♤《01》 Indenial

32 3 2
                                    

Nine months later...

"GOOD morning, Kara." Nakangiting bati ni Ms. Karen sa kanya ng makapasok siya sa clinic nito.

She responded by rolling her eyes. Pasalampak siyang naupo sa may sofa na nasa kaliwa nito. Ms. Karen had been her therapist since she arrived at Little Hope Orphanage nine months ago.

Dahil sa mga nangyari ay kinalingan niyang sumailalim sa therapy treatment, tatlong beses sa isang linggo dahil masyado pa siyang bata at nagdulot iyon ng trauma sa kanya.

Hindi rin siya nakikipag-usap sa kahit na sino sa loob ng ampunan pwera na lang kung talagang kailangan.

Simula ng mamatay ang kanyang ama ay kinimkim niya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman. Lalong-lalo na sa taong pumatay dito dahil hindi man lang nabigyan ng hustisiya ang pagmatay nito. Isang police mula sa kinauukulan ang humawak ng kaso ni Wendell. Halos isang buwan lang nito pinagtuunan ng pansin ang kaso at ng wala itong makitang lead na magtuturo sa suspek o mga suspek ay isinara na din nito ang kaso. Dahil doon ay lalong nadagdagan ang sakit at galit na nararamdaman niya. Hindi man lang kasi ito nag-effort ng husto para solbahin ang kaso.

For the past months, she assumed no one is there for her, just her father and Merla. But she was forced to leave her and it added pain to her dahil ito ang kahuli-hulihang taong malapit sa kanya. Tanggap naman niya ang katotohanang iyon. Pero minsan ay naisip din niya na sana kung may kamag-anak lang siyang kilala ay hindi siya magtiis dito sa ampunan.

Pagkaalala sa ama ay muling nabuhay ang sakit na naramdaman niya sa pagkawala nito.

"I am hoping today na magkaroon tayo ng progress." Dagdag pa ni Ms. Karen.

Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa may labas ng bintana. Kids were happily playing outside. Mas lalong nadagdagan ang bigat na nararamdamn niya ng maalala kung gaano sila kasaya ng kanyang ama ng mga panahong nabubuhay pa ito.

It felt like yesterday.

"Shall we start?"

Sinulyapan niya ang therapist. Ms. Karen smiled kindly at her. She just sighed irritably in response. She really hated this day na kailangan niyang umupo ng halos tatlong oras sa sofang iyon kasama ang therapist niya. Hindi pa rin ba nito nakukuha ang mensahe na ayaw niyang makipag-usap sa kahit kanino?

Siyam na buwan na ang nakakalipas simula ng dumating siya dito sa bahay ampunan. At ganoon na rin katagal na sinusubukan ni Ms. Karen na kausapin siya. Hanga din siya sa tiyaga nito para maka-usap siya kahit na hindi niya ito iniimik.

Habang nasa bahay ampunan ay naging biktima din siya ng bully. They called her the "silent kid" dahil wala nga siyang kinakausap na kahit sino sa mga tao doon. All she wanted was to be left alone to grieve. Pero hindi yata kilala ng mga bata sa ampunan ang salitang "alone" dahil hindi siya tinantanan ng mga ito. Hanggang isang araw ay naubos na ang kakapirangot na pasensiya niyang natitira lalo na at sinaktan siya ng apat sa mga batang nambu-bully sa kanya. Para protektahan ang sarili ay lahat ng mahawakan niya, mapa-upuan, libro o kung ano-ano pa ay ibinabato o kaya ipinapalo niya sa mga ito. Hindi siya bayolenteng tao pero wala na siyang ibang pagpipilian. If she wanted to survive in a place like this, she'd have to learn how to fight and being aggressive was the only way she could cope with the loss of her dad.

Meron ding mga panahon na sinubukan niyang tumakas kahit alam niyang wala siyang ibang mapupuntahan. Actually meron, doon sa bahay nila ng yumaong ama pero hindi siya doon tutuloy dahil tiyak na iyon ang unang lugar na pupuntahan ng mga ito para hanapin siya.

Hindi na rin niya kayang pumirmi sa lugar na hindi siya nababagay. She wanted her freedom. Kung saan walang taong magsasabi sa kanya ng mga dapat at hindi dapat niyang gawin. She felt too restricted in there. Lahat ng gagawin niya ay laging may nakabantay at maraming rules na dapat sundin. Nakakasakal.

Vengeance vs. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon