"NALINIS niyo ba?" Tanong ni Trigger sa kausap sa telepono.
"Yes boss. All cleared." Sagot ng lalaki.
"Good." Pagkasabi niyon ay pinatay na niya ang tawag.
"What's that cleaning thing about boss?" Tanong ni Leonard ng makapasok sa library.
Ibinaba nito sa mesa ang mga dalang libro saka humila ng upuan pero bago pa man ito makaupo ay naunahan na ito ni Shin.
"Thank you, bro. You're such a gentleman talaga. Papisil nga diyan." Malanding sabi ni Shin saka akmang hahawakan sa braso si Leonard pero mabilis itong nakaiwas.
"Bakla ka talaga noh?" Iiling-iling na sabi ni Leonard.
"Hello guys. Sorry I'm late again." Natatawang sabi ng kapapasok lang na si Skyler.
"Sanay na kami." Sabi ni Shin sabay kindat sa kapatid niya.
"Umiiral nanaman yang kabaklaan mo."
"Masyado akong gwapo para maging bakla sayang ang lahi." Tinaasan pa ni Shin ang boses.
Tumawa naman si Skyler. "'Yan ang mga nagiging bakla sa panahong ito. 'Yong ubod ng gwapo na katulad mo."
"Anong nangyari kanina bossing?" Tanong ni Leonard sa kanya.
Huminto naman sa paga-asaran sila Shin at Skyler at tumingin sa kanya.
Ilang araw niyang pinag-isipan ang mga sinabi ni Fiona. Ang ligawan si Kara, make her fall in love in to him and break her heart afterwards. Maraming risk sa planong iyon. She might rejected him hindi pa man siya nakakapanligaw.
Fuck! It's sound disgusting.
Never in his life na nanligaw siya ng babae. Women offered themselves to him. Ito ang mga nagkakadarapa para sa atensiyon niya. Kaya naman ang ligawan si Kara ay pag-aaksaya lang ng panahon para sa kanya. Isa pa, kaya niyang maghiganti kay George na hindi ginagamit ang anak nito.
Kaya kagabi rin ay kinalimutan na rin niya ang planong iyon ni Fiona. Besides courting a woman was not his cup of tea.
"This is what happened." Simula niya.
Flashback:
Kaninang umaga habang naglalakad siya sa may school ground papunta ng cafeteria para bumili sana ng kape ay nasalubong niya si Kara. Hindi niya maintindihan pero namalayan na lang niya ang sarili na huminto sa harapan nito.
"Ano?" Mataray na tanong ni Kara sa kanya.
"You're blocking my way." He answered in a bored tone which was so stupid dahil ang luwang ng school ground.
But it would be more stupid kung aaminin niyang hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya huminto sa harapan nito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. "You don't own the school, right? Pwede namang sa may gilid ka dumaan di ba? Ang luwang ng school ground, Trigger." She said in a sarcastic tone.
Naningkit ang mga mata niya. She did really have a sharp tongue. No wonder na lagi itong napapa-away.
"Get out of my way, will you?" May bahid ng inis ang boses niya. But deep inside he was enjoying this moment, especially annoying her.
"Paano kung ayoko?" May paghahamon sa boses na tanong nito.
"Wala akong ibang choice kundi ang itulak ka." Bago pa man ito makasagot ay ginawa niya nga ang sinabi.
Malakas ang ginawa niyang pagtulak dito dahilan para kamuntikan itong sumubsob sa damuhan. He didn't dare to look back. He smirked. Pero agad ding nawala iyon ng mapansin niya ang isang lalaking naka-civilian. Nakaupo ito sa may isang wooden bench na malapit kay Kara. He was watching her intently. Kailan pa naging weak ang security ng school nila? Hindi maganda ang kutob niya dito.
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
RomanceWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?