Chapter 4 *jealousy*
Eroll's P.O.V
Hayy. Hindi ko pa rin talaga makalimutan yung nangyari nung isang linggo.
Astrid kasama si Ken? Ken kasama si Astrid? Bakit ganun na lang ang nararamdaman ko?
Let me tell you a story. Childhood friend ko kasi si Astrid. Simula nursery magkaklase kami. Magkaibigan. Oo inaamin ko. May gusto ako kay Astrid. Oo di ko inaamin na sobrang maganda sya pero nagustuhan ko ang ugali nya at unique ang kagandahan nya. Pero ang turingan lang namin nina Jecca ay magkakapatid at sa tingin ko naman wala syang gusto saken kasi subsob na subsob yun sa pag-aaral eh wala naman syang kalaban dito school maliban na lang kay Bri,ang babaeng patay na patay saken. Ayaw ko naman sa Bri na yun eh. Basta ayaw ko. Mabalik tayo kina Astrid at Ken, dapat umisip na ako ng plano para masabi ko kay Astrid ang nararamdaman ko. Hayyy. Isip.isip.
"WAAAAAAAHH!"
Biglang napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Oo napasigaw ako, kasi naman bakit pa nauso ang pag-ibig.
"Mr. Pedrosa, why are you shouting?" sabi ng teacher namin.
"Sorry Ma'am."
Fvck. Bakit ka sumigaw Eroll! Napapaghalata ka eh!
Astrid's P.O.V
Hayy. Ano kayang problema ni Eroll? Bakit kaya sya napasigaw? Hahanapin ko sya at kakausapin ko. At ayun! Nasa garden at nakaupo sa bench at parang malalim ang iniisip.
"Eroll!"
"Astrid!" sabay ngiti.
Ang lungkot ay napalitan ng ngiti. Di kaya? Di kaya?
Wag kang maging assuming Astrid. Okay?
"Upo ka dito Astrid" syempre masunurin ako kay crush,umupo ako sa tabi nya.
"Bakit Eroll?"
"Lumapit ka may ibubulong ako sa'yo."
Lumapit naman ako sa kanya tapos biglang.
.
.
"I like you Astrid" sabay takbo.
Freeze. O_O Loading..Loading..Loading
Umuwi na agad ako at hindi ko na nakasabay si Ken. Dumiretso agad ako sa kwarto para gumawa ng report at matulog.
"I Like you."
"I Like You"
"I Like You"
ANOBAAAAAAAAA! Time check. 4:00 am
UWAAAAAAA! Hindi ako makatulog! Bigla namang may tumawag,
Calling..091789*****
"Sino naman kaya 'to?"
"Hello?" sabi ko.
"Astrid!"
"Oh?Ken!"
"Susunduin kita mamaya ah!" sabi nya.
"Oh sige ba"
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya.
"Ha? Ahh..ehhh hindi ako makatulog eh" Ano bang palusot yan Astrid? -_-
"Hayy nakoo baka inlove ka kaya ganyan"
"Ehhhh sige na, sunduin mo na lang ako mamaya. Bye"
"Saglit lang..
Astrid… I LIKE YOU"
"Ha?"
"Joke lang hahahahaha"
"Osige na bye." Pinindot ko na yung end call.
Hayyyyyy.
"…. Astrid… I LIKE YOU"
Anobaaaaaaaaaaaaaa?
"Joke lang"
Salamat naman at joke yun kundi baka maloka ako sa kakaisip dun sa sinabi nung dalawang lalaking yun.
"Hayy nakoo baka inlove ka kaya ganyan"
"Hayy nakoo baka inlove ka kaya ganyan"
Inlove ba talaga ako? Kanino? Kay Eroll. Ganito ba talaga yung feeling? Hay nakoo. Nakakastress pala. Eh si Ken? Bakit ganun ang nararamdaman ko ang gaan lang pag kasama ko sya? Siguro? Inlove? Aish. Anobayan Astrid? Siguro crush ko sya. Oo. Crush ko na nga sya.
Hindi na ako natulog. Bumangon na ako pero nakaupo lang ako dun sa upuan sa labas at pinapractice ang aking report mamaya. 6am,naligo na ako kahit 8am pa ang pasok namin.
"Anak..may sumusundo sa'yo" sabi ni Mama.
"Sino ma?" tanong ko sa kanya.
"Di ko kilala. Hindi naman si Eroll eh"
Pagtingin ko sa bintana si Ken pala. Nakangiti sya :) Hay nahahawa ako. Ang ganda ng ngiti nya pero taklob parin ng buhok ang mga mata nya.
OH? May naiisip ako.
"Sige Ma, aalis na po kami" sabay kiss kay Mama.
"Osige anak, ingat kayo"
-----------------
PUTOL. LAGI NAMAN HAHAHAHA
Follow me on twitter: @28nicolereyes
HAHAHAHA Itweet nyo na lang ako sa reactions nyo kung panget or what haha.
Magkwentuhan tayo dun!
Thank you :***
Lovelots. :D