PAGKATAPOS ng mga nangyari noong nakaraang linggo ay lalong naging mahigpit ang daddy ni Kara sa kanya. Hindi na daw ito maghihintay na muling may dumakip sa kanya at tuluyan na siya sa pagkakataong iyon. Her dad assigned new security guards sa school na pinapasukan niya. The school got rid of their old security guard dahil napagalamang tumatanggap ito ng bayad para papasukin ang kahit sino sa school ng walang pahindulot mula sa taas.
"I'll see you later Alice." Nakangiting paalam niya ng makababa ng kotse.
"Sigurado ka ba talagang ayaw mo akong sumama sayo?" Puno pa rin ng pag-aalala ang boses nito.
Pag-alis ng bahay kanina ay nakasunod ang koste nila Uno, Dos at Tres sa kanila papunta sa school. Si Alice naman ay walang ginawa kundi ang payuhan siya ng todo sa mga dapat niyang gawin. Sinabihan din siya nito na 'wag na 'wag niyang babanggitin kahit kanino ang tungkol sa pagiging mafia boss ng daddy niya. Kahit kay Starr ay kailangn niya iyong itago dahil baka manganib ang buhay nito kapag nagkataon. There were no such friends in the mafia world kapag nagkagipitan na.
Tumirik ang mga mata niya. "Alice." She warned.
She sighed. "Fine. Just let me know kung may napansin kang kakaiba. We'll just be there." Turo nito sa isang mataas na building na katapat ng school nila.
Kunot-noong bumalik ang tingin niya dito. "Anong ibig mong sabihin?"
Inakbayan siya nito at pinihit paharap sa may building. Tumingala ito. Ganoon din siya.
"Nakikita mo 'yong skyscraper ng building?" Tumango siya. "I will be up there with Uno watching your school with my binocular." Nakangiting dagdag pa nito.
Mabilis siyang humiwalay dito. She looked at her in horror. "Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.
Nagtataka naman siyang tiningnan ni Alice. "Oo. Bakit?"
"You can't!"
Nitong mga nakalipas na araw ay mas naging malapit sila ni Trigger sa isa't dahil pagkatapos ng nangyaring pagdukot sa kanya last week ay lagi na itong nakadikit sa kanya. Hindi siya nito iniiwan maliban na lang kapag oras na ng klase. Pero kung may pagkakataon na makita siya nito kahit limang minuto lang ay pupuntahan siya nito to make sure she was okay. Kaya kung babantayan siya nila Alice at Uno buong araw ay hindi siya pwedeng makita ng mga ito na kasama si Trigger. Kundi ay malalagot na talaga siya ng bongga. What she would do now?
Lalong nangunot ang noo ni Alice. "Anong ibig mong sabihin na hindi, miss?"
"Sinong nagsabi sa inyo na gawin 'yan?" Sa halip ay tanong niya dito.
"Mr. Goldman of course. Sino pa ba."
She gritted her teeth. "This is insane!" Inis na nagmartsa siya papasok ng gate ng HSU.
"See you later!" Habol sa kanya ni Alice.
This was too much! Nang makapasok siya sa school ay nagmamadaling tinungo niya ang unang klase ng umagang iyon.
"Kara!"
Hindi niya pinansin ang taong tumawag sa kanya. Wala siya sa mood na makipag-usap kahit na kanino. Naiintindihan naman niya na ginagawa lang ng daddy niya ang lahat ng ito para protekhan siya. Pero sobra naman kasi 'yong hanggang sa school ay may nakasunod sa bawat galaw niya. Wala na nga siyang privacy sa bahay hanggang dito ba naman.
Sa sobrang lalim ng pagiisip niya ay hindi niya napansin ang paparating na si Trigger hanggang sa bumangga ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. Agad naman siyang nahawakan nito sa magkabilang balikat para ibalanse.
![](https://img.wattpad.com/cover/169530362-288-k175235.jpg)
BINABASA MO ANG
Vengeance vs. Love
Любовные романыWould you give up love for the sake of vengeance? Was love enough to forgive? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para matupad ang pangakong binitiwan mo sa nag-iisang taong pinakamamahal mo?