Chapter 1 Prince not Charming

1.9K 25 1
                                    

"Hello! Jillian! Anu ba yung naririnig ko ha na kung sino yang boyfriend mo.. puwede ba kung maghahanap ka ng boyfriend yung kaklase mo o kaeskuwela yung nakikilala mo at kasama mo.." Naririnig ko ang boses ng dad ko kahit 5 inches away ang telepono sa tenga ko. Hay naku!! Siguro nagsumbong na naman yung epal na tita kong pakialamera..

"Pa, ano ba? alam ko naman ginagawa ko pabayaan mo nalang kasi ako." sabi ko sa tatay ko. Naku mali pa ang nasabi ko sigurado sermon na kasunod nito.

"Anung pabayaan ha? bakit? sasabihin mo sakin mahal mo yang lalaking yan.. walang mahal mahal pagdating sa lalaking yan. hindi mo pa yan masyadong kilala at wala kang mapapala diyan. Ang dami ko nang narinig tungkol sa prince na yan!!makipaghiwalay ka na dyan kung ayaw mong pauwiin kita dito sa probinsya at mabulok ka nalang dito!" Mariing sabi ng tatay ko..

See sabi ko na eh sermon. Kung sabagay, hindi ko din naman siya masisi, he's just looking out for his daughter. Babaero daw kasi si prince.

Yup alam kong babaero si prince pero nachachallenge ako sa kanya, feeling ko kasi ako na yung makakapagpabago sa kanya. nasobrahan ata ako kakabasa ng mga love story kaya nagiging abnormal na takbo ng utak ko. Guwapo din naman kasi siya kaya masarap din ang feeling na kapag nakikita siya ng friends ko eh naiinggit sila. Prince could be described as TALL DARK & HANDSOME.. exactly!!! Hindi na nakakapagtataka na maraming babae humahabol sa kanya.

Hay ano ba to sumabay pa tong problema kay prince, stressed pa naman ako sa school. Foundation week kasi next week ng college namin so itong week na to busy na lahat dahil sa preparations. Ang dami ko pa namang nasalihan. Cheering, food fest, basketball, volleyball, variety shows etc. 3rd yr ko na dito sa college kaya marami na rin akong activities na nasalihan.

Pagkadating ko sa school diretso na agad ako sa second floor kung saan yung room na nakaassign para idecorate namin for food fest presentation. Chinese cuisine ang nabunot na theme ng group namin. Pagdating ko sa room ay nandun na rin yung mga kasama kong committee at sinimulan na namin ang pagdecorate ayon sa napagmeetingan namin.

Nang matapos kami ay nagpahinga muna ako at tinawagan ko si prince.

"Bie, kumusta ka na?" sabi ko nung nasagot niya ung telepono.

"Eto bie kasama ko yung mama ko sa kama, nagpapahinga." Mama? Bakit hindi maganda ang kutob ko sa mama na tinutukoy nya? Remember babaero si Prince.

"Talaga bie? Kaw ha baka hindi nanay mo yang kasma mo." Sagot ko naman sa kanya.

"Bie talaga oh sino naman sa tingin mo kasama ko?" Sabi ulit ni Prince

"Alam mo bie marami kasi akong narinig tungkol sayo, maraming sinabi sa akin yung mga katulong nang kapitbahay na madami ka daw babae. Pati si papa alam na kasi nila na boyfriend kita. Pero wag ka mag-alala hindi naman ako maniniwala hanggat walang proweba." Paliwanag ko kay Prince. Hindi ko na tinago sa kanya yung mga alam ko, I don't see the point.

"Bakit naman daw ako babaero? May nakita ba sila na kasama kong babae? grabe naman sila manghusga." sabi naman niya.

"Hayaan mo na yun bie. Eh bie kung magaral ka kaya ulit para mejo kumalma si papa, kasi isa yun sa mga ayaw niya sayo. iba padin kasi pag may tinapos ka." suggestion ko naman sa kanya. Hindi na kasi nagaaral si prince, tumigil siya di ko alam kung bakit.

"Ganun ba? bakit tingin nila sakin ganun? porket ba mayaman kayo ayaw saking ng papa mo? Napakamatapobre naman nun! Porket ganito lang ako wala ba akong mararating sa buhay!" Defensive na sagot ni Prince.

"Bie hindi naman sa ganun kaso siyempre papa ko yun, gusto lng niya na wag ako maloko at maging maganda ang future ko. Bie diba mahal mo naman ako?" tanong ko sa kanya

"oo naman bie kaso yung papa mo kasi eh parang hinuhusgahan agad ako." sagot ni prince.

"Bie kaya nga mag-aral ka ulit para mapatunayan mo sa papa ko na kaya mo akong buhayin balang araw" suggestion ko lng naman yun pero nagulat ako sa reaksyon ni prince.

"Ano?! so naniniwala ka nga sa papa mo!!! hindi mo matanggap kung ano ako!!! Sige na may gagawin pa ko!" hindi na ako nakasagot kay prince dahil binaba niya na agad yung phone. tama ba yun? ganun lang yun? may masama ba sa sinabi ko? Hay bahala ka nga jan.

Pagkababa ng phone tiningnan ko yung oras, gabi na pala.. Nagpaalam na ko sa mga kasama ko at umuwi.

Natapos ang linggong yun at hindi parin nagpaparamdam si Prince. Hay anu ba yung lalaking yun.

Kinabukasan Monday na start na ng foundation week.. Bale Openning to nang foundation week so sa umagaay parade, iikot kami sa street na nakapalibot sa school them iprepresent yung mga kasali sa sports activites after nun cheerdance competition na.

Pagdating ko sa school chineck ko yung phone ko pero wala paring text or miscall galing kay prince! hay! galit pa din siguro to.

Matext nga...

Bie, kumusta? Galit ka ba? Usap tayo mamaya ha. hindi pala ako makakatext sayo until mamayang hapon kasi start na ng parade at cheerdance namin tapos may game na din ako after so magiging busy ako. Tatawagan nalang kita mamaya ha?

sending.....

sending....

message sent.

A/N

Hi i'm new in wattpad.. mejo true to life inspired tong story and mejo inedit lng ng konti.. hope you'll like it.. Feel free to leave a comment

I'm Just In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon