Chapter 12

7 0 0
                                    

Umalis ako at dinala ako ng mga paa ko sa isang bar,gusto ko nalang uminom at tanggalin ang mga masasamang nangyari sa akin sa araw na ito,nakailang beer na ako pero parang hindi man lang ako nalasing,nakita ko na tumatawag sa akin si Tito Paulo,I declined his calls and turned off my phone,nagpatuloy pa rin ako sa pag inom hanggang sa nakita ko na si Nikko kasama ang mga sikat niyang kaibigang basketball players,idol ko nga iyong isa e,kaya naman lumapit ako sa mesa nila at binati silang lahat bilang fan,alam ko na naiilang na si Nikko dahil amoy na amoy na niya ang kalasingan ko habang enjoy akong nakikigulo sa mesa nila.

Hindi ko na namalayan na nagkakasiyahan na pala kami ng mga bago kong kaibigan na binigyan ako ng libreng ticket sa game nila sa Araneta Coliseum sa susunod na buwan,saka lang ako nahimasmasan noong tahimik na ang lahat sa paligid. I'd be damn kung hindi ko man lang nagawang pikunin ang kapatid kong inis na inis na sa akin ng mga oras na iyon.

It was a great way to boost his anger and fun for me,hindi man ako nakaganti sa mga ginawa niya at least alam ko na alam niyang hindi ko siya uurungan.

I was laughing the whole time driving but suddenly may dumaan na tricycle,buti nalang nakahinto ako agad at hindi ko nasagasaan ang kawawang driver at nagpatuloy pa rin ako sa pagmamaneho hanggang sa makabalik ako sa shop.

Nagulat nalang ako ng makita ko si Mama doon na nakaupo lang sa labas ng kotse ni Lola,hating gabi na at bigla akong natakot para kay Mama kaya agad ko siyang nilapitan "what are you doing here? hindi mo na dapat ako hinintay,delikado na sa mga lugar na ganito.." tahimik lang si Mama habang nakatingin lang siya sa akin,alam ko na hindi ko dapat siya tinalikuran pero natakot ako ng mga panahon na nawala siya tapos all of a sudden nandito na siya agad "Sorry kung iniwan ko kayo,alam ko na hindi naging madali ang anim na taon,pero malalaman montin ang dahilan.. Okay lang kung magalit kayo sa akin,just remember that I and your Dad loves you very much,ngayon na nagkasama na kayo ni Jun wala na ba akong puwang sa buhay mo anak?" she said it with tears in her eyes,ayaw kong umiiyak si Mama because of us,her children but ayaw ko na rin na sa huli,kami pa rin na mga anak niya ang magsa-suffer,masyadong maraming paliwanag ang kailangan ko,pero hindi muna siguro ngayon ang panahon para sa mga paliwanagan.

I nees to resolve the issue regarding sa pagbenta ni Papa sa shop ng hindi ko nalalaman,kaya sa tulong ng abogado ko,at ng NBI,we investigated.

Ayaw kong masayang ang pera ni Dad,pero mas hindi ko gusto na malaman kong si Papa mismo ang nagbenta sa negosyong ipinagkatiwala ko sa kanya,wala na sigurong sasakit pa kapag malaman mo na ginagamit ka lang ng taong mahal mo at tatay mo pa dahil lang sa pera.

Oo pera lang naman talaga ang iisue dito,hindi ko naman dapat na ipaglaban ang pera dahil kung ako lang,kikitain ko rin iyan kapag magtrabaho ako pero ang tiwala na ipinagkaloob mo sa isang tao,kapag nawala,mahihirapan ka ng makita ulit.

Huwag lang sana tumama ang mga hinala ko na may kinalaman si Papa,hindi ko alam kung ano ang iisipin ko,lalo na at nandito na si Mama na pansin ko ang galit sa kanya.Bumalik ako sa school pagkatapos ng tatlong araw na hindi magandang nangyari sa akin,may problema pa nga ako sa school pagkatapos ngayon ito na naman,good thing na sinamahan ako ni Mama para makausap ang Head ng School at hindi man lang ako nila sinama sa kanilang pag-uusap,this was to clarify the rumors about Prof. Jun Barcelon and I's relationship.

Masayang lumabas sina Mama sa opisina at wala akong ideya kung bakit,pero ng nagpaalam na kami,inamin nila sa akin ang kanilang pagkakakilanlan "Mr. Morgan,hindi mo naman sinabi na Mama mo pala si Betchay e estudyante ko pa siya noon first year hanggang sa makapagtapos na siya,makulit nga itong si Betchay noon,ang alam ko hindi naman sila naging magkarelasyon ni Jun,siguro kung nagkataon man,hindi ko na nalaman pa dahil iisa lang namang lalaki ang minahal niya dito.. si Jo.." hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil pinigilan siya ni Mama na magsalita at pilit na pinapauwi na ang sarili niya "Naku Ma'am huwag na po natin ibalik ang dati,matatanda na po tayo,kalimutan na po natin iyon,sige po aalis na po kami,magandang araw po sa inyo.".

Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga pag-iwas ni Mama,paano kung hindi ko nga talaga tatay si Papa Jun? sino nga ba ang tatay ko? sino nga ba ang tinutukoy nila sa usapan nila kanina? Hindi ko maitago kay Mama ang mga tanong na nasa isip ko,kaya ng nakauwi na kami,kinukulit ko siya,kahit na magalit pa siya sa akin "Ma? Hindi ba si Jun ang totoo kong tatay? kaya ganon-ganon nalang ang pag-iwas mo nang ikwento sa'yo kanina ang tungkol sa kaisa-isang lalaki na minahal mo 'nung college,is he my real father?''.

As expected,hindi na naman ako sinagot ni Mama kaya pinuntahan ko nalang si Olivia para makausap ko,kahit siya natulala sa mga nalaman niya at hindi makapaniwala sa mga ito "Hmmm? nalilito ako,so may posibilidad na hindi mo tatay si Tito Jun? ngayon may sagot ka na sa lahat ng mga katanungan mo.. your Mother is the only answer you've got.".

Finally,nakapagdesisyon na akong umuwi sa bahay,sinalubong ako ng yakap ni Eli,na miss ko na talaga sila ni Trev,pero ewan ko kay Trev kung bakit hindi siya sumama kina Mama,siguro katulad ko,hindi pa din siya handa na tanggapin si Mama,hindi namin masisisi si Eli kung madali lang niya napatawad si Mama,pero kami ni Trev hindi magiging madali ang adjustment sa amin,lalo na ngayon na may mga tanong na naman ako sa isip ko simula nang nakabalik na siya.

Kailan pa kaya matatapos ang mga katanungan sa mundo,iyong sana wala ng lihim na kailangan na itago,pinapahirapan na ako ng mga lihim na ito,if only Mama would tell me the truth,why she was gone for six years,who is my real father and all of that was still unable to be answered.

𝙈𝙊𝙍𝙀 𝙏𝙃𝘼𝙉 𝙀𝙉𝙊𝙐𝙂𝙃Where stories live. Discover now