Chapter 13 *Christmas season*

38 1 0
                                    

Chapter 13 *Christmas season*

dedicated to her^^ Hello ate! Ito po kasing story na 'to inspired ng My Prince. Thank you ate! See you soon :)

One week na lang at Christmas party na! Yeyeyeyeyeah.

We are so excited kaya ngayon, as the Student Council President, ako ang namumuno para sa paghahanda para sa Christmas fair ng school. Oo, tama ang nabasa nyo. May Christmas fair dito sa Royal Academy. At ngayon nandito kami sa Principal's office para i-clarify ang lahat ng gagawin namin.

"Okay. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila ng gagawin nila para sa Christmas fair." Sabi sa akin ni kuya.

"Sige po Sir." Tumayo na ako para ipaliwanag sa ibang officers yung mga gagawin namin.

Hinati ko ang mga gagawin naming. Syempre, para naman may gagawin ang lahat. Bale 15 kaming officers. Kaya 5 per task. Tatlong groups ang mabubuo.

"Ahm, magbunutan na lang tayo para fair naman kung sino yung makakasama natin." Pagpapaliwanag ko sa kanila at sumang-ayon naman sila.

Nagbunutan na kami at ito naman ang lumabas:

Group 1- Me, Jecca, Errol, Justine and Misha

Group 2- Ken, Carly, Yves, Meryll, Marco

Group 3-  Alex, Kylie, Nike, Mark, Basti

"Satisfied naman ba kayo sa nabunot nyo?" tanong naman ni kuya sa amin at tumango naman kami bilang sagot sa kanya.

"Group 1, tayo yung mag-mamanage ng lahat ng booths. Group 2, kayo naman ang mag-mamanage ng mga programs na magaganap sa araw na iyon including yung mga live bands and others. And Group 3, kayo naman yung bahala sa iba pang  kailangan katulad ng mga rides. At kung kailangan nyo ng tulong, I'm always in my room or with my group. Okay na ba?"

"Nice idea. So, tapos na ba 'tong meeting natin? All things are set." Sabi naman ni Ken.

"Yes. And you will start tomorrow. Excuse na kayong lahat sa klase nyo." sabi samin ni kuya and lahat ay napa "yes!" sa sinabi nya. Actually ako lang pala ang hindi. Eh kasi naman ang dami na namang hahabuling classes pagkatapos nito.

**

New week. New start.

Simula na ngayon ng paghahanda namin para sa Christmas fair dahil sa Friday na yun and next week is Christmas party na! At yung deal namin ni Ken? Napurnada kasi hindi naman kami aattend ng klase kaya walang assignments.

"Good morning!" bati ko sa mga kaklase ko pagpasok ng room. Mamaya pa naman kami magsisimulang mag-prepare.

"Good morning Astrid" bati naman sa akin ni Jecca at Errol.

"Hello twins!"

"Buti na lang, magkakagroup tayo para sa preparation sa Christmas fair." Sabi sa akin ni Errol.

"Oo nga Astrid. Hindi magiging boring kasi magkakasama tayo." Pagsang-ayon naman ni Jecca.

Siguro 30 minutes pa ang nakalipas. Nagyaya na ako sa mga officers na magsimula na kaming mag prepare.

"Okay, guys let's do our best para maging matagumpay ang fair na 'to" pag-momotivate ko sa kanila.

"Yes! Fighting!" sigaw naming lahat at nag simula na kami.

Group 1- booths

"Anong booth naman ang gagawin natin?" tanong sa akin ni Justine.

"Gumawa kaya tayo ng Jail booth? Kung sinong pair yung makukulong, sila yung magkakadate in the end of the day para naman hindi sila SMP." Suggestion naman ni Misha.

"Nice idea. Tayo na rin ang gagawa nung isang mini restaurant para sa mga magkakadate." Pag-sangayon naman ni Errol sa kanya at kilig na kilig naman 'tong si Misha. Halatang crush si Errol eh.

"Food booth din and Photo booth with Christmas theme." Sabi naman ni Jecca.

"Naman. Tapos ang menu, si Mom na lang ang bahala. Syempre dapat  tamang tama sa Christmas." Sabi ko sa kanila.

"Omg! Uuwi si Tita? Omg. For sure ang sarap ng pagkain natin hahaha" tuwang-tuwang sabi ni Jecca.\

Yes. Uuwi si Mom galing sa States para dito mag celebrate ng Christmas.

"So, ano pang tinatanga-tanga pa natin dito? Let's start!" sigaw naman ni Justine.

Kaya nagsimula na kaming gumawa ng mga booths.

Ken's P.O.V

"Wala kasi tayong unity sa mga idea kaya wala tayong nabubuo." Sabi sa amin ni Yves. At talagang sya pa ang nagsabi sa amin nyan eh wala nga syang suggestions kahit isa.

Nandito kami ngayon sa Library at dito pa talaga kami nag-babangayan para sa program.

"Ganito na lang, ako yung gagawa ng program. Ngayon,all we need to do is mag-isip kung anong ilalagay sa program." Sabi ni Marco, our Vice President.

"Sabi ni Astrid, kailangan ng live bands. Ako na ang bahala since may kaibigan naman si Dad na may kakilalang band.Tatlong band siguro pwede na" Saad naman ni Carly sa amin.

"Good.  Tapos pasayawin natin ang Royal Academy Dance Troupe with a Christmas theme."  Pag-susuggest ko naman.

"Nice Ken. So, anong gagawin nyo jan Meryll and Yves?" tanong ni Marco sa kanila.

"Ah..eehhh.. Kami na lang ang bahala sa stage and decorations?" nagka-tinginan muna sila bago sila nakapag-salita.

"Sige. Tutulong kami sa inyo. Kaya tara na guys. Ayusin na natin 'to para matapos na." sabi ko sa kanila kaya sabay-sabay kaming tumayo para lumabas ng library at pumunta sa quadrangle. This is gonna be a successful fair.

Pero, kumusta na kaya si Astrid?

Astrid's P.O.V

"Kumusta naman kayo Group 3?" nakita ko kasi sila dito sa canteen since break naming Group 1.

"Ayos naman. Nagpapahinga lang. Medyo nakakapagod maghanap ng narerentahang rides." Sabi ni Basti sa akin. Umupo muna akosa tabi nila para makipag-kwentuhan.

"Kayong group 1, kumusta?" tanong naman ni Nike.

"Malapit na kaming matapos. Dalawang booths na lang" pagsagot ko naman sa kanya.

"Ang bilis nyo naman. Basta nanjan ka talaga Astrid parang bullet sa bilis ma-manage haha" pagbibiro naman sa akin ni Alex.

"Ang galing magbiro. Palakpakan ka namin at baka malugi ka sa naitulong mo."sarkastikong sabi ni Kylie. Ang cute nilang mag-away ni Alex. May something haha.

"Osige. Babalik na ako dun sa mga kasama ko. Goodluck sa atin. Let's make this fair awesome!" sabi ko sa kanila at tumayo na ako para bumalik sa kasama ko.

"Bye Astrid! Goodluck!" sigaw nila sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanila bilang sagot.

Teka, Kumusta na kaya si Ken?

--------------------

OO na. Sabaw yung update hahahahahaha

Vote. Share. Comment.

Thankieee!

Solitary Geek meets the Mysterious TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon