IDINALA siya ni Trigger sa isang Italian restaurant. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila tungkol sa kanilang buhay. Pero hindi niya nabanggit dito ang involvement ng daddy George niya sa mafia. She wanted to keep that secret to anyone as long as she can.
She did a thorough researched about Trigger these past few days. Kung involve ba ito sa mafia pero wala siyang nakita na kahit anong impormasiyon na makakapagpatunay na involved nga ito. Karamihan sa mga nakalap niyang mga impormasiyong ay puro patungkol sa mga negosyo nito. Kaya isinantabi na lang niya ang hinalang kabilang din ito sa mafia.
"Ano nga pala 'yong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya ng matapos silang kumain.
"I want to ask you something." Sagot nito at nagsindi ng sigarilyo.
Lumipat sila sa may smoking area ng restaurant pagkatapos kumain dahil gustong manigarilyo ni Trigger.
"Ano naman?" Sumimsim siya sa baso ng red wine.
Naka-isang bote na siya ng red wine simula ng dumating sila sa restaurant pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maramdam ang epekto ng alak sa katawan niya.
"Walang pasok sa Friday dahil holiday 'di ba? I want you to come to London with me." Sagot nito. He puffed the smoke out in the air.
"Huwhaaat? London? Seryoso ka? Lalabas na nga lang ng bahay hirap na hirap na akong magpaalam. Out of the country pa kaya?" Pinagloloko yata siya ni Trigger e.
Tumawa ito ng pagak. Inilapag nito ang hawak na baso ng brandy sa mesa. "Leave that to me." Kampanteng sabi nito.
"Ano ba kasi ang gagawin natin do'n?"
Pinatay nito ang sigarilyo sa may ash tray. "Well, there is this Antique Roadshow at may mga items doon na gusto kong bilhin." Nag-angat ito ng tingin sa kanya bago nagpatuloy. "And I like you to be my date in the ball."
"Bakit ako?"
Sumandal si Trigger sa kinauupuan habang pinagmamasdan siya ng mabuti. "I don't know. I just like the feeling of you near me." Sagot nito.
Ngumisi siya. "May gusto ka sa 'kin ano?" Tudyo niya dito.
Her heart was started beating earratically. Like any moment ay lalabas na 'yon ng rib cage niya dahil sa mga pinagsasabi ni Trigger. Kaya sinubukan niyang idaan sa biro ang nararamdaman ng mga sandaling 'yon.
"Maybe I do." Walang prenong sagot ni Trigger.
Napatayo naman siya dahil sa isinagot nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging sagot nito.
"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Trigger. Tumayo na din ito.
"Wala. Medyo naparami yata ang inom ko. Gusto ko na sanang umuwi." Pagdadahilan niya.
"Okay. I'll take you home." Sabi nito.
Hinawakan siya ni Trigger sa bewang. Napaigtad naman siya. Ilang beses na siya nitong hinahawakan ng ganoon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay. Hanggang sa makalabas sila ng restaurant ay hindi siya nito binitiwan.
"Thanks for the dinner. Nag-enjoy ako." Sabi niya ng nasa labas na sila.
"I'm glad to hear that." Iginiya siya nito sa may parking lot kung nasaan ang kotse nito.
Pinagbuksan siya nito ng pinto.
"May tatawagan lang ako sandali." Sabi nito. Pagkapasok niya ay isinara na nito ang pinto.
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
RomanceWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?