay...
Naglalakad kami ngayon papunta sa makulay at nakita kong may kausap sa cellphone si Oti... Hindi ko masyadong marinig yung mga sinasabi niya pero pakiramdam ko eh mama niya yung kausap niya..
Hindi ko mapigilang isipin kung pinapagalitan na nga ba siya ng mama niya.. Nang malapit na kami sa makulay ay binaba na niya ang cellphone.. Madalas kami dito sa makulay, masarap kasi ang luto dito tapos mura pa.. Malapit lang din ito sa school... Walang pangalan ang kainan na to pero tinawag nalang naming makulay dahil makulay ang mga pader..
Pagdating ay nauna na akong umorder... wala na masyadong tao noon dahil gabi na rin at nakauwi na halos ang mga estudyante.. Pagkaorder ko ay umakyat na ako agad sa second floor ng makulay at naghanap ng mapupwestohan.. maya maya ay sumunod din so Oti at umupo sa harapan ko...
"Oh, asan na sila?" tanong ko kay oti
"Umoorder pa eh" sagot naman niya
Ang tahimik ng paligid namin.. Tumayo si Oti at binuksan yung malaking electric fan sa likod... sakto namang dumating na ung mga kasama namin at nagsipag-upuan na.... Agad namang tumabi si Oti sa akin at kinuha ang kamay ko tsaka ito hinilot hilot... Hindi ko maintindihan pero parang normal nalang iyon na gagawin niya.. hindi ko na pinansin ang kakaibang pakiramdam dahil dumating na yung mga order namin...
Kanya kanya kaming kain dahil gutom na kami.. Pero nang paglingon ko lay Oti ay nakita kong panay ang text niya.. Naalala ko tuloy ang sabi ni Eric na lagi siyang napapagalitan ng mama niya dahil sa late na siya umuuwi..
"Oti, uhmmmm di ka pa ba hinahanap sa inyo?" tanung ko matapos naming kumain... nagkukuwentuhan pa kasi sila mark eh...
"Ah alam naman nila na nasa org ako eh.." simpleng sagot niya
"Eh di ka pa ba uuwi baka iniintay ka na sa inyo?" dagdag na tanong ko...
"Maya maya na sabay sabay na tayo" sagot naman niya sabay ngiti...
Hindi ko alam pero parang teenager naman ako na kinikilig sa mga ngiting iyon.. Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ko... Si Drake iyon nagpapabili ng pagkain... Nagpaalam ako sa kanila na bababa saglit para umorder ng pagkain ni drake... Pork chop with gravy lang ang inorder ko pagkatapos ay umakyat na ulit ako sa taas para doon nalang antayin ang take out...
Pagdating ko sa taas ay saktong patayo na sina Manuel at Mark...
"Una na ko ha malayo pa kasi biyahe ko.." paalam ni Manuel
"Sabay na rin ako" habol naman sa kanya ni Eric
Naupo na ako at tumango lang sa dalawa...
"Oy kayong dalawa, kayo na bahala kay Ian ah pasakayin niyo muna ng jeep" sabi pa ni Manuel bago bumaba
"Oo kaming bahala" tugon naman ni Oti
Tiningnan lang ako ni Manuel at ngumiti ng makahulugan... huh? anu kaya yun??
Pagtingin ko kay Oti ay nagtetext na naman siya at nakita kong napangiti siya... hmmmm bakit kaya siya nakangiti? sino kaya ang katext niya? si belle kaya?
Hmmmppp nakakainis!! di ko alam kung bakit ako naiinis!! kanina ba ako naiinis?? kay Oti o kay belle? teka hindi ako dapat mainis... bakit ganito?? waaaaah
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...