MALDITA 17
One week na simula nang magkita kame ni jules . At one week din simula nang walang kibo kibo itong si habagat . Okay naman at tahimik ang bahay .
Pero silang lahat ay puro reklamador dahil tahimik daw at di kame nagaaway . Sila lang ang mga tao na laging naghahanap ng ingay . Samantalang ako gusto ko ng katahimikan perp hindi nila maibigay sa aken .
Masasabe ko talagang napagaan ang loob ko since sa nangyare sa amin ni jules . Ang makinig ata sa mga salita ni habagat ay nakakatuwa . Pero the same way nakakaasar siya pagnagsalita .
" ms.matilda "
Napatingin ako na may mataray na tingin sa prof. Ko .
Ano namang problema nito ?
" can you answer this question in the board ? "
Hmm. Matagal tagal na rin akong hindi nagsusulat sa white board .
Tumayo ako at kinuha ang pentel pen at nagsimulang sagutan ang question na math sa board .
Hmm.. Simple question
After a minute natapos ko na siya .
Bumalik ako sa inupuan ko at nagsimulang tumingin sa bintana .
" galing ng maddie ko ah " napataas ako ng kilay kay habagat .
" palibhasa kasi wala kang alam " sabe ko at tinarayan siya .
Tumayo na ako since nakakaurat na sa klase ng matanda kong prof.
Sanay na siyang labas masok lang ako sa room niya . takot lang niyang matarayan ko siya .
malditang maldita akong naglalakad papunta sa canteen . Lahat sila napatingin sa akin . Well . Ang daan kasi sa canteen ay sa gitna .
Green and blue ang kulay ng canteen dahilan para marefresh ka sa ambience nito .
Nakarating ako sa may counter and as usual ayoko nang pumipila . Lahat sila naggive way sa akin nang makitang dadaan ako . Tama yon! Matuto kayong gumalang sa dyosa.
" bigyan mo ko ng chocolate kisses frappe and lasagna . Bilisan mo ayoko ng mabagal " sabe ko sa cashier.
Napako ang tingin ko sa isang babaeng medyo maganda naman pero ayoko ng dating .
may shoulder bag siya na maarteng nakasuot . Ang brand ? Hindi ko alam .
" bat ang sama mo makatangin ? " aba ? Siya pa nagtanong eh. Siya nga tong kanina pa ako tinititigan .
" ang sama mo kasi sa paningin ko . kaya pwede ba wag kang magtaray di bagay sa cheap mong bag " sabe ko at tinarayan siya .
" bring it to my table okay . ? At kung magrereklamo ka dahil self service to . Dont worry babayaran kita " sabe ko sabay naghanap ng pwesto nang biglang may nangakbay sa akin .
What the ?!!
Bigla akong hinalikan sa may cheeks ni dathan " hello ! Maddie ko " sweet na sweet niyang sabe sa akin .
the hell ? Ang eksena niya masyado. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang halik niya sa pisngi ko . Err.. Hate him !
. " stay away from me 1000 meters away !! " dahan dahan kong sabe na may madiin na punto .
" ayoko nga ! . " hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin .
Napailing na lang ako . Walang tatalo sa kakulitan ni habagat .
Bumitaw ako sa kamay niya at naupo sa nakita kong lamesa .
Umupo siya sa tapat ko . " maddie ko nagulantang mo na naman ang buong black montessori academy . " napatingin ako sa kanya . Bat ang cute niya ata ngayon ?

BINABASA MO ANG
MATILDA : the maldita (completed)
HumorWill matilda stay maldita or she will be soft hearted when she fall inlove with this habagat boy ?