Ouch! Huhuhuhuh! Angsakit na naman ng ulo ko... hay! kasalanan to ng Oti na yun eh.... napuyat kaya ako dahil sa kanya.. huhuhu...waaah anong oras na ba? tiningnan ko ulit yung phone ko.. what 7 am palang? tsk...bakit ang aga ko nagising? wala namang pasok... yes!!! buti nalang walang pasok.. makakatulog ako buong araw... OH shoot!!!!!!!!!!!!!!! mamimili pala kami ni oti mamaya...
Waaaahhhhhhhhhhhhh si Oti na naman! ang aga aga si Oti agad iniisip ko... anu ba nangyayari sa akin... hay... pero nagulat talaga ako sa mga nalaman ko.. ang galing naman ni oti.. scholar siya... sino kaya nagpapaaral sa kanya? ano kaya ang madalas niyang gawin sa bahay nila? masipag din kaya siya sa bahay? ang daming tanong.. curious talaga ako kay oti...
lhmmmmmmmmmmmm maaga pa naman puwede pa ko matulog... zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...
after 30 minutes, narealize ko na niloloko ko lang ang sarili ko dahil hindi rin ako makakatulog kakaisip kay Oti..hay... napagdesisyunan ko na bumangon na at maligo.. aagahan ko nalang pumunta ng school.... total dun na rin naman ako maglulunch.... so tumayo na ako toothbrush, ligo, at bihis.. tapos pumunta na ako ng skul... nakacivilian lang ako na damit dahil wala naman akong pasok, aantayin ko lang si Oti na matapos ang klase dahil kailangan namin mamili ng mga gagamitin para sa foundation week ng college. mga 10 am ay nasa tapat na ako ng school.. dumiretso muna ako sa master siomai at bumili ng food ko... pagkatapos ay pumasok na ako ng school at dumiresto na ng s.c.a office...
Ay nakalock pa ang pinto... walang tao... hahahah buti nalang may susi ako.. lahat kasi ng officers ng org. ay may susi sa room... solo ko ang room yey! what to do... **yawn** hay antok pa ako.. makatulog nga muna...
Hindi ko alam kung gano katagal na nakasubsub yung ulo ko sa lamesa at kung gano katagal akong naidlip... nagulat na lang ako ng may tunog na galing sa pinto... may pumasok.. nag-angat na ako ng ulo at nakita ko yung pumasok.. Si Eric lang pala...
"Oh Eric, bakit nandito ka.." tanong ko sa kanya...
"mamaya pa pasok ko eh, inagahan ko lang ang punta ng school para makapaglunch muna ako dito... hehhehe walang food sa bahay eh" paliwanag ni Eric... Ay oo nga pala, section B si Eric.. Kapag duty week kasi ng section C and D ay lecture ng section A and B.. Waaaaah section C pala si Oti, ibig sabihin mamaya pang 3 pm ang labas niya..!!!
"Waaaaaaaaah oo nga pala 3 pm pa labas ni Oti! ang tagal ko mag-aantay.." nasabi ko nalang bigla..
"huh? inaantay mo si Oti.. Uy Ian ah, iba na yan I smell something.." sabi ni Eric..
"Che!!! smell something ka pa jan!! inaantay ko siya kasi mamimili kami ng props!! duh??" sabi ko kay Eric... asar kasi.
"duh??? hindi lang naman kayong dalawa ang bibili.. kasama niyo si manuel, bakit siya lang inaantay mo?" sabi naman ni Eric...
Patay huli ako dun ah... tanga mo kasi Ian, walang preno ang bibig mo....
"heh!! ewan ko sayo.." sabi ko at tumawa lang si Eric habang binubuksan yung pagkain niya na sa master siomai din binili... ay unga pala di ko pa kinakain yung pagkain ko..
Nagsimula na kaming kumain ni Eric at nang patapos na kami ay dumating na yung mga iba naming kasama.. karamihan ay senior at si sydney dahil sila Iya ay nasa duty din...
"wow ang aga mo Ian ah excited ka talaga sa date niyo ni oti.. hahhhahhahahhaha" sabi ni sydney... tiningnan ko lang siya ng masama pero bale wala din kasi tumawa lang sila.. ayun...
"oh chong yung pera kunin niyo nalang sa student council office.. nakay Kent... " sabi ni Marvin..
"okay chong.. may kasama bang pangmerienda kami dun? hahaha" sabi ko naman..
"OO naman chong kasama sa budget yun hahhah si Oti na bahala sayo.. " sabi ulit ni Marvin sabay kindat pa..
"hhaahhahahah eyyyiiiiii uuuuuuuuuuyyyyyyyyy" ayan tampulan na naman ako ng tukso.. how I wish oti is here huhuhu.. hay what??????!!! anu bang iniisip ko.. kelan pa ko nakahanap ng comfort kay oti ha?... tsk...
"Nga pala chong balik agad kayo ah, wag masyado mawili sa date may practice pa tayo.. " tatawa tawang dagdag pa ni Marvin.
biglang narinig namin ang keyboard.. tumutugtog si Eric.. hay saved by Eric dahil napunta na ang attention sa kanya.. kanya kanyang request na ng kanta..
finally ay natapos din ang lunch break at kanya kanya nang balik sila sa mga room.. wala na rin si eric so solo ko na naman ang room.. nagdecide ako na iopen ang laptop ko at bumuo ng bagong steps para sa second part ng kanta... Nang mapagod ay lumabas ako ng room at bumili ng food.. burger at avocado shake.. yumm... pagbalik ko sa room ay nandun na si Mark..
"huy mark!!! himala nandito ka, di ka na mahagilap lately ah..." sabi ko kay mark.. siya kasi ang vice president pero officer din siya ng batch kay lagi siyang wala...
"grabeh ka naman Ian busy lang yung tao.. hahah" sabi niya..
natawa lang ako.. mga 2pm palang,.. inaantay ko padin si oti.. at si manuel siyempre.. hahaha.. napaisip na naman ako ng tungkol kay oti.. ang alam ko barkada din niya tong si mark eh.. kasama sila rain...hay si rain.. huhuhu mahal kaya talaga siya ni oti hanggang ngayon.. may gusto din kaya siya kay Oti? impossibleng wala.. ang bait kaya ni Oti.. kahit sino mafafall agad dun.. hayyyy bakit bigla na naman ako nalungkot...
" oh anung problema mo Ian?" takang tanong ni Mark..
"huh? wala.. antok ako.. " sabi ko.. tapos silence na..naglaro nalang ako sa laptop ko..
" oy mark diba barkada mo si oti? nakapunta ka na ba sa bahay nun?" maya maya ay sabi ko kay mark...
"oy ikaw ah, gusto mo na agad pumunta sa bahay nila oti ah.." tukso ni mark.. namula agad yung mukha ko.. sabi ko na nga ba eh mali yung pagtatanong ko eh...
"tungaw hindi... nacurious lang ako dun sa kakambal niya.. bihira kasi ang fraternal twins.. yung kambal na lalaki at babae" pagdadahilan ko..
"huh? wala naman kakambal si oti ah.." sabi ni Mark..
"huh? eh nakausap ko yun eh.. si wendy.." sabi ko naman.. nakakutob na ako na pinagtripan ako ni oti...
" ah si achi wendy... hahahhaah ate niya yun.." sabi ni mark.. Ay lang hiya napagtripan nga ako.... humanda sakin yun...
maya maya ay dumating na si manuel...mga ilang minutes after ay dumating si Oti...
"oh tara na" sabi ni manuel..
"teka kunin ko muna yung pera kay kent.." sabi ni oti... tiningnan ko lang siya ng masama.. mukhang di niya napansin kasi dirediretso lang siya sa student council office.. Si kent treasurer yun ng buong student council bale sila ang humahawak ng mga funds ng bawat organization ng college. Kabarkada din siya ni Marvin.
after makuha ni Oti ang fund para sa org namin ay umalis na kami at pumunta ng divisoria.. hindi ko parin kinakausap si oti.. una, dahil natatakot ako maging lalong malapit sa kanya dahil baka umaasa ako sa wala... hindi ko alam kung kelan pero ewan parang higit pa sa crush ang nararamdaman ko sa kanya.. at ayoko kong isipin ang tungkol sa kanila ni Rain.
Pangalawa, naaasar ako sa kanya dahil pinagtripan niya ko na may kakambal siya at di man lang niya binawi... nakakaasar kaya yun.. kaya hindi ko talaga siya papansinin.
=============================================================================
a/n
sorry guys super iksi at super tagal nung upload.. huhuhu wala kasi kaming internet kasi lipat bahay... ang bagal ng pldt.. nakicomputer lang ako sa cuzins house kasi I felt so guilty na hindi makapagupload.. so please bare with me... maybe sa monday pa ulit ako makapagupload.. pls. vote parin and continue reading.. thanks.. pls pls vote..
BINABASA MO ANG
I'm Just In Love
RomanceJillian has a bad experience with relationship though she never really loved prince, he hurt her pride so much caused her to fail in her studies. From then on, she vowed to herself that she would never enter a relationship until she is sure he is th...