Chapter 29: New Year, New LOVE?!

464 13 4
                                    

Sembreak na!!! Kaso, busy pa din tapos aalis kami, eh wala wifi dun. So, maguupdate na ko kahit kaunti pa lang feedbacks nung previous chapter. :)

Vote and comment, sa gusto. Sa ayaw, eh di wag. Ganyan naman kayo eh. *pouts*

Dedicated pala sa mommy ko sa watty. Pinaiyak niya kasi ako sa update ng The Runaway Bride. HUHU! TYLEEEEEEEEEER. T__T

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 29: New Year, New LOVE?!

Message Received

From: Prince :"">

Let's hang out later. AGAIN. Will fetch you by 10am okay? Good morning inspire.

YWJXZKSKFNMT!!!! Ano ba yan?! Si Prince, inaaya nanaman ako lumabas?! Kinikilig ako potek. >////<

7am pa lang pala pagtingin ko sa orasan. Ang aga pa pala. -_____-"

Since ayoko naman na maging paVIP mamaya, naligo na ako. Nagrereklamo kasi sila, ang tagal daw mag-ayos kapag babae. Totoo ba? -___-" Uhm.. Oo?

Pagkapasok ko ng bathroom, nilagyan ko ng soap yung bathtub. Hmm, a perfect time to relax. Maaga pa naman eh. *o*

Four days na pala since yung mall and park incident. Grabe!! Di ako makaget-over dun eh. Si Prince ba naman kasi, sabihin na ako daw GF niya? :"">

Sa three days din pala na nakalipas, wala ni isang araw na hindi kami lumabas ni Prince. Sabi niya kasi, ang boring naman daw kasi na tumambay lang dito sa bahay.

At sa tatlong araw na yun, lagi din siyang may surprise.

Paano kaya pagbalik ko ng Philippines? Ganito pa din kaya kami ni Prince?

I spent an hour and a half sa loob ng banyo! At fresh na fresh na din ang feeling ko! OHA!

"Tita, alis kami ni Prince ngayon ha," paalam ko kay tita na naghahanda na ng breakfast.

"Osigi. Tiwala naman kami kay Prince. Isa pa, di ka din namin maasikaso dito," sagot ni tita. Nagsmile naman siya na meaningful.

"Bagay kayo," tapos tawa siya ng tawa.

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa cheeks. Bagay nga kaya kami ni Prince? Hmm... I wonder. 

Ay hala Anj! Anong I wonder ka diyan?! Pinapangarap mong maging kayo ni Prince? o__o

"Namumula ka," sabi ni Prince. Narinig ko na natatawa siya. Ugh! I so hate this moment. Huhu T___T.

"Tse! Tara na nga," aya ko kay Prince. 

Sumakay kami sa sasakyan niya, then nagdrive na siya papunta sa mall. Habang nagddrive siya, hindi ko maiwasan na mapatingin. EEEH! Ang cool niya kaya tignan. Hihi! :">

"Baka matunaw ako Anj."

Ano ba yan! Lagi niya na lang ako nahuhuli. Kainis! Oy lupa, lamunin mo na ako. T^T

Pagkadating namin sa mall ay dinala ako ni Prince sa may isang salon slash boutique. Ang cute ng mga damit nila dito. Pink na pink yung store. Mehged, pang-sosyalin!

"Good morning Sir Prince," bati nung isang staff sa kanya.

"Hey," cool na sagot ni Prince. "She's the one I'm talking about. So yeah, I'll leave her to you. I know you're such a great stylist. Give her all the best treatments you have, okay?" sunod-sunod na sabi ni Prince.

And before I could speak, wala na. Nagdisappear na si Prince. Saan naman kaya punta ng lalaking yun at iniwan ako dito? Para saan din 'tong chorva na 'to? Aba si Prince ang daming alam ah! >__<

"You seem so special to your boyfriend, Madam. Don't worry, I'll take care of you and make sure that you'll be prettier than evahh!"

Englishera amp! -___- 

Malamang Anj, nasa Singapore ka. Magulat ka na magtagalog yan. Psh.

I trust Prince naman kaya di na din ako aangal sa kung ano man gagawin ng baklang 'to sakin. This is good na din, since gusto ko na ng CHANGE. 

Hindi ko na alam kung ilang oras akong inayusan. Basta ang alam ko lang, ang laki ng pinagbago sa gupit ko.  But I LOVE IT! *___*

Napansin ko na medyo madilim na din. Hmm, siguro mga 6pm na din. Ay grabe katagal naman akong inayusan? 

Dinala naman ako sa isa pang section ng boutique. Ang ganda ng dresses nila dito, for all types of occasions.  Ipinasuot naman sakin yung isang mini-dress na black. (see picture on the side)

"You look so good madam! Your boyfriend will fall even more inlove with you! Good luck with your date!" tapos bigla na lang ako tinuilak palabas! LUH. Langyang bakla to ah! 

Sakto naman ay nakita ko si Prince. Looking handsome as ever. ♥_♥

"Shall we, Princess?" 

Hindi ko naman alam kung ano trip nito kaya sinakyan ko na lang. Loko 'tong lalaki na to. Ang daming trip sa buhay nako! 

**

The next thing I knew, is that we are eating in a fancy restaurant. Well, yung pwesto namin is parang private? AHHH. Ewan! Just enjoy the moment.

Bigla ko naman naalala si Johann. Kung kami kaya, ganito din gagawin namin sa dates namin? O typical date lang? 

Hayy. Namimiss ko na talaga si Johann T___T

"Anj, I think we better go. Gabi na masyado, baka pagalitan ako ni tita eh." aya ni Prince.

I just nodded. Naglalakad na kami papunta sa parking lot when Prince spoke.  "Anj, una ka na pala sa sasakyan. I think I forgot something sa restau." 

I just gave him a smile as if telling him that it's fine with me.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse, Johann's face appeared on my mind. Mula sa unang beses na nagkita kami, hanggang sa naging kaming dalawa, and lastly, sa time na nagbreak kami.

Mahal ko pa si Johann, alam ko. Who would've thought that I'll love him more than the way I loved my ex? Akala ko hindi na mapapantayan yung love ko sa ex ko, but I was wrong when Johann came to my life.

*Beeeeeep*

"GHAD!! ANJ! ARE YOU TRYING TO KILL YOURSELF?!" sigaw sakin ni Prince.

I just caught myself crying in his arms. Hindi ko na napansin na there was a car that nearly bumped me. "Buti na lang pala binilisan ko. God, Anj, ano bang nangyari?"

I didn't answer him. Hindi ko din naman alam eh. I was too occupied by the thoughts of Johann. "I'll take you home. Hush sweetie."

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang nasa sasakyan kami. Pagkadating naman sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ko. I took a bath and went straight to my bed. Heto na naman ako. Crying myself to sleep. <//3

**

December 31, 20** , New Year's Eve.

"Happy New Year!" sigaw ng mga tita ko. 

New year na nga. Ang bilis ng panahon, tapos back to school na naman T___T.

"Inspire, kain na daw," aya sakin ni Prince

"Sige sunod na ko."

Nagwink naman siya sakin. Shemay! Bakit gumagwapo siya lalo? *____*

Eto na nga ba yun? NEW YEAR. NEW LOVE NA DIN KAYA?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

VOTE

COMMENT

BE A FAN.

-Laysey.

Efforts for our ROMANCE. [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon