DAHAN-dahang nagmulat ng mga mata si Kara. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng makitang wala siya sa kwarto niya.
"Good morning." Nakangiting bati ni Trigger na kalalabas lang ng banyo.
"Nasaan ako."
"Sa bahay ko." Sagot nito saka naglakad palapit sa kama.
Inilibot niya ang paningin sa paligid.
"How are you feeling?" Tanong ni Trigger. Umupo ito sa may gilid ng kama.
"Bakit ako nandito?" Sa halip ay tanong niya.
"You passed out last night. Kaya hindi na kita naiuwi sa inyo." Sagot nito.
Naglakbay ang isip niya sa mga nangyari kagabi. Simula ng sunduin siya ni Trigger para kumain sa labas. Nang ihahatid na siya ito pauwi at nakatulog siya habang nasa biyahe para lang magising dahil sa may bumangga ng kotseng sinasakyan nila. Hanggang sa naging intense na ang mga sumunod na pangyayari at ang pagbaril niya sa isang lalaki na muntikan ng pumatay kay Trigger.
Biglang bumigat ang pakiramdam niya ng maalala ang walang buhay na katawan ng lalaki. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam kapag pumatay ng tao. Naroon ang hindi maiiwasang guilt. Kahit na alam niyang ginawa niya iyon para protektahan si Trigger.
Hinawakan siya ni Trigger sa magkabilang balikat. "Kara, I want to say thank for saving me last night. Kundi mo 'yon ginawa. Baka malamig na akong--."
"No! Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sayo." Agad niya itong niyakap ng mahigpit.
She couldn't. Hindi niya alam kung kakayanin niya kapag may nangyaring hindi maganda dito kagabi. Marahil ang pagmamahal niya dito ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para iputok ang baril na hawak.
Pagmamahal? Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman niya para dito?
Kagabi ng tumigil ang putukan ay lumabas siya ng kotse para hanapin si Trigger dahil nag-aalala siya dito. Humupa na din ang takot na nararamdaman niya. Kaya ng makita niya itong nakaluhod sa may semento habang may baril na nakatutok dito ay hindi na siya nagdalawang isip na barilin ang lalaking nagtangkang pumatay dito.
"Kara." He whisphered her name.
Ipinikit niya ang mga mata.
"I'm still alive because of you. So, don't worry too much." He gently rubbed her back.
"It's just that...that..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Her mind kept replaying the scene when she killed that guy.
"Shhhhhh. It's okay. The person you killed is not as innocent as you think and you did the right thing."
She knew he was trying to make her feel better. It was actually working. Lalong napahigpit ang yakap niya dito.
Sabay silang napapitlag ng sunod-sunod na malalakas na katok mula sa labas ng pinto ang umalingawngaw.
"Kuya ano na? Male-late na tayo sa school!" Sigaw ni Skyler mula sa labas.
"Shit!" Agad siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Trigger at napatalon siya pababa ng kama.
Mabilis na hinanap niya ang sapatos at bag. Napahinto siya ng mapansin na isang malaking grey t-shirt ang suot niya at hindi ang red dress na suot niya kagabi. Nilingon niya si Trigger.
He looked so amused while watching her.
"Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi?" Seryosong tanong niya dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/169530362-288-k175235.jpg)
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
RomanceWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?