Chapter 2 *transferee*

113 2 0
                                    

Chapter* 2 *transferee

Filipino Time.

Hayy, buti na lang at mabait at kakilala ko yung teacher.

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late."

Oh, sino kaya ito? Transferee? Bakit ganun nakayuko lang sya tapos taklob ng buhok yung mukha nya? Nakuha nya ang atensyon ko.

"Oh. Mr. Hidalgo, why are you late?"

"Sorry Ma'am, kinausap lang po ako ng principal."

"Ahh, okay. Palalampasin ko muna ito dahil first day. Sige pwede ka ng maupo. Class,san pa ba mag bakante?"

"Sa tabi po ni Astrid!" sigaw nung kaklase ko.

"Okay. Mr. Hidalgo,bago ka nga pala umupo. Magpakilala ka muna" sabi ni Ma'am.

"Good morning, I'm Ken Justin Hidalgo. I'm a transferee. Please be nice to me." pagpapakilala naman nya.

Umupo na sya sa tabi ko. Habang nagkaklase, sa kanya lang ako nakatingin.

"Miss Cabrera, parang hindi ka nakikinig?" sabi ni Ma'am.

Napatayo naman ako bigla. Patay.

"Sorry po." Yan na lang ang nasabi ko.

"Ahm, ipaliwanag mo ang.."

"Ma'am, nakalimutan ko nga pala pong sabihin sa inyo, ipinapatawag po kayo ng principal kanina."

Bigla naman kong napatingin sa katabi ko. Si Ken pala yung nagsalita.

"Ah sige. Okay class, ipagpatuloy na lang natin bukas itong lesson naten. Miss Cabrera, make sure na makakasagot ka saken bukas. Pwede na kayong mag-break. "  sabi ni Ma'am.

"Okay,Ma'am" hay,buti na lang nagsalita tong katabi ko. Akala ko bato kasi tahimik. He's my savior. Kailangan ko bang magpasalamat? Siguro kailangan. Humarap ako sa kanya..

"Sala…"

K. Nakaalis na pala sya.

Pumunta na ako sa canteen at nag baka sakali ako na baka nandun sya. And ayun! Bakit nandun sya sa sulok? Bumili muna ako ng pagkain at pumunta ako dun sa table nya.

Ken's P.O.V

Hi. I'm Ken Justin Hidalgo. I'm a transferee here in Royal Academy.

*blah blah blah* Hayy.Late na nga ako pinapunta pa ako dito sa principal's office.

"Okay. Pwede ka ng pumunta sa room mo Mr. Hidalgo.Papuntahin mo dito si Ma'am Torres kapag nakarating ka na sa room mo" Sabi nung principal.

"Sige po.Thank you Sir." Sagot ko sa kanya.

401….401….401.. Okay. Kakatok na ako. *Hinga ng malalim*

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late."

Mukha namang mabait itong teacher namin.

"Oh. Mr. Hidalgo, why are you late?"

"Sorry Ma'am, kinausap lang po ako ng principal."

"Ahh, okay. Palalampasin ko muna ito dahil first day. Sige pwede ka ng maupo. Class,san pa ba mag bakante?"

"Sa tabi po ni Astrid!" sigaw nung isang lalake.

"Okay. Mr. Hidalgo,bago ka nga pala umupo. Magpakilala ka muna" sabi ni Ma'am.

"Good morning, I'm Ken Justin Hidalgo. I'm a transferee. Please be nice to me." Pagpapakilala ko naman.

Umupo na ako sa tabi nung Astrid dahil dun may bakanteng upuan.

"Miss Cabrera, parang hindi ka nakikinig?" sabi ni Ma'am.

Napatingin naman ako kay Astrid. Nakatayo sya.

"Sorry po." Yan na lang ang nasabi nya kay Ma'am.

"Ahm, ipaliwanag mo ang.."

Ay! Nga pala! Nakalimutan kong sabihin na tinatawag si Ma'am ng principal. Tumayo din ako at nagsalita.

"Ma'am, nakalimutan ko nga pala pong sabihin sa inyo, ipinapatawag po kayo ng principal kanina."

Bigla namang napatingin saken si Astrid.

"Ah sige. Okay class, ipagpatuloy na lang natin bukas itong lesson naten. Miss Cabrera, make sure na makakasagot ka saken bukas. Pwede na kayong mag-break. "  sabi ni Ma'am.

Tumayo na agad ako at pumunta sa canteen. Nagugutom na ako at dahil wala pa akong kaibigan dito, kakain akong mag-isa. Nakahanap akong table dun sa sulok,umupo na ako at nagsimulang kumain. At infairness, masasarap ang pagkain dito. Buti na lang at itinransfer ako dito ng mga magulang ko. Walking distant lang din naman tong school na ito kaya masaya ako.

Teka..parang may naglalakad papalapit saken………

…………

…...Si Astrid?

Solitary Geek meets the Mysterious TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon