Chapter 6

18 3 0
                                    

Chapter 6:
Protective Alvastian


Ais Ina's POV

  Papunta ako sa mall ngayon para bilhin yung mga kailangan ko. Medyo may kulang kasi sa kwarto ko dun sa sarili kong bahay. Mamayang gabi na din kasi ang uwi ko dahil monday na bukas.

  Habang papunta, mabagal lang ang pagmamaneho ko, 120 lang...

  Alam kong kanina pa may nakasunod sakin. Sino pa ba? Edi si kuya! Aba! Umiral nanaman ang pagiging protective niya. Lagi naman eh...

  Nang malapit na ako sa mall, dumiretso agad ako sa secret parking, ginawa talaga ito para sa kotse namin nila mom, dad and kuya...baka makahalata kasi na si kuya ang may-ari ng isa at kuyugin siya tsaka baka makita nila ang identity ko, mahirap na... Hindi ito kita sa labas ng FLV Mall, kahit sa loob. 20 feet away, may papasukan kaming gate, then it will lead us to this underground parking. Sumakay ako sa elevator at umakyat diretso sa 2nd floor.

  Bumili ako ng mga bagong bed sheet, rugs, curtain, at kung ano-ano pa.

  Nung nakapagbayad na ako, nilingon ko ang paligid, ang bigat kasi ng dala ko. Ano konek ng dala ko sa paligid? "Kuya... Labas na nga. Ang bigat eh" Medyo malakas kong sabi. Nagtinginan pa yung ibang tao sakin. Akala 'ata nababaliw na ako.

  Lumabas naman ang luko sa likod ng isang basurahan. In disguise pa! Nakasuot siya ng jacket, cap, at face mask. Kaya mata lang nakikita sa kaniya.

  Kakamot-kamot sa batok siyang lumapit sakin.

  Binigay ko sa kaniya yung ibang shopping bags. "Bakit mo nanaman ba ako sinundan?" Tanong ko. "Ang ganda mo kasi eh" sagot niya. "Anong kinalaman nun sa pagsunod mo sakin, kuya?" Inis na tanong ko.

  "Pag maganda, maraming lalaki ang pipila." Sinasabi na eh

  "Hay naku, kuya! Ewan ko sayo! Halika na nga!" Sabi ko at lumakad na kung saan mang lupalop ng mall ito. Nakasunod lang naman siya sakin.

  Nakarating kami sa 3rd floor at nahagip ng mata ko ang isang shop na may nakalagay na 'Strawberry for Everybody'. At syempre, dahil may nakita akong word na 'strawberry', dun ako dumiretso.

  Umupo ako sa isang upuan sa loob. Iba't-ibang sweets ang nandito sa loob. May cake, ice cream, cotton candy, shake, frappe, candies, cupcakes at marami pang iba. Pero ang matindi, lahat ng flavor ay strawberryyy!!

  "Dito talaga Ais?" Nag-aalangan na tanong ni kuya. "Oo... May problema?" Tanong ko. "Aahhh...W-wala naman..." Sagot niya. "...pink na pink naman kasi lahat" bulong niya pero dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko yun ng malinaw! Ikaw 'to'ng susunod-sunod, magrereklamo ka! Inirapan ko na lang siya. Kumuha ako ng kung ano-ano. Goodluck sa tummy ko.

  Habang kumakain, pinapanood lang ako ni kuya. Hanggang sa may lumapit sa amin na lalaki.

  "Miss, may kasama ka?" Tanong niya.

  "Kuya, bulag ka? Hindi mo siya nakikita?" Pagtataray ko sabay turo kay kuya. Si kuya naman, pinapatay na sa titig yung hinayupak na lalaki.

  "Ay sorry. Akala ko kasi bodyguard mo" pagbibiro niya. Wow naman! Nahiya si kuya! Eh hamak gwapo ni kuya sa kaniya... Napaka pogi kaya ng kuya ko!

  "Iniinsulto mo ba ako?!" Napatayo na si kuya sa upuan niya. Lumapit ako sa kaniya at pumagitna sa kanila.

  "Kuya, tama na" bulong ko kay kuya.

  "At manong, pwede po umalis na kayo?" Yung itsura niya parang namatayan... Hahaha. Parang ka-edad ko lang siya pero tinawag ko pa din siyang manong. Bawi para sa kuya ko!

  Ngumiti bigla yung manong. Hala! Nababaliw na. "Miss, baka naman pwedeng kunin number mo" maloko niya sabi. Aba! Umbagan kita, gusto mo?!

  Inilagay ako ni kuya sa likod niya. "Stay. Away. From. Her." Madiin niyang sabi. "Bakit ba nangingielam ka? Sino ka ba?!" Inis na tanong ni manong.

  Hala ka! Mag-aaway na yata sila! Buti na lang nagpipigil si kuya. Kung hindi kanina pa bagsak si manong.
  
  "I'm her brother" Kuya answered coldly.

  "Kapatid ka lang pala eh! Maka akto ka parang ikaw ang boyfriend!" Sigaw ni manong. Pinagtitinginan na kami! Pramis!

  "I'm her boyfriend..." Napatingin kami sa gilid. "...So stay away from her" dagdag niya.

  Wala na nagawa si manong. Umalis na lang siya kaya nagsibalikan na yung mga tao sa ginagawa nila. Tapos na po ang pelikula.

  "Kung hindi ako dumating, baka napatay mo na yun, bro" natatawa niyang sabi.

  Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Bakit ka nga pala nandito kuya Vin?" Tanong ko.

  "Hinahanap ko kasi si Alvastian. Eh nabanggit mo kagabi na pupunta ka dito. Kaya alam ko na susundan ka niya dito. Feeling ko nga hobby na niya yun eh." Pagbibiro ni kuya Vin, tinitigan naman siya ni Kuya ng masama.

  Kinuha na ni kuya yung mga bitbit niya kanina, kinuha naman ni kuya Vin yung bitbit ko kanina. Kaya my hands are free. Yey!

  Nakapagitna ako sa kanilang dalawa. Tumingin ako kay kuya na diretso lang ang tingin. May bigla akong naisip, Hahaha...

  "Saan tayo, babe?" Tanong ko kay kuya Vin sabay kapit sa braso niya.

  Ito namang si kuya Vin, sinakyan ang kabaliwan ko. "Gusto mo kumain, Baby?" Tanong din niya with matching sweet voice!

"Hoy! Hoy! Hoy! Wag ang kapatid ko, Vin!" Sabi ni kuya at hinigit ako sa kabilang side niya. Kaya ngayon, siya na ang nasa gitna.

"HAHAHAHA!!!! Epic y-yung...Hahaha! Yung m-mukha mo! Hahaha!!" Tawa ni kuya Vin. Uto ba siya?! Hindi nga makita mukha ni kuya dahil may face mask eh!

Tinignan siya ng masama ni kuya. Yung nakamamatay, kaya patay na siya... Ayun naiwan na sa daan, nakabulagta. Namatay sa titig... Just kidding!

  "Never try to do it Vin. Not Ais" kuya warned. Maloko pa naman si kuya Vin, kasama dun ang pagiging playboy. Araw-araw iba ang girlfriend. "I know! Niloloko ka lang namin! Tsaka kapatid din ang turing ko kay Ais, Alvastian" kuya Vin answered.

  "Better be sure Vin. I know you're my bestfriend. But when it comes to Ais, walang kaibi-kaibigan, I'll forget everything... So Vin Salazar,  NOT MY SISTER" banta nanaman ni kuya. At talagang diin na diin yung 'Not my sister'!

  Natawa na lang si kuya Vin at tumango tango. Kapatid naman kasi talaga ang turing niya sakin. At ganun din ako.

  Hayyy... Protective Kuya nanaman ang peg ng buhay ni Alvastian Irolon Flovia.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

  

 

Unknown TwoWhere stories live. Discover now