Chapter 15 *Christmas eve*

35 0 0
                                    

Chapter 15 *Christmas eve*

                                             

Lahat kaming tao dito sa bahay ay busy na busy para sa Noche Buena mamaya. Pupunta din kasi dito ang parents ni Ken kasama nya.  Medyo hapon na rin nang magsimula kaming magluto. Sama-sama kami nina Dad,Mom at Kuya dito sa kusina at para bang bonding na rin ito sa aming apat. Minsan lang mangyari ‘to. Ang magkasama kaming lahat sa Pasko. Minsan kasi wala si Dad dahil sa business namin at minsan naman ay si Mom ang wala. Dumating rin sa point na kami lang nina Kuya at mga maids namin ang nagcecelebrate ng Pasko dito sa bahay.

Dumating ang gabi at naghanda kami para magsimba. First time naming magsimba nang sama-sama. Namiss ko talaga ‘to.

Malapit nang mag Noche Buena, dumating na ang pamilya ni Ken para makisalo sa amin. First time nga palang magkakakilala ang mga parents namin.

“Good evening! Merry Christmas!” bati agad ng Mom ni Ken sa amin.

“Merry Christmas po!” bati ko naman din sa kanila. Nakilala ko na rin ang parents ni Ken nang minsang dinala nya ako sa bahay nila noong time na wala akong kasama dito sa bahay.

“Wait, Rafael ikaw ba yan?” tanong naman ng Dad ni Ken.

“Anthony Hidalgo? Yes, it’s me Rafael.” Sabi naman ni Dad na para bang magkakilala sila ni Tito Rafael.

Bestfriends daw pala sila nung college kaya ayun, nagkakwentuhan agad.

“Merry Christmas Sir Cabrera” bati ni Ken kay kuya Niccolo.

“Merry Christmas Ken, you can call me kuya kapag wala tayo sa school.” Kinuha ni kuya yung hawak ni Ken na mukhang pagkain na pandagdag sa Noche Buena maya maya. Kami na lang ni Ken ang naiwan dito sa may sala dahil itong si Mom eh inalok agad ng perfume si Tita Belle, ang mother ni Ken.

“Merry Christmas Ken!” masayang bati ko sa aking bestfriend.

“Merry Christmas!” bati nya muli sa akin.

Nagkakwentuhan lang muli kami at napasali dun ang ilang kaganapan noong Christmas Party namin.

 

--flashback—

 

Nasa kwarto ako noon habang tinitingnan ko ang sarili ko suot ang isang black and white dress.

“Hija! Bumaba ka na dito! Andito na ang sundo mo!” sigaw ni Mom sa akin kaya dali-dali kong kinuha ang gamit ko at bumaba na ako.

Sino pa bang sundo ang tinutukoy nya? Eh di si Ken.

Tumambad sa aking harapan ang isang poging nilalang na naka- black and white na polo at pants na si Ken. Iba na talaga pag minake-over ko. Successful talaga.

Nakakotse kaming pumunta sa school syempre. Ikaw ba naman ang paglakarin na naka-heels diba?

At syempre as the Class President ay ako ang mangunguna sa lahat ng gagawin sa aming Christmas Party.

“So, magpo-proceed na tayo sa Exchange Gift. You will describe your monito/monita. Ako na ang magsisimula.

Ang nabunot ko ay monito. Matangkad sya. Maputi. Matalino at higit sa lahat ay bestfriend ko. Si Ken” lumapit sa Ken sa akin at iniabot ko ang regalo ko sa kanya. It’s his turn naman para magbigay ng regalo sa nabunot nya.

“Ang nabunot ko naman ay simple lang. Maganda, matalino at higit sa lahat ay bestfriend ko din. Walang iba kundi si Astrid.”

Biruin mo iyon nabunot naming ang isa’t-isa?

--end of flashback—

“Alam mo ba yung isa nating kaklase? Ang natanggap katol!” napatawa naman ako sa kwento ni Ken.

“Yun ngang isa nating kaklase eh, insect killer spray.” Kwento ko din naman sa kanya at nagtawanan lang kami.

“Mga bata, kakain na.” yaya sa amin ni Dad kaya pumunta na kami sa dining area.

Habang kumakain kami ay di maiiwasang makapagwentuhan sina Dad tungkol sa pagiging mag-bestfriend nila ni Tito Anthony noong college.

“Nako mare, itong si Astrid? Napakaganda at bait na bata. Boto na ako sa kanya para kay Ken.” Sabi naman ni Tita Belle kay Mom.

“Ay ganun din itong si Ken. Pagkapogi pogi nitong binata mo. Boto na rin ako sa kanya” gatong naman ni Mom na para bang sobrang close na nila ni Tita.

“At alam mo ba pare? Magbestfriend na yang mga anak natin.” Saad ni Dad kay Tito.

“Oh, it’s good to hear. Kahit hindi pa kami matagal na tumitira dito ay may kaibigan na agad sya.” Komento naman ng Dad ni Ken.

 Pagkatapos naming kumain ay niligpit na naming ang kinainan namin. Niyaya ko sa kwarto ko si Ken habang ang mga parents namin ay naiwan sa sala na nagkekwentuhan.

Pagkapasok ko ay may kinuha ako sa cabinet sa tabi ng kama ko. Ang regalo ko kay Ken.

Pumunta na lang kami sa may veranda at nag-star gazing muna kami dun.

Ang dami-daming stars. Ang sarap nilang tingnan habang kumikinang sa langit.

“Ken, merry Christmas ulit. Ito nga pala ang regalo ko.” Iniabot ko ang kaninang kinuha ko sa aking cabinet. Isang box ng isang mamahaling relo.

Binuksan nya ang regalong iyon at nabakas sa mukha nya ang pagkamangha at sobrang tuwa.

“Astrid, eto nga pala ang regalo ko sa’yo. Merry Christmas ulit.” May kinuha sya sa bulsa nya at nakita kong isang maliit box na parang lalagyan ng singsing.

“Thank you very much.” Hindi ako nagkamali dahil pagbukas ko ng kahon ay isang ring na may malaking diamond sa gitna. Ang ganda ganda nito at nagustuhan ko ito nang sobra.

“Astrid, may isa pa sana akong gustong sabihin sayo.”

“Ano yon?” tanong ko naman sa kanya.

“Hinintay ko talaga ang pagkakataong ito para itanong sa’yo ‘to: Can I court you?

Natigilan ako at para bang tumigil ang oras para mapag-isipan ko kung anong isasagot ko sa kanya.

Pero bigla na lang bumuka ang bibig ko at sabay sabing:

YES.

-------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Solitary Geek meets the Mysterious TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon