Chapter 1 *introduction*

153 2 0
                                    

Chapter 1 *introduction*

Pakshet.

Ganyan ko talaga sisimulan ang kwentong ito. Eh kasi naman,

.

.

.

.

.

.

.

LATE NA AKOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Oo. First day na first day late ako. 15 minutes na lang at masasarahan na ako ng gate! Eh hindi ako ginising ni Kuya eh. Pasalamat pa nga ako at walking distant lang. Pero kapag late ako, kailangan kong takbuhin para makaabot ako.

ROYAL ACADEMY

Ayan na, malapit na ako. Hinihingal ako. HAYYYY!

Oh! Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Carla Astrid Reyes Cabrera. 4th year highschool na ako ngayong pasukan.Ako ang top 1 sa klase namin at the same time ang laging binubully dito sa school. Kami ang may-ari ng school na ito at isa yon sa aking pinakaiingatang sikreto. Gusto ko lang kasing makapag-aral ng maayos at walang special treatment. Walang nakakaalam nito kundi ako,ang Pedrosa twins,mga teachers at iba pang staff dito sa Royal Academy.

"Good morning po." Bati ko kay manong guard.

"Good morning Hija."

Buti naman at di pa ako late. Habang naglalakad ako papuntang 4th floor, naririnig ko na naman ang mga bulung-bulungan nila.

"Ayan, anjan na si Solitary Geek."

"Anjan na yung pasikat."

"Hayy. Nakita na naman natin yung papansin dito sa school."

Hayy, sanay na naman ako sa sinasabi nila eh. Simula 1st year kasi lagi nalang ako ang pinag-uusapan nila. Kung alam lang nila na kami ang may-ari ng school na ito at kapatid ko ang Principal dito.

"Astrid!"

Pedrosa twins. Ayan na sila! Ipapakilala ko muna sila sa inyo. Si Eroll Pedrosa, childhood friend ko at the same time crush ko. Syempre, kahit naman subsob ako sa pag-aaral may crush din naman ako. Di naman ako bato no? Gwapo, mayaman, mabait, makulit at matalino yang si Eroll. Heartthrob yan dito sa school. Si Jecca Pedrosa naman, childhood friend ko din sya. Maganda, matalino at mabait yan. Sabi naman nila,maganda rin naman ako,mabait at matalino. Naniwala naman ako sa kanilang dalawa. At sila lang dalawa ang nakakaintindi saken dito.

"Good morning!"

"Good morning Astrid!" - Eroll

"Good morning!" - Jecca

"Late na ba ako?" tanong ko sa kanila

"Di pa naman. 5 minutes na lang. Dito ka na umupo sa tabi ko!" sagot naman ni Jecca.

"Dito na lang sa tabi ko!" sabi naman ni Eroll.

"Dito na lang ako sa tabi ni Jecca! Baka mangagat ka! Hahaha" sabi ko kay Eroll.

At biglang dumating si Ma'am Torres, ang aming adviser at the same time Math teacher.

"Good morning class." Bati samin ni Ma'am.

"Good morning Ma'am!" Bati namin.

*blah blah blah* Homeroom lang naman kasi at wala pa akong ganang makinig. Sa susunod na lang ako makikinig. Filipino naman at mabait pa ang teacher.

-----------------

Please vote. share. comment.

LAHAT NA HAHA THANK YOU! :**

Solitary Geek meets the Mysterious TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon