Chapter 14

10 1 0
                                    

Chapter 14:
Embarrassment

   
   Lunes. Another boring day to spend. Hayyy, pangarap ko na talaga maka-graduate. Walang bago sa school. Lahat naman ng itinuturo, hindi ko na kailangan, alam ko na lahat!

   Nasa main auditorium kami ngayon ng university para sa flag ceremony.

   Announcements na lang ang kulang, pwede na kaming lumabas. Gustong gusto ko na lumabas... kanina pa nakatitig sa'kin si Dex na parang may malalim na iniisip. Kulang na lang malagutan na ako ng hininga sa kinauupuan ko.

   At dahil mayaman ang school. May malaking projector sa gilid kung ano ang mga ganap.

   Kung ano anong announcement pa ang sinabi pero hindi na ako nakinig dahil alam ko na yun lahat bilang SCP.

   Matapos ang flag ceremony, nagsibalikan na kami sa room.

   Today is exciting. Exam day...

    Iba ang pamamaraan dito sa GFU. Every month ay maglalabas ng exams. Walang 1st - 4th grading ang GFU. Monthly Exams ang nangyayari. Meron pa kaming isang test bago ang summer vacation. Ang tawag ng iba don ay 'Deathly Examination'. Pinaka mahirap daw kasi, pero para sa'kin hindi. Madali lang, sisiw!

    At dahil December 3 na. Exams na for the month of November.

    Nang pumasok ang adviser namin, ipinamigay na ang test paper kung saan may 80 items each subjects. Kaya napakakapal ng sasagutan bes! Pero keri yan. Whoo! Here we go!

    "Get your pens" sabi ni Mrs. Alcantara, adviser ng 12-Moises.

    Kinuha na namin ang mga bulpin namin at itinaas iyon.

    "You need to finish your exams at exactly 12 pm..." Sabi ni ma'am. 7:59 na. Hinihintay na lang ni Mrs. Alcantara mag 8:00 am.

    After a few seconds ng pangangalay, "You may put your pens down. Start" nagsimula kaming magsagot.

    Inuna ko ang Math, sumunod ang Science then, Filipino, Research, AP, Biology, English & Literature, Computer & Technology, at P.E. and Arts. Kung ano lang ang pagkakasunod sunod ng sa test paper. Wala kaming exam sa E.S.P. dahil ang behavior namin ang test para doon.

    Tumayo na ako at ipinasa sa harapan ang papel ko. "As always. The first one to pass her papers." Nakangiting saad ni Mrs. Alcantara habang papalapit ako sa table niya.

    "You may go now, Ms. De Guzman" sabi niya nang makuha na ang test paper ko.

    "The nerd" bulong ni Queeny na nasa harap.

    "Keep your mouth shut, Ms. Fernando! Or else, bagsak ka na sa mga subject ko... until graduation." Pananakot ni ma'am. Tumahimik na si Queeny dahil natakot. Seryoso si Mrs. Alcantara sa mga pagbabanta niya. Mahigpit kasi pagdating sa examination. Tatlo pa naman ang subject niya sa'min, E.S.P., English and Science.

    Bumalik na ako sa upuan ko para kunin ang bag ko. Inayos ko ang gamit ko. Napatigil ako nang maramdaman na may nakatitig sa'kin. Napatingin ako kay Dex. Kumabog ang dibdib ko nung ngumiti siya, pero umiwas din agad ng tingin. Nagbuntong hininga ako bago kinuha ang bag at lumabas na.

    Tinignan ko ang relo ko, 9:17 pa lang?! Hanu bayan? Bakit hindi ko binagalan!? Ang tanga ko talaga!!! Bobo! Saan ako tatambay nyan?!

    Hay... Uuwi na lang ako, halfday naman kapag exam days.

***
  
    'Nyeta! Hindi rin ako natuloy umuwi! Tinamad ako. Kaya eto ako, nasa Campus Field, nakahiga. Wala na kasi akong matambayan. Marami pala pwede tambayan, malapit lang sa building 'to. Malilim din naman.

Unknown TwoWhere stories live. Discover now