Chapter 6 *feelings*
Eroll's P.O.V
Hayy, ang bilis talaga ng mga araw, Sem-break na :) Video game lang ang inaatupag ko.
Isip.isip.isip.
*ting* Bright idea!
Yayain ko si Astrid mag-date? Mag-beach? Kumain sa labas? Tanungin ko na lang si Jecca.
"Jecca?" pumasok ako sa kwarto nya.
"Oh bakit kambal?" sabay tago ng cellphone nya.
"Pwedeng magtanong? Humingi ng advice?" umupo ako dun sa sofa.
"Pwede naman :)"
Ganito kasi 'tong kakambal ko. Kapag humingi ka ng favor,asahan mo hihingi din yan ng favor.
"Ahm, ganito kasi..may kaibigan akong lalaki, may gusto sa kaibigan kong babae. Hindi nya alam kung paano nya sasabihin ang feelings nya dun sa babae kasi may pinagkakaabalahang ibang lalaki yung babae. Kaibigan nya din. Pwedeng humingi ng advice? Sasabihin ko sa kaibigan kong lalaki. Please? Please? Ano bang dapat gawin?" pagkekwento ko sa kanya.
"Ano? Di ko naman maintindihan eh. Lagyan mo ng pangalan yung mga characters." Pagmamaktol nya.
"Aisstt. Oh ganito… may kaibigan akong lalaki,si Mr. Y. may gusto sa kaibigan kong babae,si Ms. Y. Hindi nya alam kung paano nya sasabihin ang feelings nya dun kay Ms.Y,kasi may pinagkakaabalahang ibang lalaki yung Ms. Y. Kaibigan nya din, si Mr. X. Oh ano,naintindihan mo na po?"
"Infairness ha, nakakaloka yang Mr. X at Mr.Y mo"
"Bilis na! Advice na!"
"EH bakit ba? Nagmamadali? May taxi ba sa labas at nag-iintay si Mr.Y?"
"Wala naman"
"Hayy,kambal. Baka naman ikaw yung Mr. Y tapos si Astrid si Ms. Y tapos si Mr. X si Ken, diba? Tama diba?" pagpapaliwanag nya.
"Paano mo nahulaan?" takang taka ako.
"HULI KA BALBON! HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Tumakbo sya palabas ng kwarto,tawa ng tawa hinabol ko sya.
"Jecca naman eh!"
Umupo sya sa sofa. Hingal na hingal.
"Kambal,di ko na kayaaa"
Kumuha ako ng isang basong tubig at inabot ko sa kanya.
"Oh,eto tubig..mag-advice kana kasii..Secret lang natin yun ah!"
"Hayy,salamat,umupo ka dito" umupo ako sa tabi nya.
"Kambal, eto lang maipapayo ko sa'yo, dapat maunahan mo na yang si Ken. Mukhang nagkakamabutihan na sila ni Astrid eh. Kung sasabihin mo agad ang feelings mo,baka maturuan mo sya kung paano magmahal.Yayain mong mag-beach! Madalas naman nating gawin yun dati diba? Nung mga bata pa tayo, ibalik mo yung mga memories na yun. Mukha kasing di na ulit yun nakakapag-beach kasi aral ng aral kahit sembreak,basa pa din ng basa ng mga libro."
"Salamat kambal! Gagawin ko talaga yan!" sabay hug sa kanya, tumayo na ako at balak ko namang mag-basketball kasama ang mga kaibigan ko. Hinawakan ni Jecca ang kamay ko.
"Pero kambal,eto talaga ang tatandaan mo..
Huwag kang maging assuming.."
Pagkasabi nya nun, lumabas na ako ng bahay.
"…… Huwag kang maging assuming.."
"…… Huwag kang maging assuming.."
"Ay palaka!"
"Mukha ba akong palaka?"
Aish. Ano ba naman 'tong si Bri nanggugulat! Mukha na ngang palaka,boses palaka pa! At hindi halata na sya ang kalaban sa school ni Astrid, hindi naman mukhang matalino eh.
"Ha? Hindi naman. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" pagalit effect na sabi sa kanya.
"Wala naman. Ibibigay ko lang sana 'to" may iniabot syang kahon ng chocolates.
"I'm not fond of sweets,especially chocolates."
Oo,hindi talaga ako kumakain ng chocolates kasi may allergy ako. May ganun ba? HAHAHAHAHHAHA.
"Ayy,ganun. Ibibigay ko na lang kay Jecca" malungkot na sabi nya.
"Sige na,umalis ka na" pagkatapos nun tumakbo na ako papunta sa court.
------------
Itweet nyo ako ng reactions nyo please :(( @28nicolereyes
Gusto nyo ng dedication?
Next chapter!
Vote. Share. Comment!
Loveyouall! :****