Chapter 14 *Christmas fair*
Astrid’s P.O.V
“Anak, mag-iingat ka mamaya. Huwag kang magpapagabi.”
Sa wakas, nakauwi at nakapiling ko na rin si Mom pagkatapos nyang mag-manage ng perfume business namin sa States. Namiss ko talaga ‘tong pag-aalaga nya kahit hindi ko sya tunay na ina. It’s been 6 years since nawala ang totoo kong ina.
Papunta na nga pala ako sa school para sa fair. 3pm na rin kaya kailangan ko nang pumunta kahit 5pm pa ang simula para mas lalong maging successful yun.
“Mom naman, kasama ko naman si Ken kaya alam kong safe ako.” Sabi ko naman sa kanya.
“Aba aba at sino ang Ken na iyan? Boyfriend mo?” oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya na bestfriend ko si Ken.
“Mom, hindi po. Bestfriend ko lang po sya.”
“Naku baka naman di mapagkakatiwalaan yan.” talagang nanlilitis ‘tong si Mom ah.
“Hay nako Mom. Don’t worry. Susunduin nya ako kaya makikilala mo rin sya. “ ani ko naman ulit.
Biglang may nag doorbell and I guess it’s Ken. Lumabas naman ako para buksan ang gate at tama naman ako na si Ken nga iyon. Pinapasok ko naman sya para maipakilala ko sya kay Mom.
“Hello Ken! Pasok ka muna! Ipapakilala kita kay Mom.” Sabi ko kay Ken.
“Sigurado ka? Nakakahiya naman. Di ako nakapaghanda.”
“Nako hindi naman sya matapang kaya wag kang mag-alala.” Pagkasabi ko nun ay pumasok na kami sa bahay.
“Mom, eto nga pala si Ken. Ken si Mom pala.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
“Hello po. Good afternoon po. You’re Mrs. Alondra, right?” bati at tanong naman nya kay Mom kaya napatingin ako kay Ken.
“Oh. Good afternoon hijo. No, I’m Mira Cabrera. Astrid’s step mom. You can call me Tita.” pagpapakilala naman ni Mom sa kanya.
“Oh I’m sorry po.”
“It’s okay. Siguro dinala ka ni Astrid sa Queen Alondra kaya akala mo na ako yun.” Napatango na lang si Ken bilang sagot.
“Ahm maputol ko muna yang usapan nyo. Aalis na kami Mom. Marami pa po kasi kaming aasikasuhin sa fair namin sa school.”
“Osige hija. Mag-iingat kayo, okay? Pupunta din nga pala ako mamaya sa school nyo para ihatid yung pagkain para sa Christmas restaurant.”
“Okay Mom. See you there!” kiniss ko si Mom at lumabas na kami ni Ken ng bahay at pumunta na ng school.
*ROYAL ACADEMY CHRISTMAS FAIR*
Dumarating na ang mga students dito sa school. Nababakas sa mukha nila ang excitement na sumakay sa rides, makisali sa mga activities at syempre sa ginawa naming restaurant. Ini-assign ko na din sa mga officers kung saan at ano ang imamanage nila. Ako ay dito sa restaurant kasama sina Ken, Nike, Basti at Misha.
“ Boys, pwede nyo nang buksan itong resto. Naihanda naman naming lahat ng menu natin.” Sabi ni Misha kaya sinimulan na nilang buksan ang resto habang kami ni Misha ay mas lalo pang inaayos ang mga gamit.
Nagsisidatingan na ang mga tao dito sa resto kaya naman naging busy kaming lahat. Mayroon nga pala kaming inilaan na private part ng resto kung saan doon dadalhin ang mga couple na mahuhuli sa jail booth.