Chapter 10 *new teacher*
Dedicated to her^^ Annyeonghaseyo! Sorry for the late dedication :))
Niccolo's P.O.V
Good morning sunshine! Hayy, tapos na ang sembreak. Maaga akong nagising kaya naman maglalakad na lang ako pa-school kaso dadaan muna ako sa coffee shop. Starbucks to be exact :) Habit ko na kasi yun. Para saken kasi pampa-good vibes ang kape :)
*sa Starbucks*
Umorder ako ng favorite kong Caramel Macchiato pero wala akong mahanap na upuan :( Agang-aga pero puno na agad to.
Ayun! May isang upuan pa dun sa table nung isang babae :) Di naman masama kung maki share dib a? Pogi naman ako at di ako matatanggihan kung sinoman yung babaeng yun :) Hay ang hangin Niccolo!
Lumapit na ako dun sa babae. Wait bakit naka-uniform sya ng katulad sa school namin? Is she the new English teacher? Di ko alam kasi nung ipinakilala sya sa ibang teachers eh wala ako nun kasi inaatupag ko yung perfume business namin sa ibang bansa.
"Good morning! Pwedeng makishare ng table? Wala na kasing bakante eh" Bati at tanong ko sa kanya :) Her name is Jen :) Paano ko nahulaan? Hello? Starbucks 'to at nakalagay yung pangalan nya sa kape nya :) Maganda sya :)
"Okay :)" Sagot naman nya pero di sya tumitingin saken.
"Thank you :)" sagot ko sa kanya.
"Ahm teacher ka pala :)" Syempre para masimulan yung conversation kailangan magpanggap kahit obvious hahahahaha
"Obvious naman eh" sabay tayo nya at lumabas. Aba! Di nya siguro alam na ako ang principal ng school na pagtatrabuhan nya. Sinundan ko sya...
Jen's P.O.V
First day sa bagong school :) and guess what? Sa Royal Academy pa. School for elites at hindi ako nababagay dun kasi mahirap lang ako. Di naman sobrang hirap ahm may kaya :)
Dumaan muna ako sa Starbucks para magkape. Habit ko na rin kasi magkape muna bago pumasok.
"Good morning! Pwedeng makishare ng table? Wala na kasing bakante eh" may nagsalita namang isang lalaki pero di ko tinitingnan kasi patuloy ako sa pagpindot ng cellphone ko.
"Okay :)" sagot ko naman. Wala akong mood makipag-usap ngayon kasi nga sa Royal Academy ako papasok ngayon :( namimiss ko yung mga teachers dati sa school na pinapasukan ko.
"Thank you" sagot naman nya pero di ko nalang sya pinansin.
" Ahm teacher ka pala :)" Hay yang daldal din nitong lalaking nito. Nasulyapan ko naman ang mukha nya, pogi sya pero parang familiar ang mukha nya?
"Obvious naman eh" sabay tayo ko at lumabas. Ang daldal eh nakakainis. Ayaw ko kasi sa taong madaldal.
Paglabas ko naglakad na ako papunta sa Royal Academy pero..
Pero..
Parang may sumusunod saken?
Paglingon ko...yun lalaki lang naman kanina and guess what? Naka uniform din syang pang-teacher.
Sinusundan nya pa rin ako at malapit na ako sa Royal Academy pero sunod lang sya ng sunod.
"Wait lang Ms. Jen!" sigaw naman nya. Bakit nya alam ang pangalan ko? Di ko na lang pinansin at mas lalong binilisan ang paglalakad.
Inabutan naman nya ako.
"Why are you following me?" pagalit na tanong ko sa kanya.
"It's none of your business" pagalit na sagot naman nya. Aba! Mas lalong umiinit ang ulo ko. Hindi ko na lang sya pinansin at tumuloy na lang ako sa paglalakad.
Di ko namalayan nasa Royal Academy na pala ako.
"Good morning po" bati ko kay manong Guard.
"Good morning po Ma'am" bati ni manong Guard saken.
Habang naglalakad ako papunta sa Faculty room. May narinig ako kaya napatigil ako..
"Good morning kuya!" bati nung lalaki.. teka? Eto yung lalaki na sumusunod saken kanina eh.. bakit sya nandito?
"Good morning Sir! :)" bati nung guard sa kanya..
Tapos tumakbo sya papalapit saken kaya naglakad na ako bahala syang tumakbo nang tumakbo.
"Hayy Ms. Jen pinahirapan mo akong tumakbo ah"
"Wala naman akong sinabing tumakbo ka ah" pataray na sabi ko sa kanya tapos binigyan nya lang ako ng nakakalokong ngiti tapos nauna nang maglakad saken.
Tapos pumasok sya sa PRINCIPAL'S OFFICE.
Bakit?
Bakit?
O_O
Omyghad. I'm so dead.
-------------------------
Yay! nakapag-update na ulit ako! HAHAHA.
Ahm alam ko pong maikli at bitin kaya po may chapter 10.2! HAHAHA next na!
Enjoy reading!
Thankyou :)