Chapter 5 *lovelife *
Astrid's P.O.V
Naglakad na kami ni Ken papuntang school.
"Good morning Astrid" bati nya sabay nakakalokong ngiti.
"Good morning"
"Ahm,Ken may itatanong ako sa'yo"
"Ano 'yon?"
"Bakit ganyan itsura mo?"
"Mahabang kwento."
Nakoooooo. Handa naman akong makinig eh. Pero wag na,hindi naman talaga kami ganun kaclose eh. Isang linggo pa lang ang nakakalipas.
"Astrid, may tanong din ako"
"Ha?"
"Na-inlove ka na ba?"
Napatigil naman ako sa tanong nya.
"Oh bakit ka napatigil?"
"Ahh wala. Ako nainlove na? Eh ang pangit ko nga eh. Crush. Meron ako."
"Pangit? Ang ganda mo kaya. Wala lang sigurong nakakaappreciate"
"Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang ang nagsabing maganda ako. Salamat"
"Eh sino naman yung crush mo?"
"Si Eroll"
Patayyyyyyy. Ang daldal mo Astrid. Bakit mo sinabi?
"Ahh, tara na sa room"
Hindi ko napansin nasa school na pala kami. Ang cold ng pagkakasabi nya…
Lunch time. Sabay kami ni Ken mag-lunch. Oo sa canteen ako nagla-lunch,di ko kasi kasabay si Kuya kasi alam nyo na, secret kasi.
"Ken,sabi mo kanina mahabang kwento tungkol sa itsura mo? Kasing haba ng buhok mo?"
Di sya nagsasalita. Nakatingin lang sakin at naka-poker face.
"Uyy ikaw naman di na mabiro joke lang yun. Sorry na"
Bigla syang tumawa ng malakas at pakinig sa buong canteen.
"HAHAHAHHAHAHAHHAHAHA" di pa rin sya tumitigil sa pagtawa.
"Uy bakit ba? Nakakatawa ba ang sinabi ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman yung reaksyon mo nakakatawa hhahahaha"
"Pwes. Di ka nakakatawa" tumayo ako at aalis na,biglang kinuha nya ang kamay ko.
"Saglit lang Astrid, magkekwento na ako. Wala naman tayong teacher sa unang period natin ngayong tanghali."
Napaupo ako kaagad. Salamat naman at magkekwento na 'to.
"Wag ka dito magkwento, tara sa garden" Hinila ko naman ang kamay nya at tumakbo papunta ng garden. Di naman ako excited marinig ang kwento nya noh?
Nakarating na kami sa garden and yes, walang tao.
"Oh dali,kwento na!"
"Di ka naman excited?"
"Bilis na!"
"Oh sige. Eto na, 10 years ago, may childhood friend ako.. her name is Blythe Lopez. Ang mom and dad nya ay kasama sa negosyo ng mom and dad ko. Doctor din sila. Mabait si Blythe.Maganda at matalino kagaya mo. Crush nya ako. At crush ko din sya. Nung makagraduate kami ng Grade school, valedictorian sya and ako naman ang salutatorian. Inamin nya na may crush sya saken at inamin ko rin yung nararamdaman ko…."
Ang lalandi naman pala ng mga ito. Grade 6? Lovelife. Aishh..okay tuloy..
"Pero nalaman ko na lang na sa States sya mag-aaral. Iniwan nya ako dito. Di man lang sya nagpaalam saken. Wala man lang kaming communication sa isa't isa kaya nangako ako sa sarili ko, magpapahaba ako ng buhok hanggang sa dumating sya,saka lang ako magpapagupit."
"Ahh,gusto mo pa ba sya ngayon?" tanong ko sa kanya, malay ko ba baka nawala na yung feelings nya para kay Blythe at parang nag seselos ako dun sa babaeng yun ah.
"Ewan ko ba? Parang nakakalimutan ko na sya eh."
Sana nga makalimutan mo na sya…ayyt ano bang nangyayari sayo Astrid! Kaibigan mo lang yang si Ken kaya wala kang karapatang magselos!
Ken's P.O.V
Nakakalimutan ko na nga ba talaga si Blythe? Simula kasi nung nakilala ko si Astrid,hindi ko na naiisip si Blythe. Hayy iba kasi ugali ni Astrid,at yun ang nagustuhan ko sa kanya.
Sana kapag dumating yung time na umamin na ako kay Astrid,sana huwag dumating si Blythe. Kalimitan kasi sa mga istorya ganun ang nangyayari.
At least may napagsabihan na ako ng feelings ko. Iba talaga itong si Astrid.
-------
Hello Ate Tonie! Alam kong binabasa mo ito haha
Wag na XD tatawanan mo lang ako :(
Itweet nyo ako ng reactions nyo ha? @28nicolereyes.
Wag kayong maging silent reader :(
Nalulungkot ako :(
Vote. Share. Comment.
Thank youuuuu Lovelots <3 :)