"Daddy!" Masayang salubong ng twelve years na si Kara sa ama pagpasok nito ng bahay.
Na-miss niya ito ng sobra. Halos isang linggo silang hindi nagkita dahil may business trip itong pinuntahan.
"Kara love." Nakangiting bati ni Wendell sa kanya. He pulled her into a tight hug and scooped her, lifting her from the ground.
She giggled. Hindi siya malaking babae. Sakto lang ang height niya at medyo slim ang kanyang katawan. Kaya kayang-kaya siyang buhatin ng ama. Sa laki ba naman ng katawan nito. Not fat, just muscular.
"You are really my superman." Nakangiting tiningnan niya ang mukha nito.
"I will always be for you." He smiled at her lovingly.
Lalo niyang niyakap ang ama. She rested her head on his shoulder.
"I miss you, you know." Naka-pout na sabi niya.
Wendell walked towards the sofa habang buhat-buhat pa rin siya. Marahan siya nitong ibinaba sa sofa ng makarating sila doon.
"I know. I miss you too so much, Kara." Ginulo nito ang buhok niya. "By the way may pasalubong nga pala ako sayo." Sabi nito saka binuksan ang isang maliit na maletang nasa ibabaw ng coffee table.
Excited na pinanood niya ito habang binubuksan ang maleta. Tumambad sa kanya ang maraming chocolates na iba-ibang klase.
"Chocoooolaaaaaatesss!" She shrieked happily habang nagnining ang mga matang nakatingin sa mga iyon.
Wendell laughed. "Pero ito ang pinakaimportanteng pasalubong...no let's say regalo ko para sa 18th birthday mo." He started digging inside the pocket of his black leather jacket for something.
Agad siyang kumuha ng isang bar ng Cadbury with Fruits and Almonds. Takam na takam na binuksan niya iyon saka kumagat.
"Hmmmm. This is heaven." Ipinikit niya ang mga mata habang ninanamnam ang tsokolate.
"He--Kara hinay-hinay lang sa pagkain. Wala ka namang kaagaw." Natatawang sabi ng daddy niya ng makita kung paano niya lantakan ang bar ng tsokolate."It's so masarap kasi dad e." Sagot niya habang tinatanggal ang foil.
"I know. Anyway, here." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na black velvet box.
"Ano 'to?" Curious na tanong niya saka binuksan ang box. Nangungunot na itinaas niya ang laman niyon. "Susi? Para saan dad?" Takang tanong niya habang pinagmamasdan ang susi na mukhang napag-iwanan na ng panahon. Halatang gamit na gamit na iyon.
"For something very, very important. Pero ipangako muna sa 'kin na gagamitin mo ang susing 'yan when you turned eighteen." Nawala ang ngiti sa mukha nito. Napalitan iyon ng kaseryosohan.
"What? Matagal pa 'yon daddy." Naka-pout na sabi niya. "Bakit hindi ngayon na?"
Umiling ang daddy niya. "You'll have to wait, love. It won't be that long anyway." Sagot nito saka muling ginulo ang buhok niya.
Hay naku, bahala nga ito. Basta ang importante ay magkasama na uli sila at marami siyang chocolates.
MABILIS na bumaba ng hagdan si Kara ng marinig ang pagbukas ng makina ng kotse ng daddy Wendell niya kinabukasan ng umaga.
"Daddy!" Malakas na tawag niya dito habang tumatakbo palabas ng bahay.
Tamang-tama naman na pasakay na ito ng kotse. Muli itong lumabas ng makita siya.
"Good morning anak." Lumapit sa kanya si Wendell at hinalikan siya sa noo. "Did you sleep well?" He asked, smiling.
Tumango siya. "Saan ka pupunta? Kauuwi mo lang kagabi 'di ba? You should stay at home para mag-pahinga." Sunod-sunod na tanong niya saka namewang na parang ina habang pinapagalitan ang anak.
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
RomanceWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?