Chapter 17:
KarmaAis Ina's POV
Martes nanaman, jusmiyo ilang martes pa ba ang meron hanggang graduation?
Muntik na akong hindi magising sa tamang oras kahapon. Napuyat kasi ako nung isang gabi sa debut party na hinanda ni Dad na inabot ng 1:30.
Joke lang! Hindi talaga ako nakapasok! Punyeta! Unang beses akong hindi pumasok sa school!!! Mamatay na yung alarm clock ko na hindi tumunog!
(A/N: Wag mong sisihin yung alarm clock! Ikaw ang nakalimot na i-set...)
Huwaw! Kinampihan niya! Sarap ibalibag ng lintik na alarm clock yan!
Ok. Kalma, kalma lang, Ais. Patawarin mo ang alarm clock... Hinga lang.
Nasa main house pa din ako, malapit lang kasi dito yung venue nung isang gabi. Hindi na ako pinayagan umuwi ni kuya sa bahay ko dahil pagod daw ako, mabuting magpahinga na lang at ngayon na umuwi.
Tumambay lang ako sa main house mag-hapon kahapon at nagluksa dahil hindi ako nakapasok. 10 o'clock na kasi ako nagising.
Papunta na ako sa school, mas maaga ako ngayon ng kalahating oras sa usual na gising ko dahil magd-drive pa ako ng malayo. Finally, I can use my car going to school. Goodbye, taxi!
Since it's tuesday, hindi namin kailangan magsuot ng uniform.
Monday and Wednesday, uniform. Martes at huwebes, kung anong trip mong suotin. Mag-bikini ka kung yun ang trip mo. Friday, uniform din pero kailangan namin magpalit ng P.E. uniform tuwing 3:00 pm.
Ang suot ko ngayon ay simpleng white sweater crop top, black skinny jeans and my white adidas shoes. Hindi tulad dati, kailangan ko manamit ng pang-manang.
Inayos ko lang ang buhok ko sa isang messy bun. Ayos pa ba yun kung messy? Basta ganun yung hairstyle ko!
Naglagay lang ako ng drunk blush at red matte lipstick.
"Mom! I have to go. See you next weekend!" Paalam ko at hinalikan siya sa pisngi. Si dad kanina pa daw umalis, busy kasi sa ibang company namin sa Europe.
"Magpaalam ka muna sa kuya mo" sabi ni mom at ngumiti.
"Ok" sagot ko at umakyat pabalik. Syempre sa taas, kesa naman umakyat sa baba diba?
Andito pa pala si kuya. Akala ko umalis na. Sure ako tulog pa yon.
Pag-akyat ko, agad akong pumasok sa kwarto niya. Hindi naman kasi kami nagla-lock ng pinto. Ayaw ni mom.
"Kuya Al!" Panggi-gising ko sa kanya habang palapit ako sa kama niya. Lumuhod ako at sinundot-sundot ang dibdib niyang mas matigas pa ata sa bato.
Nagising naman siya. Inaantok niya akong tignan, "what?" Inaantok niyang tanong.
"Alis na ako. See you this saturday kung makakauwi ka dito." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Sana makauwi siya sa weekend. Minsan kasi hindi na siya nakakauwi dito sa main house. Busy sa business namin at pag weekend, nagpapahinga na lang siya sa bahay niya.
"Ok. Take care of yourself..." sabi niya at bumangon. Kita tuloy ang hubad niyang sixy badeh! "Ayaw mo ng bodyguards, kaya siguruhin mo na hindi ka gagawa ng ikapapahamak mo, Ais" pagpapaalala niya.
"Roger that sir!" Sabi ko at kunwari pang sumaludo.
Ngumiti siya at tumango. Gwapo mo koya!
YOU ARE READING
Unknown Two
Teen FictionThey are completely different, They have their own 'compliment' But at the end of the deal, They both have secrets to reveal.