Chapter 23 Selos???

131 3 3
                                    

This chapter is dedicated to Nightmarelove19 :)
Thanks for appreciating our story :)
****************************************************************************************

Hala!!! OMG anu nangyari?? huhuhu pano na to??? lalo na nila kami aasarin ni Oti...huhuhu

Wala ako sa sariling naglalakad habang papunta ng SCA Office... Kakatapos lang ng klase namin kay Mr. Koh.. Pagpasok ko nang room ay nandun na si Oti at Eric..

"Oh kumusta? Nasagutan mo ba lahat?" tanong ni Oti ng pumasok ako..

"ah oo.. salamat ah.." sabi ko sa kanya..

Biglang pumasok si Mark na hinihingal.. "Oti samahan mo naman ako magpagupit oh mabilis lang... baka mahuli kasi ako ni Miss Lim lagot ako" sabi niya sabay hila kay Oti at nagmamadali...

Naiwan kami ni Eric sa loob ng SCA room tsaka naman dumating sila Iya, Marvin, Sydney, James at Manuel....

"Oy Sydney may kukwento ko sayo" si Iya sabay tingin sakin at ngumiti ng nakakaloko...

"Oh anu yun?" tanung naman ni Sydney

"Alam mo ba kanina, si Oti confirmed!!! May gusto kay Ian!!! Binigyan siya ng leakage wahahhahaha" pagkukuwento ni Iya kay Sydney...

"Talaga?" sabi ni Sydney na nanlaki ang mga mata.. "Wow!! madadagdagan na ang SCA couples hahaha" sabi naman ni Sydney

"Hay naku tumigil na nga kayo.." saway ko sa kanila

"Sus Ian pakipot ka pa" sabi naman ni Manuel

"Chong congrats!!" dagdag pa ni Marvin

"Che!!! Ewan ko sa inyo!!! Mamaya kakaasar niyo isipin nung tao may gusto ako sa kanya..." sabi ko sa kanila

"Bakit totoo naman diba?" nang-aasar na sabi ni manuel...

"Grrrrrrrrrr" nagdadabog akong pumunta nlng kay Eric na tatawa tawa...

Sinundan naman ako ng iba para ituloy ang pangaasar nang biglang dumating na sila Oti at Mark.. Dirediretso agad si Oti sa akin..

"Ian oh" sabi ni Oti sabay abot sa akin ng isang supot ng kiat kiat

O_O ....

"Hah? ah.... Thank you." sabi ko at inabot ang supot... alam ko namumula na yung mukha ko kaya tumalikod ako sa kanila... Nararamdaman ko na naman yung kabog ng dibdib ko....

"Ang cheap mo naman manligaw Oti..." Si Sydney....

"Oy wag kayong ganyang baka mabasted agad yan" tawa ng tawang sabi ni Iya at Nagtawanan na rin yung mga iba pa naming kaibigan.

Napansin kong tahimik lang na nakaupo si Oti at nakapikit ang mga mata. Pansin din kaagad ang mga pawis na tumutulo sa noo niya.

"Hoy tignan niyo hinahighblood na naman ata si Oti" sigaw ni Eric

Agad naman pumunta si Marvin kay oti. "oy tol ayos ka lang ba?" Tanong ni marvin

"Mejo nahihilo lang, ang init kasi sa palengke." sagot ni Oti na sapo ang noo.

"Alam mo na kasing highblood ka pumunta ka pa ng palengke" saway naman ni Marvin.

"Sinamahan ko lang kasi si Mark" sabi naman ni Oti.

"Oy Mark sa susunod kasi wag mo na isama tong si Oti sa palengke" saway ni Sydney kay Mark.

"Oy Ian oh, si Oti kailangan ng TLC(tender love and care)" tatawa tawang sabi ni Iya

"Heh! Puro kayo kalokohan talaga" saway ko saka lumapit kay Oti.

"Ah gusto mo ba pumunta ng clinic? May gamot ka ba?" Tanong ko kay Oti

"Hindi, ok lang ako pahinga lang to" sabi niya sa akin sabay ngiti.

Maaga kami natapos ng gabing yun dahil pagod na rin ang lahat.

Kinabukasan naglalakad ako kasama si kuya Randy habang kumakain ng fries, break kasi namin kaya bumili kami ng fries sa canteen.
Naisip ko bigla si Oti. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw ah.

"Oy Ian tignan mo si Oti nambabae harap harapan oh" sabi bigla ni kuya Randy sabay turo sa bench sa may guard.

"Nu ka ba kuya Randy? Hahaha Adik ka talaga, hindi nga kami nyan" sabi ko pero nakaramdam agad ako ng inis.

Nakita ko naguusap sila nung babae, kumakain ng kiat kiat. ha!! Kiat kiat pa talaga ah. Eh akin dapat yan eh.

'Hay nu ka ba Jillian? Relax hindi kaya kayo' saway ko sa sarili ko pero naiinis parin ako. Kung gusto nya ako, bakit iba kasama niya, kiat kiat pa talaga kinakain nila, kung ayaw naman niya sakin, bakit siya sweet? Or assuming na nga ba ako? Haaaaaay

"Huy!!" untag sakin ni kuya Randy. "nagseselos ka no?"

"Ha? Hindi no? Hahaha adik ka talaga" sagot ko sabay tawa. Tinignan lang ako ni kuya Randy at tinaasan ng kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Just In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon