Chapter 3 *story behind the solitary geek and mysterious transferee*
Astrid's P.O.V
Ayan na, malapit na ako sa table nya. At nakatingin sya saken. Teka nakikita nya kaya ako? Eh taklob na taklob nga ng buhok yung mukha nya eh. Hinga ng malalim.
"Hi…I'm Carla Astrid Cabrera" nakatingin lang sya saken, di sya nagsasalita.
"Pwedeng maki-share sa table?" pumayag ka.pumayag ka. Wala na talagang table dito kaya pumayag ka.
"Sure" Yes! Pumayag sya!
"Ahm, Ken Hidalgo, right? Transferee ka?"
"Yes."
Ang tipid naman nyang sumagot. Hayyss.
"Thank you nga pala dun sa kanina."
"Oh. Wala yun,nautusan lang naman ako ni Mr. Cabrera."
"Ahh." Hayyy kaya naman pala.
"Ahm. Bakit parang kamuka mo sya?"
BOOM. Sa lahat ng nakakakita samen, bakit sya lang ang nakapannsin na magkamuka kami ni Kuya?
"Ha? Baka naman magka-apelyido lang." sige Astrid palusot pa!
"Ahh, sige. Sabi mo eh. Sige pupunta na ako sa room"
Tumayo sya pero pinigilan ko sya. May gusto pa akong malaman sa lalaking to eh.
"Sandali lang,isang oras naman yung break natin. Maupo ka muna"
Umupo ulit sya. Okay. Magtatanong na ako sa kanya.
"Ahm, Mr. Hidalgo"
"Ken na lang."
"Okay. Ken pwede bang magtanong kung bakit ang misteryoso mo?"
"Nagtatanong ka na." aba! Ang sungit nito ah!
"Ahm. Alam ko wala ka pang kaibigan dito. Kaya ikekwento ko sayo yung experience ko. Dati, nung first year ako. Binubully nila ako kasi pasikat DAW ako. Ewan ko ba sa kanila, ang alam ko naman eh totoo lang ako sa sarili ko dahil ako yung tipo ng taong PRANGKA.Hanggang ngayon, ganun pa rin yung nangyayari. Alam mo, wala din akong kaibigan dito kundi yung Pedrosa Twins. Childhood friends ko sila. Sila yung katabi ko sa classroom. At bukod sa kanila wala na. Kaya gusto sana kitang maging friend?"
"Magkaparehas pala tayo" sabi ni Ken.
"Ha?What do you mean magkaparehas tayo?"
"Ganyan din yung experience ko."
"Talaga?"
"Oo. Nilalayuan din nila ako. Kapag may kailangan lang sila saka sila lumalapit."
"At kapag naman ikaw naman ang nangangailangan,lumalayo sila."
"Tama ka."
"So, ano? Friends?"
"Friends."
Yahoooooo! At last may friend na ako dito! Siguro kailangan ko ng sabihin yung sikreto ko. Sa tingin ko naman mapapagkatiwalaan to.
"Ahm Ken, mapagkakatiwalaan ka ba? Pwede ka bang pagsabihan ng sikreto?"
"Oo naman. Sa lahat ng nagsabi saken ng sikreto, wala pa akong nasasabi kahit isa kaya mapagkakatiwalaan mo ako."
"Ahm, ano..kasi..Kami ang may-ari ng school na 'to."
O_O <<< Ayan ang reaksyon nya.
"Seryoso?" gulat na gulat na sabi nya este pasigaw nyang sabi.
"Uyy! Wag kang maingay! Pinakaiingatan ko yung sikreto. Teachers,ibang staffs at Pedrosa twins lang ang nakakaalam nun."
"Bakit mo sinabi saken?"
"Alam ko naman kasing mapagkakatiwalaan ka."
"Bakit ayaw mong malaman ng iba?"
"Kasi gusto ko lang mamuhay at mag-aral ng maayos dito. Ayoko ng may special treatment."
"Ahhh okay. Safe sakin yang secret mo :) so,kapatid mo nga si Mr. Cabrera?"
"Oo na, kuya ko sya. Pero magkapatid lang kasi kami sa ama kasi namatay na yung mom ko,kaya yung mom ni kuya, yun na rin ang mom ko ngayon. Gets?" pagpapaliwanag ko kay Ken.
"Gets.Ako naman ang magsasabi ng sikreto sayo, okay?"
"Okay."
"Kami ang may-ari ng Hidalgo Medical Hospital at Hotel de Hidalgo."
"Ahhh. Okay. Safe din saken yang secret mo."
"Salamat! Ahh, tara na sa room! 10 minutes na lang oh"
Hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo na kami papunta sa room.
o.O << < Ayan na lang ang reaksyon ko. Para namang close kami agad kung makahawak ng kamay.
Buti na lang at hindi kami late.
Pagpasok naming sa room, nakatingin samin mga classmates naming kasi nakahawak pa rin pala sya sa kamay ko. Bigla ko namang tinanggal ang kamay ko.
Ken's P.O.V
Bakit ganun? Nung lumapit sya, nung umupo sya sa tabi ko, at nung nagkwento sya saken bakit bumilis ang tibok ng puso ko? At nung tinanong nya ako kung pwede nya akong maging kaibigan, pumayag kaagad ako. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama sya. Di kaya crush ko sya? Oo na. Pero crush lang naman.
WOOOOOOOOH! YES! May kaibigan na ako dito! At andami naming similarities sa isa't isa. Di ko akalain na tama yung hula ko na kapatid nya si Mr. Cabrera. At yung Pedrosa twins? Sana maging kaibigan ko na din sila.
Hayy,ang boring ng klase. Parang nagbabasa lang ng libro itong teacher naming eh. Parang manananggal, yung tipong nakaupo lang at nagbabasa ng libro, konting paliwanag at tanong. Yung tipong kalhati lang ng katawan nya ang kita.
After 394848942302 years, hayyy salamat tapos na at makakauwi na ako.
"Ken!"
"Oh,Astrid!"
"San ka nakatira?"
"Villa Nova Subdivision."
"Talaga? Dun din ako eh! Tara sabay sabay na tayo!"
"Oh sige!"
Kasabay naming umuwi ang Pedrosa twins at naging magkakaibigan na kami pero itong si Eroll parang ang cold saken. Nakauwi na yung kambal kaya kami na lang ni Astrid ang magkasabay.
"Ayan na yung bahay namin! Bye Ken!" –Astrid
"Talaga? Eh yan lang yung bahay namin eh" sabay turo ko dun sa katabing bahay.
"Seryoso? So magkapit bahay lang pala tayo? Sabay na tayo sa pag-pasok ah! Bye Ken! See you tomorrow!"
------------------
OO PUTOL. HAHA
Don't forget to vote,comment, share hahaha LAHAT NA!
THANK YOU FOR READING!
UPDATE NA BA?