A/S: Sorry if I wasn't able to update last night. I went home sooooo late, which made me feel sleepy. So, here's the update.
PS: The most awaited part is about to come. Yay :">
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Anjenette's POV]
"Hehe. Sige, ituloy niyo lang. *sob* Nakakaistorbo ata ako." pinilit kong ngumiti. "S-sige ituloy niyo lang. Kunwari wala ako dito.. nga pala, eto oh, carbonara para sainyong dalawa. Hehe. Una na ako."
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Umalis na ako, pero parang iniwan ako ng kaluluwa ko. Wala ako sa sarili ko. Bahala na.
I walked slowly.
Siguro iniisip niyo na dapat tumakbo na lang ako.
But no, I did not.
Nasasaktan ako, sobra. I was waiting for him to say something, na hahabulin niya ako at magpapaliwanag siya sakin.
Pero, wala. Ako na naman ang umasa. Sabagay, sino lang ba ako sa buhay niya?
Bumalik na ako ng room namin. Umub-ob na lang ako sa desk ko at dun ako umiyak. Di alintana kung sino man ang nandoon. Madami akong kaklase na pumupunta sakin, tinatanong kung ano problema at kung ayos lang daw ba ako.
Siyempre ang sagot ko, "AH WALA. AYOS LANG AKO."
Sinungaling.
Hindi ko naman pwede sabihin sa kanila na, "YUNG CRUSH KO KASI EH, MAY KAYAKAP NA IBA."
Maya-maya, dumating na sila Eastanny at Zheai. Malamang, alam kong sila na 'to. Lakas ng mga bunganga eh. =____=
Inayos ko na ang sarili ko. Ayoko naman na makita nila akong umiiyak. Asarin pa akong uhugin ng mga yun. /( > 3 < )\
"Beeeeeeeyb!" - Eastanny
"Kapikeyyyyyk!" - Zheai
Anong meron at parang ang sasaya ng mga 'to? I gave them the anong-meron-at-masaya-kayo-look.
"Si Johann hinihintay ka sa baba. Ayeeeh!" si Eastanny habang tinutusok NANAMAN ako sa tagiliran ko. Nagiging hobby niya na yun ah. ( ~ o ~ )
"Hindi yun. Baka naman dun sila magkikita nila JR. Hehe. Kayo naman, assuming masyado." - ako.
"Teka, bakit parang namumula mata mo? Umiyak ka ba?" - Zheai.
"H-hindi ah! Sino nagsabing umiyak ako?" - ako.
"Halata kaya na umiyak ka! Ano ba kasing dahilan? Si Johann na naman ba?" usisa ni Zheai.
"Ano ba Zheai. Hayaan mo na. Tapos na din naman eh -- "
"Chengene Anj! Ano nga kasi nangyari?" tumaas na boses ni Zheai. Halatang halata na galit na siya. Ayaw niya kasi na nagsisikreto kami sa isa't isa.
"OYYYY! Anong CHENG yang narinig ko diyan ha?!" sigaw ni Chrisha.
"LetCHENG Chrisha! Dinaig mo pa boses ko! Ugh. Wala ka na dun. bleh! :p" sagot ni Eastanny. Isip bata talaga kahit kailan.
"Eeeeh~ I heard my baby Cheng's name." sagot ni Chrisha. At ayun nagtalo na silang dalawa dun. Kami na lang ni Zheai ang natira dito.
"Anj ano nga kasing nangyari?" tanong niya sakin.
"S-si Shane, magkayakap sila ni Johann." naiiyak na naman ako. >_>
BINABASA MO ANG
Efforts for our ROMANCE. [Slow Update]
Fiksi Remaja[Tagalog] We give our best in everything do, especially when we do it to have something or rather, SOMEONE. Once we succeed, we feel an unexplainable feeling --- HAPPINESS. But does it mean that when we have someone through that so-called EFFORT, th...