Dedicated to him^^ kuya thank you sa pag-inspire sa pagsusulat! Sayang, di ko po kayo nakita noong November 14 sa SM Batangas :( Next time. :)
Chapter 12 *deal* *majestic four*
Astrid's P.O.V
Lalalala~~~ Excited akong pumasok ngayon! December na kasi at malapit nang magpasko.
May monthly test kami ngayon. And guess what? Lahat ng subjects. Na-stress ako kagabi kaaaral at nakatulog ako siguro 1am na :( Pero confident pa rin ako kahit puyat. :)
BOO!
"AAAAAAAAAAAAAAYYYYYY!" nakakagulat naman.
"Good morning Miss" oh? Miss. Ano kayang nakain nitong lalaking 'to?
"Morning Ken!" bati ko sa nilalang na 'to habang naglalakad kami papunta sa room namin.
"Nakapag-aral ka ba? Pakopya mamaya ah hahaha"
"Oo naman. Ako pa di nag-aral? Ikaw?" paguusisa ko sa kanya.
"Syempre naman. Joke lang na pakopya hahahaha"
"Alam ko naman joke lang yun haha" sagot ko sa kanya.
Pero parang may naiisip ako.
"Ahm Ken"
"Bakit?" tanong nya saken.
"Let's have a deal."
"Ano namang deal?" hay kung ano-ano talagang pumapasok sa isip mo Astrid!
"Pataaasan tayo ng makukuhang average sa mga scores ng tests natin mamaya."
"So anong consequence?" tanong nya ulit.
"Kapag mas mataas average mo, libre kita ng isang buwang recess at kapag ako naman ang nanalo, ikaw naman ang manglilibre ng recess for one month." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ang common naman ng consequence na yan."
"Eh ano? Slave thingy? Ang common naman nun."
"Hindi. Kapag mataas ang average ko, ipag-gagawa mo ako ng assignment for two weeks at kapag naman sayo yung mataas, ipag-gagawa kita ng assignment for two weeks."
Oh? Nice idea Ken. :)
"Okkkaaaaaayyy. DEAL." Sagot ko with confidence.
"Deal."
Hindi namin namalayan na nasa room na pala kami at magsisimula na pala ang test namin.
Syempre iniba ang seating arrangement. Yung iba nakaharap sa pader tapos yung iba nasa unahan nakaharap at yung iba sa likod nakaharap. Pero yung iba naming classmates, CHEATING arrangement. Ang weird diba? At doon pa kami ni Ken napatapat sa nakaharap na pader.
First test. English. :)
Okay kaya natin 'to Astrid!
**
Hayyy. Nakakapagod ng utak! Nakatambay ako ngayon sa garden para i-compute ang mga scores ko.
English- 99/100
Science- 100/100
Social Studies- 99/100
Filipino- 98/100
MAPEH- 77/80
Computer- 80/80
Mathematics- 100/100