Chapter 18

31 1 1
                                    

Chapter 18:
Start

Ais Ina's POV

   Whoo! Busog na busog ang tropa niyo men! Dami kong nakain. Di na kasi ako kumain bago umalis sa main house kanina diba?

   Ganun parin ang mga ginagawa ng mga tao dito sa loob ng cafeteria, todo makatingin. Isang subo, isang sulyap. Parang hindi bubuka yung bibig nila hangga't hindi nakakapag-nakaw ng tingin sakin. Ang ganda ko kasi eh. Charot! Pero...maganda talaga ako. Hihihi. Walang taong pangit! Bleh!

   Hindi ko na lang sila pinapansin, nakatingin lang ako sa cellphone ko, naglalaro ako eh. Hehehe

   Nagtaas ako ng tingin nang may humawak sa bilakat ko. Lumingon ako sa likod. Parang sira na talaga araw ko...kailangan ko na talaga ng pari na magpapalayas ng mga engkanto sa paligid.

   "Hi, Isab-- I mean Ais" bati ni Queeny ng may ngiti bago tanggalin ang kamay sa balikat ko. Akala mo naman totoo, lakas makatrip ng ngiti ng babaeng to. Ngudngod ko kaya sa table? Wag na pala, kawawa naman...

...Yung table

   Tinaasan ko siya ng kilay, "what do you want?" Inis na tanong ko. Bwisit neto! Istorbo sa laro! Kapag ako, bumaba ang rank sa ML...lulunurin ko talaga to sa dagat tsaka ko ipapalamon sa pating! Nyeta ka!

   "Ikaw naman. Ang init agad ng ulo mo..." panimula niya.

   Talagang iinit ulo ko basta makita ko mukha mo! Gagu!

   "...Gusto ko lang sana makipag-ayos. Sorry pala sa mga ginawa namin sayo. I just want to be your friend" sabi niya.

   Ano kaya balak neto? Sige na nga. Pagbigyan ang hiling niya.

   Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Yung pekeng ngiti. Asa naman siya na ngingitian ko siya ng tunay. Neknek mo! Pakyu!

   Parang nagiging palamura ako dahil sa babaeng to?! Pag siya talaga ang makakaharap mo, di mapigilan ang bibig.

   "Ok. Friends" sabi ko at tinanggap ang kamay niyang kanina pa pala nakalahad. Ewww, puro make up ang nahawakan nito.

   Umamba siya ng yakap. Yumakap naman ako kunwari. You did a wrong move right there, Queeny...

   Sarap itanim sa lupa ng mukha niya. Ngiting-ngiti siya oh. Saya ah, hindi kita gustong maging kaibigan wag kang feeling!

***

   Impyerno. Hell. Kung ano man sa dalawa na yan. Yan ang pakiramdam ko ngayon.

   Nasa room na kami pero panay parin ang pakikipagplastikan sakin ng engkantong babaeng ito. Kung bakit naman kasi sa katangahan ko, tumambay ako dito kahit pwede na umuwi?!

   "Hay naku. It was really funny. Ang baho pa naman nung pulubi. Yuck! Ang dumi niya tapos lapit ng lapit sakin! Kaya ayun, tinulak ko siya. Nung nadapa siya, umiyak at umalis na! Buti nga!" Patango tango na lang ako sa mga walang kwentang kwento niya.

   Ang sama talaga ng ugali nito. Karma's coming, b¡tch!

   Sumandal ako at nagcross-arm. "Queeny" malamig kong tawag sa pangalan niya.

   Napahinto naman siya sa pagsasalita. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa upuan habang nakapatong sa isa pang bangko ang dalawang paa ko.

   "W-what is it?" Tanong niya. Halata ang kaba sa kaniya kahit pilit pa niyang itago

   "You approached me to be your friend. What about Yen, Kaye, Lana and Dana?" Walang buhay kong tanong.

   "Kung gusto mo, pwede ko silang iwan. Wala naman talaga silang kwenta. Ayoko ng kaibigan na tulad nila." Sabi niya na puno ng disgusto ang tinig.

Unknown TwoWhere stories live. Discover now