♤《15》 Truth

7 2 0
                                    

PANAKA-naka ay palihim na pinagmamasdan ni Kara si Trigger habang nagmamaneho ito. Sobra an pasasalamat niya dito dahil kung hindi ito dumating, malamang ay patay na siya ng mga sandaling iyon.

Kanina ng magising ay sobrang takot ang naramdaman niya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung makakawala pa ba siya ng buhay o iyon na ang magiging katapusan niya.

"Stop doing that."

Takang tiningnan niya si Trigger. "Ang alin?"

Sinulyapan siya nito sandali bago ibinalik ang tingin sa daan. "Staring at me. Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho."

She chuckled. Humalukipkip siya at lalo itong pinakatitigan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.

"You should smile more." Sabi niya saka hinaplos ang pisngi nito na para bang normal lang iyon para sa kanya.

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Trigger.

"Thank you talaga kung hindi kayo dumating. Baka kung ano na ang nangyari sa 'kin." Puno ng sensiridad na sabi niya.

"I will always be here for you, to protect you. I promise." Trigger swear. Kinuha nito ang kamay niya. He planted a kiss on her palm.

Nakaramdam siya ng init sa ginawa nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikilala ang ibang bahagi ng pagkatao ni Trigger. Ang soft side nito.

Hindi iilang beses na pinagsabihan siya ni George na huwag makikipagkaibigan sa mga Lamprouge simula ng kinupkop siya nito. Lagi nitong sinasabi na matindi nitong karibal sa negosyo ang mga ito at ilang beses na nilang pinagtangkaan ang buhay ng mga magulang niya.

Kaya hindi niya maiwasang magalit kila Trigger noon dahil nga sa mga sinasabi ng daddy niya. Kaya ng pumasok siya sa Hilton Spring University at nalaman niya na doon din nag-aaral ang magkapatid ay todo sungit siya sa mga ito. Pero dahil sa masyadong persistent si Skyler na makipagkaibigan sa kanya ay hindi rin niya napanindigan ang pagsusungit dito. Idagdag pa si Trigger na kahit masungit, mayabang at parang may bayad ang ngiti ay nagawa pa ring pumasok sa puso niya ng hindi niya namamalayan.

Sa totoo lang habang tumatagal ay nagbabago ang tingin niya sa magkapatid. Mabait naman ang mga ito. Malayong-malayo sa masamang imahe na binuo ni George sa kanyang isipan.

Ang Trigger na nasa tabi niya ngayon ay halos hindi na mabura-bura ang ngiting nakaguhit sa labi nito.

"Saan mo gustong ihatid kita? You can stay in my house if you want." Tanong nito.

"Sa bahay na lang. Siguradong nag-aalala na sila mum at dad ng sobra."

Gusto niya rin naman sa bahay na muna ni Trigger tumuloy dahil alas dose na rin ng hatinggabi pero alam niyang sobrang nag-aalala na sa kanya ang mga magulang. Mas maiging magpakita muna siya sa mga ito. Isa pa, may issue siyang kailangang ayusin. Lalong-lalo na sa daddy niya. She really disappointed him big time.

"Sure." Sang-ayon ni Trigger saka binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

BEING a mafia boss was a big responsibility. It was quite a cool job of course. Kayang-kayang niyang gawin ang kahit ano mang gustuhin niya. He lived his life like a king. Pero meron pa ring mga down side ang ma-involved sa ganitong trabaho.

It was full of danger. Trigger lived his life to the fullest everyday. Hindi niya alam kung anong plano ang niluluto ng mga kalaban laban sa kaniya. Hindi rin niya alam kung aabutan pa ba siya ng bukas pero wala siyang pinagsisisihan na kahit isang segundo simula ng pinasok niya ang ganitong linya ng trabaho.

Time passed and he managed to build a thick wall around him. He made sure no one can ever get inside that might threaten his insanity.

He never commited in a relationship because there was a high chance to fall in love that would eventually weaken him. He changed women all the time, lalo na kapag alam niyang nai-inlove na sa kanya ang babae. He only wanted a casual fling to fill his need.

Vengeance vs. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon