"WHAT?! Anong sagot ni bossing? OO o HINDI?" Kulang na lang ay idikit ni Shin ang mukha nito kay Fiona habang nag-uusap ang mga ito.
"Bakit hindi si boss ang tanungin mo?" Nakangising sagot ni Fiona. Lumipad ang tingin nito kay Trigger na abala sa binabasang mga documents.
He was really workaholic lalo na ngayong graduating student siya ng HSU at maraming kailangang asikasuhin sa school at maging sa kompanya niya. Mahirap pagsabayin pero kinakaya niya.
"Baka magalit e." Bulong ni Shin pero sinadya yata nitong lakasan ang boses dahil narinig niya iyon.
"Paano ba manligaw ang isang Lamprouge?" Tanong ni Leonard na nagpa-angat ng tingin niya sa mga ito.
Nagkunwari namang may ibang pinag-uusapan ang mga ito.
"I never agreed to anything." Walang ganang sabi niya.
"So walang ligawang magaganap?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Shin.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Sabi ko nga wala." Kakamot-kamot ng ulong sabi nito.
Habang nakikinig siya kay Fiona kahapon ay hindi siya makapaniwala sa plano nito. Fiona suggested plan was he court Kara, make her fall in love with him and break up with her afterwards. He was looking for a date for the auction not a bloody girlfriend. Ngali-ngaling sipain niya ito palabas ng opisina niya dahil sa mga pinagsasabi nito.
Pero hindi naman niya maikakaila na may punto si Fiona sa planong iyon. Alam niyang masasaktan ng sobra si George kapag sinaktan niya ang anak nito emotionally. Pero hangga't maaari ay ayaw niyang idamany si Kara sa gulo nila ni George. She was just an innocent girl adopted by an evil mafia boss.
Isa pang tanong na gumugulo sa isip niya ay kung alam kaya ni Kara na ang umampon dito ay isang miyembro ng mafia?
Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa binabasang business proposal pero hindi niya makuhang ituon ang buong atensyion doon dahil ang laman ng isip niya ay si Kara.
He couldn't help but to make a light chuckle habang inaalala ang mga nangyari sa loob ng school library when Kara tried to get closer and listen to their conversation but she was too careless for her own good. Akala nito ay hindi niya nahalata ang ikinikilos nito. He knew what she was up to and let her come close to where they were sitting. Medyo na-curious din siya ng makita ito. There was something in her that intruiged him, something mysterious and familiar and he was tempted to uncover them.
Hindi rin nakawala sa paningin niya ang mga matatalas na tinging ibinabato nito sa direksiyon niya.
DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng pumasok si Kara sa Hilton Spring University. So far ay hindi na naulit ang mga nangyari noong first day ng school. Kaya medyo na-relax na rin ang mga estudyante kapag nakikita siya.
Niyakap niya ang mga librong hawak saka humugot ng malalim na hininga. Maybe she could make some friends now? Iniikot niya ang mga mata sa isiping iyon. As if anyone would want to be friends with her after what happened the minute she stepped in the school ground. Dahil kung meron man, sana noong first week pa lang ay may kumausap na sa kanya maliban kay Skyler at wala siyang balak na makipag-kaibigan dito o ano pa man. Kahit na gaano pa nito ipagsiksikan ang sarili sa kanya.
Speaking of him. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Maaga ito kung pumasok and he never failed to greet her 'good morning' everyday. Pero ngayon ay hindi niya ito makita.
Napakunot siya ng noo. What was wrong with her? Bakit niya ito hinahanap? Saka pakialaman niya ba dito. Mas magiging masaya pa nga siya kung lalayuan na siya nito dahil wala itong ginawa kundi ang kulitin siya buong araw.
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
Roman d'amourWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?