Third Eye

9.5K 268 10
                                    

Nagising ako na nakahiga ako sa kama ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hay salamat panaginip lang yun. Umupo ako sa kama ko ng mapatingin ako sa isang lalaking nasa harap ko nakabaliktad sya yung mukha ko ay nakatapat sa mukha nya. Nanlaki ang mata ko. Napahiga ako sa bigla at napatakip ng kumot.

"Panaginip lang to. Kalma lang. Panaginip lang to" huminga ako ng malalim at sumilip ulit ako para makita kung andun pa yung multong yun. Kumaway naman sya ng sumilip ako.

" Diyos ko po. Magpapakabait na po ako. Pasensya na po at tinakasan ko ang mga bayaran ko sa ospital. Di na rin po ako magpapasaway kay Sister Aylene pati kay Mother Superior. Promise. Ilayo lang po ako sa masamang espiritu na nasa harap ko" paulit ulit kong dasal habang nakapikit.

Naramdaman kong natanggal ang kumot na tinataguan ko.

" alam mo miss para kang tanga. Di kita sasaktan wag kang o.a gusto ko lang ng tulong mo. Ok." sa sinabi nya napaupo ako ng maayos. Huminga ako ng malalim ngumiti ako at sabay sabing ...

" Wala akong nakikita. Tama. Wala akong nakikita. Wala akong nakikita. Wala-wala-wala waaahH--" napasigaw ako ng biglang magpatay sindi ang ilaw. Help me. Mamatay ako ng maaga nito.

"Stop it. Ok." inis na sabi nya. tUmahimik naman ako.

"Ah ok. Madali naman ako kausap e." sabi  ko kahit medyo natatakot pa rin ako pero di naman siguro talaga ako nito sasaktan.

"Ok. Naniniwala ako sayo. Basta wag mo akong sasaktan ha. Teka nga anu ba talaga kasi kaylangan mo?" sabi ko.

"Ahmf gusto ko kasi malaman kung sino ba ako at kung anu kinamatay ko?" sabi nya.

"bakit di mo alam?" tanung ko.

unti unti ng nawala ang takot ko sa kanya.

" Diko alam. Ang alam ko lang pag gising ko multo na ako. Sinundan kita kasi sa lahat ng tao sa ospital ikaw lang ang nakakita sakin. At lahat sila tumatagos lang sakin. ikaw lang ang tanging nakakahawak sakin." paliwanag nya.

" Multo? may Amnesia? Anu ba yan. Ang malas mo naman patay ka na nga di mo pa matandaan kung sino ka." sabi ko.

" kaya nga kaylangan mo akong tulungan" sabi nya at lumipad nanaman sya ere. Naka indian sit sya.

" Anung silbi pa ng mga information na yun kung patay kana?" sabi ko sabay higa ulit sa kama antok pa ako e.

" Wala lang gusto ko malaman e yun siguro ang reason kung bakit until now hindi pa ako makaakyat sa langit katulad ng mga ibang kaluluwa." sabi naman nya.

"Baka kasi para sa impyerno ka?" biro ko. Bigla naman yumugyug ng malakas ang kama ko." Anu ba jowk lang naman yun e" sabi ko at tinignan ko sya ng masama. Umupo ako ng maayos. Then humarap ako sa kanya.

" Ok. ok. ok. Bat ba kasi ako ang napili mong sundan ha." sabi ko.

"Kasi nga may Third Eye ka" sabi nya bigla ako napahawak sa noo ko. Napakapa ako sa ulo ko na may benda pa pala ako. Hala baka katulad na ako ni Vincent dun sa Ghost Fighter huhuhu may mata sa noo o kaya ni Giant Z dun sa Tsunami Zombie Grabe wag naman po. Inalis ko ang benda sa ulo ko. medyo ayos na rin naman ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matanggal ko ang benda at wala akong nakitang mata. \(^---^)/

"Hay akala ko magiging freak na ako." sabi ko sabay tayo. Bigla kong naalala na may pasok pala ako sa trabaho nagmadali akong pumasok sa banyo at pagbukas ko biglang sumulpot yung lalaking multo.

" Anu ba nakakagulat ka naman e. Bakit ka ba andyan ha? Umalis ka nga wag mung sabihing papanuorin mo akong maligo.?" singal ko sa kanya.

"Ofcourse not. Di ako mahilig sa mga nagsasalitang patpat nuh. Gusto ko lang malaman san ka pupunta." sabi nya at lumabas na sya ng banyo tumagos sya sa pader.

"GrRh !!! anu ba nangyayari sakin. Di ko lubos maisip na magkakaroon ako ng housemate na multo. Ghad. !!! " sabi ko. Napafacepalm ako.

Nasa third Chapter na pala tayo di pa ako nagpapakilala. Adik kasi si Author e.

Ako pala si Zarren Dela Cruz. 19 years of age. Galing sa isang bahay ampunan. At ngayon namumuhay mag-isa sa isang maliit na apartment na to. Almost 2 years na nung umalis ako sa Ampunan. Pinayagan naman nila ako gusto ko kasi magsarili ng buhay. Paminsan-minsan dumadalaw din ako sa ampunan para makita sila Sis. Aylene na syang nagpalaki sa akin.

May trabaho naman ako ngdedeliver ako ng buko pie na tinitinda sa bakeshop na pinagtatrabahuan ko. Maliit lang ang sweldong yun pero sapat na para mabuhay ako sa pang-araw-araw.

Napapabuntong hinga ako pagna alala ko ang multong nasa loob ng bahay ko. Paglabas ko ng banyo nakita ko yung multo nakahiga sa kama ko at tawa ng tawa sa binabasa nyang Manga Comics.

Inayos ko ang sarili ko dahil papasok pa ako sa trabaho. Habang nagsasapatos ako bigla nanaman sumulpot itong multong to. Nakalutang nananan sya sa ere. nakacrossarms at naka indian sit.

" So? San ka nga pupunta Miss?" tanung nya. Tinignan ko lang sya at inirapan. Tumayo ako at akmang lalabas na ng bahay ng humarang sa pinto itoNg multo. Napapagod na ako kakatawag ng multo dito e.

"Teka nga Anu ba pangalan mo? " sabi ko.

" Tss. May amnesia ka rin ba? diba nga wala akong matandaan. Panu ko naman masasabi ang pangalan ko" sabi nya.

" Huh. Ok ganito na lang bibigyan kita ng pangalan. What if Juan na lang ang pangalan mo" sabi ko.

"I don't like that" angal nya.

"Pedro kaya?" -ako

"Ang pangit palitan mo." angal ulit nya.

"Ang arte mo ha. Pepito na lang kaya." sabi ko habang nakahawak sa baba ko.

"No." sigaw nya.

" buboy?" -ako

"No" sabi nya. Aba letche ang arte talaga ng multong to.

" Dodong? Andoy? Helaryo? Totoy? Anestacio? Bonifacio? Antonio? Budoy? " patuloy parin ang pag-iling nya anu ba gusto nyang ipangalan sa kanya. Ang arte-arte.

"Anu ba gusto mo ha. How about Gaspar?" natatawang sabi ko.

"Eww ayoko. As in No !!" sabi nya. Walastik ang arte.

" Fulguso kaya?" sabi ko.

"Anu ako aso? Hell." inis na sabi nya. Nga naman hindi sya mukhang aso para pangalanang Fulguso whahaha.

"Letche anu ba gusto mo ha. Ang dami ko ng nasabing pangalan wala ka parin nagustuhan." sigaw ko.

"eh ang panget mo mag-isip e." sigaw din nya. Gusto ko na talaga syang patayin. Opps patay na pala sya . Hay naku nonsense ang makipag away sa baliw na Multong to.

"Putik bahala ka. Aalis na ako at may pasok pa ako. Ewan ko sayong Mumu ka." sabi ko sabay labas may bigla naman ako naisip kaya pumasok ulit ako ng bahay, nakita ko sya nakaupo sa may harap ng pinto.

"Okey. May naisip na ako. Mumu na lang ang ipapangalan ko sayo." sabi ko. Napatayo sya.

" I don't like that. Never." pagmamaktol nya. Natawa naman ako sa reaksyon nya.

" So what? Paki ko? Basta. Mumu na ang pangalan mo. Bye Mumu." sabi sabay labas ng bahay di ko na inantay na magsalita pa si Mumu.

Author's Note:

Hahaha pasensya na po yan lang nakayanan ko hahaha. Sorry po kung ngayun ko lang napangalanan yung girl at ang boy.

Zarren And Mumu :) 

dhangstha.

Ghost Beside Me [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon