Chapter 12 S.C.A cupids

292 12 1
                                    

"hey hey! you you! i don't like your girlfriend... no way! no way! i think you need a new one..." nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko.... bumangon na ako ang chineck yung phone ko...

1 message received

Oti : Gudmorning!

Me:Gudmorning din!

Lumabas ako ng kuwarto... Naabutan kong kumuha ng tuwalya si drake galing kabilang kuwarto... Dala dala niya sa isang kamay yung polo niya..

"bobby, paplantsa naman ng uniform" sabi niya sakin.. bobby ang tawag ng dalawa kong kapatid na lalaki sa akin kasi nga chubby ako noon kaya kahit pumapayat na ako nakasanayan na nilang tawagin ako na bobby

hindi na ako sumagot pero kinuha ko yung uniform niya... Dumiretso na siya sa banyo at naligo.. Pagkatapos maligo ni drake ay umalis na ito ng bahay...

Naligo na rin ako at nagbihis pagkatapos ay pumunta sa skul... panghapon ulit ang klase ko...

Pagkatapos ng mahaba at mainit na biyahe ay nakarating din ng skul...

1 message received

Marvin: chong yung general assembly ha itext mo na yung mga members..

.

Me: ok...

Ar naggm na ko sa mga members namin, buti nalang naayos ko na sila sa contacts ko..

Marvin: may meeting tayo ng 4pm ha... bago ng General Assembly...

Umakyat na ako ng classroom... Wala pa si Iya pero nandun na si kuya randy...

"huy ian! may miting daw kayo mamaya? punta ako" sabi ni kuya randy

"ah oo..." sabi ko sakto namang dumating si iya kasama si sydney...

"hoy kuya randz! bakit nakiki S.c.a ka eh diba president ka ng speech club? " tanong agad ni sydney tapos tumawa.. ganyan si sydney mahilig mang-asar.. actually lahat naman kami eh..

"eh bakit ba!? ikaw kaya maging one-man org... leche kasi wala na yung mga members ko hindi ko mahagilap wala din kahit mga officers... di nagpapakita... " sabi ni kuya randy na nakasimangot...

"hahahahaha wahahahahaha" sabay sabay kaming nagtawanan nila sydney at iya..

"kawawa ka naman kuya randz hahaha" sabi ko na tumatawa padin

"o sige na... baba na ko sa research baka dumating na si dean" sabi naman ni sydney...maya maya pa ng makalabas si sydney ay dumating na si sir koh...

biglang nagsipagupuan kaming mga estudyante.. at biglang nagsipagtahimik...

"oh bakit ang tahimik niyo? ....kunwari mabait kayo ganun? ang paplastic niyo no mga lekat!" sabi ni mr. koh sa tonong nagbibiro...

Nagtawanan ang lahat!

"oh ngayon nagtatawanan kayo... alam niyo ba ibig sabihin ng sinabi ko..." sabi ulit niya at tsaka tinuro yung isa kong kaklase

"ikaw tatawa tawa ka jan alam mo ba yung salitang lekat? " sabi niya at umiling yung kaklase ko...

"o tamo tas tawa ka ng tawa.. sige assignment niyo yan... tanung niyo sa magulang niyo... ang di magtanong lekat!" sabi ulit niya at nagtawanan kami ulit...

Nagsimula na siyang magdiscuss... natapos na naman ang klase ng di namin namamalayan...

pumunta na kami ni iya sa office para sa miting... wala pa sila marvin pero andun na yung ibang officers... naguumpukan sila sydney, oti at mark kay eric sa may organ... tumutogtog si eric... wow amazing ang galing niya..

I'm Just In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon