Chapter 9 *beach*

42 1 0
                                    

Chapter 9 *beach*

Eroll's P.O.V

Tatlong araw na ang nakakalipas nung nag advice sa akin si Kambal.  

At ngayon di ko pa rin nagagawa na yayain si Astrid na mag beach. 

Sa Saturday! Yayayain ko na lang sya sa resort ng mga pinsan ko.

Tatawagan ko sya.. okay.

"Eroll! Bakit ka napatawag!? Miss na kita ah" tanong nya agad sa akin.

Paano ba naman nya ako hindi mamimiss eh nung simulang sabihin ko yung "I Like You" iniiwasan ko na sya. [Chapter 4]

"Ahm yayayain sana kita sa Saturday mag beach?" 

"Mag beach? Ano namang naisipan mo at gusto mong magbeach?" 

"Di ba ginagawa naman natin yun nung bata pa tayo?" 

"Eh bata pa tayo nun eh." 

"Sige na..namiss ko lang yun eh" 

"Oh sige na,sunduin mo na lang ako :)"  

YESSSSSS!! Pumayag sya woot woot! 

"Sigeeee Astrid! Saturday,4pm susunduin kita! See you" 

"Sigee bye :)"

YEHEY!!!!!!!!!!!! *sabog confetti* 

Pumayag sya! Masasabi ko na rin yung feelings ko sa kanya!

Astrid's P.O.V

Saturday na. 

Niyaya akong mag beach ni Eroll. Bakit naman kaya? Makapag-bihis na nga. Simple top and shorts :) 

Mga 4:15 na ako nasundo ni Eroll. 

"Eroll,ingatan mo yang si Astrid ha" narinig kong sabi ni kuya Niccolo kay Eroll. Wow ngayon ko lang nakita na CONCERN saken si kuya :) 

"Oo naman kuya Niccolo. Ako ang bahala :)" pagsagot naman nya. Oo, kuya ang tawag nya kapag wala sa school pero Mr. Cabrera pag nasa school. 

"Sigee kuya,aalis na kami bye" pagputol ko sa usapan nila. 

"Ingat kayong dalawa" sabi ni kuya. 

Umalis na kami...nung nakarating kami dun sa resort DAW ng pinsan ni Eroll..bumaba agad ako.. 

Excited na ako!!!!!!!!! 

Inilapag ni Eroll yung gamit namin sa buhangin.. tapos hinila nya agad ako sa dagat... 

Ang saya saya ko talaga! Ngayon lang ulit ako nakapag-beach :) 

Halos isang oras din kaming naglalaro sa dagat... 

"Astrid,tara na!" sabi sa akin ni Eroll.

Umahon na kami..may kinuhang dress si Eroll dun sa bag nya..iniabot nya sa akin :) 

"Para saan 'to?" tanong ko sa kanya. 

"Isusuot mo malamang. Alangan namang ako ang mag-suot nyan diba?" 

Nakakainis 'tong si Eroll ha!  

"Sige na,isusuot ko na"

Pumunta na ako dun sa kwarto at nagbihis na ako. Dress sya na may touch of the beach. Ang ganda :) 

Lumabas na ako at nakita ko namang naka-formal attire si Eroll..bakit? may party ba?

"Oh! Astrid :) tara na!" 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. 

"Mag-didinner tayo." Hinila nya ang kamay ko.

Kinakabahan ako sa mangyayari..hay hindi yan mangyayari Astrid. Kay? 

Wag kang maging assuming. 

Nakarating na kami dun sa restaurant. 

Pumunta kami dun sa reserved table. At isinerve agad ang pagkain namin.

HEAVEEEEEEEEEEEEEEENNNN!!!!!! Ang sarap ng mga pagkain dito.. 

Pagkatapos naman naming kumain, nagkwentuhan lang kami.. 

"May sasabihin sana ako" sabay naming sinabi. 

"Ladies first" sabi nya.. 

"No. Ikaw muna" pagtutol ko sa kanya. 

"Ahm, di ko alam kung paano ko sisimulan ito pero..ahm I like you Astrid..oo gusto kita,matagal na simula pa nung una tayong mag kakilala..ambait mo kasi,maganda at matalino...pero nung dumating si Ken parang nahiya na ako sabihin yung feelings ko kasi mas close na yata kayo sa isa't isa ngayon..Pero ngayon gumawa na ako ng move para masabi ang nararamdaman ko.." 

Napatahimik ako sa sinabi ni Eroll. May gusto din sya saken? Oo. Crush ko Eroll pero dati pa yun at nawala na yun dahil kay Ken :'( Nagsisisi ako kasi di ko agad nasabi ang nararamdaman ko sa kanya :''( 

Huli na ang lahat. Sasabihin ko na lang sa kanya na hindi ko na sya gusto at may reason yun. 

"Ahm, Eroll may sasabihin din ako sayo. Inaamin ko may gusto rin ako sayo.........." 

Napatingin naman sa akin si Eroll, napangiti sya. 

"............pero dati yun." 

Nawala ang mga ngiti sa mukha nya. 

"Bakit? Paano? Dahil ba kay Ken?" sunod sunod na tanong nya.. 

"Oo..dahil kay Ken..Nung nakilala ko sya at naging bestfriend ko sya, nagbago ang buhay ko..nagkakulay at sumaya....sorry Eroll pero kapatid na lang turing ko sa'yo ngayon :'("  

Pagkasabi ko nun.. Lumabas na ako dun sa restaurant at nagpunta dun sa may dagat..di ko alam kung sinundan ba ako ni Eroll o hindi.. basta sinigurado kong hindi nya ako makikita..Umiyak lang ako ng umiyak..Mali ang nagawa ko..nagsisi ako, dapat kasi dati ko pasinabi pero natatakot ako na baka wala syang gusto sa akin :'( Ang landi mo kasi Astrid! Ang landi mo! Nagmahal ka ng dalawa! Wala ka namang alam sa pag-ibig eh! Dapat pag-aaral na lang inatupag! Solitary geek!

Tumayo na ako at umuwi na lang akong mag-isa..nagpasundo na lang ako kay Kuya.. 

Tama nga yung kasabihang 

"Nasa huli ang pagsisisi."

--------------------

Woot! Malapit na naman akong mag hiatus :((( 

Sorry sa mga typos!

Vote.Share.Comment! 

Thankiieeesss :D

Solitary Geek meets the Mysterious TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon