Chapter 12:
ConfusedDexter's POV
Hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari kahapon. Ang pambubugbog ni Queeny kay Isabelle.
I don't know what she did, but that's not right. Queeny must be punished. I don't know where it came from, but I was really angry towards Queeny. Maybe because Isabelle's my friend?
I brought Isabelle straight to the hospital yesterday. And thankfully, the doctor said she was ok. She just needs some rest.
Hindi ko na siya naihatid sa bahay nila dahil may babaeng sumundo sa kaniya. Bestfriend niya yata...
Pagpasok ko sa classroom, nagulat ako dahil nasa loob ng classroom si Isabelle. Hindi ba dapat nagpapahinga muna siya?! Nakakainis naman ito eh!
Agad akong lumapit sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Bakit ka pumasok?! Dapat nagpahinga ka na lang sa inyo!" Pagsesermon ko.
Gulat naman siyang napatingin sakin. Hindi ko alam pero tumitig siya sakin ng medyo matagal. But there's something different in her eyes.
Nagtaka naman ako nung hindi niya ako sinagot at diretsong lumabas ng room. I don't know, but I felt something weird in my heart. It kinda... hurts.
***
Lunch break na namin. Kumakain na ako sa cafeteria habang nakatingin kay Isabelle. Minsan ay titingin siya sa akin pero kaagad din mag-iiwas ng tingin.
I won't deny it. She's really avoiding me for a reason I don't even know!
Dati nga sabay kami kumain. Pero kanina nung inaya ko siyang kumain, tumanggi siya.
It's stressing me out!
Huminga ako ng malalim at binilisan na lang ang pagkain. I can no longer stay in the same room with her without us talking.
Nang matapos ko ang pagkain, nagpunta ako sa banyo. Naghilamos ako at tinitigan ang sarili ko sa salamin.
I should find a way to know what's wrong with Isabelle.
Bumalik na ako sa classroom sa pag-aakalang nandon na siya... pero wala.
Dati naman pagkatapos niya kumain dito na ang diretso niya at magbabasa na lang ng sandamakmak na libro.
I sighed and just sat on my seat. What should I do?
***
Last subject na namin. And it's freaking killing me! She's even avoiding eye contact with me!
Simula nung bumalik siya sa room, pinanindigan na talaga niya ang hindi pagkibo at pagpansin sa'kin.
Ilang oras na ako dito na parang walang katabi. Parang hangin ako sakanya.
Kanina pa nga ako papansin ng papansin dito! Tinatabig ko na yung chair niya pero wala talaga par! Nyeta naman!
Nagring na ang bell which means dismissal na. Finally!
Inayos ko na ang gamit ko. Paglingon ko sa kanan ko kung nasan ang upuan niya, wala na siya!
Oh come on! What is happening?!
Ano ba kasi nangyayari sa'yo Isabelle? How can you do this to me? Bakit ka umiiwas? I... I miss you.
***
"Come on, Isabelle. Answer my messages" bulong ko.
Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Naghihintay ng reply galing kay Isabelle.
Ang dami ko'ng message sa kanya pero walang kahit isang sagot. Dati lagi kaming nagch-chat kapag wala na kaming ginagawa sa gabi.
Ako pa nga ang gumawa ng account niya dahil wala siyang fb account. Nung tinanong ko naman siya kung bakit, ang sagot lang niya... 'I don't need one'
Napaupo ako nung makita na nagt-type na siya.
Pero laking pagkadismaya ko nang mawala yun at naglog-out na siya.
Humiga ako ulit at tumitig sa kisame. This is frustrating.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Naabutan ko dun si Nanay Lucy, 37 years na siyang nagtatrabaho dito. Siya ang head ng maids.
"Oh... Hulaan ko, may problema ang alaga ko?" Sabi niya nang makita ang mukha ko.
Ngumiti lang ako at uminom na ng tubig bago umupo sa isang dining chair.
Napatingin ako kay Nanay Lucy nang may maisip ako.
"Ahh... Nanay Lucy. Pwede ba magtanong?" Tanong ko.
"Oh sige. Ano ba yun? Kung gwapo ka? Oo naman!" Sunod sunod niyang sabi.
Medyo natawa naman ako dun. Hindi pa rin nawawala ang kakulitan niya.
"Kung may taong umiiwas sa inyo. Maiinis kayo?" Tanong ko.
"Ahmm... Depende. Kaano ano-ano mo ba?" Tanong niya.
"Kaibigan po" sagot ko.
"Eh nung bata pa naman ako. Pag hindi kami nagkakaintindihan ng isa sa mga kaibigan ko, iiwas siya syempre. Bumabagabag sa isip ko yun, oo. Pero, hindi naman ako naiinis at hihintayin ko na lang siya na pansinin ako. Bibigyan ko ng oras"
Napatango na lang ako. "Bakit? Naiinis ka sa taong umiiwas sa'yo hanoh?" Tukso niya sakin.
"G-ganon na nga po" sabi ko. "Babae?" Tanong niyang muli.
Medyo nag-aalangan na tumango na lang ako.
"Eh baka kaya ka naiinis, may iba na sa puso mo na ayaw siyang nalalayo sayo" Nanay Lucy said.
"What?" Tanong ko.
"Ikaw ang aalam niyan. 'Wag mong baliwalain, anak..." sabi niya.
Napakunot noo naman ako. Bago siya umalis hinawakan niya ako sa isang balikat, "...basta pag napagtanto mo na. Sibihin mo sakanya. Take the risk" medyo natawa pa ako dahil talagang sineryoso ni Nanay Lucy. Nahawa na ng English kay mom.
Pero nang tuluyan na siyang makaalis sa kusina, napaisip ako.
Ano ba yung sinasabi ni Nanay Lucy? Ano yung kailangan kong malaman sa nararamdaman ko? Baka naman naisipan niya lang ako pagtripan? Pero hindi eh, seryoso siya kanina.
What should I know about my feelings? And what's the connection of that with Isabelle? Bakit napunta dun si Nanay Lucy?
Ang dami ko na ngang iniisip, isa lang pala iniisip ko. Si Isabelle, pero parang sasabog na ang utak ko dahil lang sa kaniya.Ano ba kasi problema niya? Pati si Nanay Lucy, ginulo pa yung isip ko!
Ayoko na sa Earth! Ang gulo! Walang kapayapaan!
Isabelle and Nanay Lucy... The both of you. What did I do to you? I don't understand...I don't understand Isabelle's actions today. And I don't understand anything from what Nanay Lucy told me a while ago.
Isabelle at Nanay Lucy. Napakatindi niyo! Sasabog na ang ulo ko!
You both made me confused. Lalo ka na Isabelle... Ano ba ang problema mo? Ano ba'ng problema natin?
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
YOU ARE READING
Unknown Two
Teen FictionThey are completely different, They have their own 'compliment' But at the end of the deal, They both have secrets to reveal.