♤《11》 Blush

10 2 0
                                    

NORMAL naman ang naging resulta ng lahat ng ginawang test kay Trigger. Kapag nagising na ito ay pwede na itong madischagre. Ang sabi ng doctor ay nilagyan ng pampatulog ang inumin nito. Marahil ay may kinalaman dito ang babaeng kausap nito kanina dahil nawala ito ng parang bula ng mawalan ng malay si Trigger.

Nagulat siya ng biglang bumakas ang pinto at hinihingal na pumasok si Skyler.

"What happened?!" Agad na tanong nito.

Tinawagan niya ito kanina ng maidala nila sa ospital si Trigger.

"He's fine." Sagot niya ng makabawi mula sa pagkagulat. "May naglagay ng pampatulog sa inumin niya." Patuloy niya saka sinulyapan si Trigger na mahimbing pa rin ang tulog ng mga sandaling iyon.

Lumapit si Skyler sa kama at pinagmasdan ang kapatid. Nangungunot ang noong tiningnan siya nito.

"How come you're in the same place with kuya?" May hint ng paghihinala ang boses nito.

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Okay, let me clear this bago ka mag-isip ng masama tungkol sa 'kin."

Nagsimula siyang magkwento dito ng nasa mall sila ng mommy para mamili ng dress na isusuot niya sa birthday. Ang pagpunta nila sa restaurant, 'yong mga narinig niyang sinabi no'ng babaeng kausap ni Trigger at ang paghila nito sa kanya papasok ng banyo. Hindi niya binanggit kay Skyler ang tangkang paghalik sa kanya ni Trigger at ang mga sinabi nito bago ito nawalan ng malay. Pagkaalala sa mga iyon ay nag-init ang mukha niya.

"Namukhaan mo ba yung babae?" Seryosong tanong ni Skyler. Naupo ito sa may sofa.

Inilarawan niya ang mukha ng babae. Umiling naman si Skyler. Hindi nito kilala ang babae.

"'Yong mga CCTV sa restaurant, na-check mo na ba?"

"Nadoon na si Leonard." Lumipat ang tingin ni Skyler sa kapatid.

"Oh that was quick." Komento niya.

"We were trained to be resposinble." Sabi ni Skyler habang mataman pa ring nakatitig sa kapatid.

"Gusto ko 'yan. I admire a person that is responsible." Muli niyang ibinalik ang tingin kay Trigger. Dapat dito laging tulog mas nagmumukha itong mabait.

"Kailangan sa linya ng trabaho namin."

Napalingon siya dito. "Anong ibig mong sabihin linya ng trabaho niyo?" Nagtatakang tanong niya. Mukhang nagulat ito sa sinabi. Did the Lamprouge brothers had another job or sideline perhaps? Maliban sa negosyo ng mga ito? Ano naman kaya 'yon?

"We are in the business world, maraming threats and competitors." Sagot ni Skyler.

Tumango-tango siya. Paano naman niya makakalimutan ang bagay na iyon tungkol sa mga Lamprouge? Kaya nga magkalaban ang Goldman at Lamprouge dahil sa negosyo.

Pero bakit parang hindi siya kumbinsido sa sagot ni Skyler? Para kasi may mas malalim pang kahulugan ang mga sinabi nito. It was none of her concern anyway. Ibinalik niya ang tingin kay Trigger. Umangat ang isang kamay niya para haplusin ang pisngi nito.

"Kara."

Napalingon uli siya kay Skyler. Nakatingin ito sa kamay niyang naka-angat sa ere.

"Yeah?"

Lumipat ang mga mata ni Skyler sa mukha niya. "Do you like my brother?" Seryosong tanong nito.

She was caught off guard kaya hindi siya nakasagot kaagad. Nilingon niya si Trigger. He was such a bully and pain to her ever since they met. Hindi niya rin ito type pero nabihag nito ang puso niya. Hindi niya alam kung paano at kelan. Basta na-realized niya na lang 'yon kanina ng nawalan ito ng malay. It scared her knowing that Trigger was in danger.

Vengeance vs. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon