Chapter 3

26 3 0
                                    

Chapter 3:
Yaman

 
  Pagbaba ko ng sasakyan sa labas ng gate ng school, pumasok agad ako.

  Napadaan ako sa parking lot dahil masyado maraming dumadaan sa main path.

  Pagdating na pagdating ko sa parking lot, kitang kita ko agad yung tatlong bakulaw na lalaki na parang may hinaharas na babae.

"Ano ba?! Bitiwan niyo nga ako?! Ahh! Help!" Sigaw niya.

Hala! Rape na ata ang nangyayari...Buti pala dito ako dumaan. Mga pisting lalake ito! Walang magawang matino sa buhay! Humanda kayo sakin!

"Hoy hoy hoy! Bitawan niyo nga yang walang laban na babae na yan!" Pag awat ko sa kanila.

Hawak kasi nung dalawang lalaki sa magkabilang kamay yung babae. Habang yung isa, tinatanggal na yung damit ng babae.

Perv! Manyak kayo! Mga gagu!

  "Bakit, sino ka ba?!" Tanong nung isang humahalik kanina.

  Ako ang bangungot niyo! Mga letseng estudyante to!

  "Isabelle De Guzman, bakit?" Tanong ko...Aba! Matakot kayo mga hayup... President pa din ako!

  "Hindi uubra samin ang pagiging SCP mo, Isa!" Sabi nung isa.

  "Hoy! Wag mo kong matawagtawag na Isa...Kaibigan ko lang tumatawag sakin nun! At mas lalong hindi ka kabilang sa mga kaibigan ko!" Sigaw ko... Kapal ng mukha neto... Hindi kita friend!

  Binitawan nila yung babaeng kawawa. Umiiyak na siya.

  Tapos ako yung hinawakan nila. Unti-unting lumapit sakin yung isa. Sino tinakot mo? Gagu!

  Nakapoker face lang ako. Nang makalapit sakin yung isa, kita ko ang galit na galit niyang mukha. Parang bulkan na sasabog sa galit. Sige, sabog ka na para matigok ka na. Akmang susuntukin na niya ako nang sinipa ko siya sa 'ano' niya. Namalipit siya sa sakit.

  Yung dalawang may hawak sakin, nagalit. Humigpit ang hawak nila sakin. Tinuhod ko sa sikmura yung isa kaya nabitawan niya ako. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para sipain sa mukha yung isa.

  Aba! Hindi ako pinalaki nila Dad para maging duwag at mahina!

Habang lahat sila nakahandusay sa lapag at namamalipit sa sakit, nilapitan ko yung babae.

"Miss, ok ka lang?" Tanong ko. Medyo nag alangan pa siya nung una dahil nga sa pagiging 'nerd' ko, pero tumango din siya.

  Mahiya naman siya! Niligtas ko siya. Wag siyang ano dyan!

  "Sige. Kung gusto mo, pwede ka na umuwi. Magpahinga ka muna. Ito pass card oh. Ipakita mo lang to sa guard papalabasin ka niya. Tapos ipakita mo rin sa teachers or prof. mo bukas. Bibigyan ka nila ng special lessons para sa namiss mo today." Sabi ko sabay kuha ng pass card sa bag ko. Binigay ko yon sa kanya at umalis na siya.

  Ang pass card ay sa school lang namin meron. Meron akong pass cards para sa mga ganitong insidente. Hindi nila magagamit ulit yung pass card na yun dahil may ini-scan dun para magamit ng araw na yun. Once you used it, thats it...you can't use it again.

Nilapitan ko yung mga lalaki na namamalipit dun sa sahig. Ang hina naman ng mga to. Parang ganun lang eh. Eyy... Weak!

"Kayo naman. Sasama kayo sakin sa guidance office." Sabi ko. Tumango naman sila. Takot na sigurong matamaan ko pa pag tumanggi sila.

Unknown TwoWhere stories live. Discover now