Naglalakad ako papunta sa bus stop ng my biglang sumitsit sakin. Anu ako aso.? Diko nilingon. Pero sitsit parin sya ng sitsit. Sa inis ko hinarap ko ang letcheng sumisitsit sakin. At pagtingin ko si Mumu pala.
" Anu ba Mumu hanggang dito ba naman? Uwi nga ka dun sa bahay. Bakit ka ba sumama?" pagalit na sabi ko.
" Eh wala akong kasama dun e. Tska amboring dun. Walang T.V. walang radyo at walang kausap kaya sasama na lang ako." sabi nya.
"Ewan ko sayo. Tska wag mu nga ako sitsitan hindi ako aso?" asar na sabi ko sa kanya.
" Eh di ko alam pangalan mo e. Gusto mu pangala-" kinuntra ko na ang sasabihin nya.
" Wag na. May pangalan ako. Okey. Ako si Zarren. Kaya umuwi kana at may trabaho pa ako. Hala uwi." Sigaw ko sabay turo sa daan pauwi sa bahay. Dun ko lang napansin na marami ng taong nakatingin sa akin.
" Baliw na ata yung babae.." sabi nung isang ale na nakatayo malapit sakin.
"Oo nga. Sayang naman yang batang yan. Maganda pa naman" sabi naman ng kausap nya.
"Naku. Baka nagda-drugs sya. Mga kabataan nga naman." sabi ng isang mama na nakatayo din malapit sakin. Sari-sari pa ang mga narinig ko. Peste napagkakamalan akong baliw dito. Walang-ya talaga to si Mumu. Tinignan ko ng masama si Mumu at ang walang-ya patawa-tawa tumigil naman sya kakatawa ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Napataas sya ng balikat. GrRh buysit talaga sya.
"He-he-he- pasensya na po" sabi ko sa mga taong nakapalibot sakin at tumakbo na ako sa bus stop. Sakto naman dumating ang bus at sumakay na ako. Halos gusto kung lumubog sa kinauupuan ko ng mapansin kung sumakay din yung isa sa mga ale kanina. Napayuko na lang ako at napasandal sa bintana ng bus.
"Pwede maki-upo?" anya ng isang lalaki. Tumango na lang ako. Wala na akong lakas para makipag-usap pa.
"So san tayo pupunta ngayon zarren?" bigla akong napalingon kung sino ang katabi ko. Napasigaw ako.
"Mumu ?!!" sigaw ko nagtinginan lahat ng tao sa loob ng bus. Halos gusto ko ng bumaba. Napayuko ulit ako sa sobrang hiya.
"hahaha pinagkakamalan ka ng baliw zarren wag ka kasing O.A." pang-aasar nya. Napafacepalm nalang ako. Diko na sya pinansin kasi baka mabaliw na ako ng tuluyan dahil kay Mumu.
Hanggang nakarating ako sa bakeshop na pinagtatrabahuan ko.
Nakasunod parin si Mumu pero di ko naman sya pinapansin.
Pagdating ko sa shop sumalubong agad sakin si Boss.
"Zarren anu ? May balak ka pa pala pumasok. Ay aba mahigit isang linggo ka di pumasok ha. " sabi ni boss.
"Anu Boss? mahigit Isang linggo akong di pumasok?" so ibig sabihin matagal akong nakatulog. Grbe. Malaki-laki nga bayaran ko dun panigurado buti na lang nakasibat agad ako sa ospital.
"Naku. Zarren nasan na yung bayad sa last na pina-deliver ko sayo?" singal ni Boss. Walang-ya na aksidente na ako lahat-lahat ganyan parin sya. Di nya ba yun alam?
"Ah e- boss na aksidente po ako e. Nasira nga po ang scooter ko pati yung mga buko pie nadali. Kakalabas ko lang sa ospital." paliwanag ko.
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
Hinawakan nya ako sa balikat at inikot ikot. Sinapo nya rin yung pasa at sugat ko sa noo ko.
"Totoo nga. Totoo ngang na aksidente ka. Akala ko gawa-gawa lang yun ni Unteng." sabi nya sabay yakap sakin. Mabait naman to si Boss e. Matandang dalaga kaya medyo masungit. Anu daw si Unteng ang nagbalita kay Boss na naAksidEnte ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/21815428-288-k171402.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghost Beside Me [ COMPLETED ]
Любовные романы(This story is Under EXCLUSIVE CONTRACT with DREAME) A romantic-horror-comedy Lovestory. ( Mag ready ng tissue baka maiyak ka) Love between Ghost and Human. Pwede kayang Magkaroon na tinatawag na Happy Ending pag ang tao at isang multo ay tinamaan...