Nasa labas na ako ngayon ng bahay napansin kung bukas ang ilaw ng bahay. Wala din si Remie dito sa gate. Mukhang alam ko na kung nasan yun.
Pagpasok ko sa bahay nakita kong sama-sama nanaman sila.
Si Mumu, Gain, Remie, Anna, Marco at nadagdagan ng isa si Lolo tanda.
Napafacefalm na lang ako. Mukhang nagiging favorite hang-out ng mga multo itong maliit kung bahay ha.
"Ate Zarren !!" bati ni Remie sa akin. Nabaling sakin ang tingin ng lahat na kani-kanina lang ay busy sa paglalaro ng scrable.
"hi Zarren."- anna/ marco/ gain.
Nginitian ko naman silang tatlo.
Kumaway naman si tanda sakin inirapan ko nga. Hay naku. Bat ba pati si tanda nakikitambay na rin dito tska akala ko ba galit dyan si Mumu. Speaking of Mumu. Napansin ko si Mumu nakahiga lang sa sa sofa. Napansin ko din na may pagkain na sa lamesa.
Pumunta ako agad sa lamesa. Gutom na gutom na ako e. Kakain na sana ako ng biglang sumulpot si Mumu sa harap ko.
" Magbihis ka muna kaya" nakapamaywang na sabi nya.
"Anu ba yan daming arte." sabi ko pero pinapatuloy ako ang pagsandok sa pagkain pero biglang lumayo yung plato at mangok na ulam sa akin. Binalingan ko agad ng tingin si Mumu.
"Ang sabi ko. Magpalit ka muna." utos nya.
Padabog ako tumayo at kinuha ang bag kong dala sabay pasok sa kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ko nagmadali agad ako pumuwesto sa lamesa. Dinampot ko ulit ang kutsara't tinidor ng magsalita ulit si Mumu.
"Maghugas kamuna ng kamay" utos nya. Letche talaga. Nakakapikon na ha. Gutom na gutom na yung tao e. Tumayo ako at naghugas ng kamay.
Umupo ulit ako.
"Oh bat di ka pa kumain?" tanung nya. Tinitignan ko lang kasi yung pagkain.
" Wala lang inaantay ko kasi baka may sabihin ka pa e. Naninigurado lang baka kasi may pahabol kapa. At kung wala na baka pwde na akong kumain? Gutom na ako e" sarcastic na sabi ko. Sabay kain. Nakakaasar to si Mumu. Ang daming arte. Siguro mayaman to ng nabubuhay pa. Englishero minsan e. tska masyadong O.C.
Pagkatapos kung kumain nakisali ako sa mga multong naglalaro. Di ko pinansin si Mumu.
Naramdaman kung nakatingin sakin si Gain.
"Hmf? Gain may sasabihin ka ba?" tanung ko. Yumuko naman sya.
"W-wala" tugon nya.
Ito si Gain masyadong mahiyain. Katabi ko sya ngayon. Hmf gwapo naman si Gain mukha lang lampa.
"Ah Gain. Bakit ka nga ulit namatay?" natahimik ang lahat ng ngtanung ako.
"Ahh anu kasi." panimula nya.
"Anu nga?" atat na sabi ni Tanda. Tinignan naman namin sya ng masama.
"Ah anu kasi. May sakit ako sa puso. Suma ilalim ako sa isang heart transplant pero wala pa ring nangyari lalo lang ako lumala dinamdam ko yun kaya lalo akung na apektuhan hanggang atakihin ako sa puso. Kaya yun namatay agad ako sa edad na 24. Di ko man lang narasan ang buhay teenager parati lang ako sa bahay. Di ko rin naranasan na magkaroon ng Girlfriend." nahihiyang sabi ni Gain.
"Pero may babae kang nagugustuhan??" tanong ni Annah.
Namula naman ang boung mukha ni Gain. Napakamahiyain talaga nito. Napakamot din sya sa ulo nya. Yung totoo? May kuto sya nuh.
"meron ba kuya Gain?" tanung ni Remie. Tumango-tango lang sya
"oh tapos?" tanung ni Annah.
"kaso di ko na sabi sa kanya na gusto ko sya kasi m-masyado akong natorpe e. Nahihiya ako." saad nya.
"Torpe mo dre. Mahina ka sa chicks." singit ni Marco.
" Tumigil ka nga Marco. Ang epal mo" baling ni Annah kay Marco. Akma naman susuntukin ni Marco si Annah.
" Susuntukin mo ako? ha? Sige ba? Suntukan na lang tayo..oh anu?" sabi naman ni Annah ang tumayo na para makikipag basagan ng bungo.
"Pssh tumigil nga kayong dalawa." awat ko sa kanila. Sumunod naman sila. Itong dalawa parang aso't pusa. Bumaling ulit ako kay Gain.
"bakit naman? Gwapo ka naman?" nakangiting sabi ko. Namula nanaman sya.
"Oo nga kuya. Gwapo ka nga e." sabi ni Remie.
"He-hehe di naman. Tska mahirap. Kasi may pagka mataray sya pero nalaman kung mabait naman sya." sabi nya.
" AhH sayang dapat sinabi mo. Sure naman ako magugustuhan ka naman nun e" sabi ko.
"t-talaga? Kung ginawa ko ba yun nung nabubuhay ako sa tingin mo magugustuhan nya din ako?" nakangiting sabi nya. Ang cute nya ngumiti. Crush ko na si Gain. Hehehe
"Oo naman. Kung ako sya for sure magugustuhan kita. Gwapo ka kaya tska mabait." sabi ko sabay kapit sa kanya at lean sa balikat nya. Makapaglandi nga muna. Kahit multo to. Gwapo naman.
" Ang kaso. Hindi sya, ikaw. Kaya wag kang ASA !! Walang magkakagusto sayo.." sabi ni Mumu/epal/sungit at kinalas nya ang pagkakahawak ko kay Gain. Aba kapal talaga nito. Epal pa. Umupo sya sa gitna naming dalawa ni Gain.
" Nakakabuysit ka talaga. As if naman na nung bubuhay ka pa may magkakagusto naman sayo. Eh ang sama-sama ng ugali mo." singal ko sa kanya. Nagtawanan na man silang lahat. Binatok- Batukan ko nga si Mumu.
"Anu ba? Nakakaasar ka na ha." sabi nya sabay walk out. TsS walk out king.
Pinagpatuloy lang namin ang kwentuhan namin. Madami akong nalaman sa kanila.
Si Tanda namatay daw dahil nasagasaan daw sya dun sa tapat ng Bus stop. Masyadong kwela si Tanda pero may pagkabastos lang minsan.
Si Marco naman at Annah walang sawa ang bangayan. Tawa lang kame ng tawa. Si Remie naman ayun kinukulit si Gain. Kahit mga multo sila ang sasarap nila kasama. Nagkaroon ng buhay ang boung bahay. Nagkaroon ng ingay itong bahay ko. Kahit pa ang ingay na yun ay ako lang ang tanging nakakarinig.
Siguro kung makikita ako ng mga ordinaryong tao mapagkakamalan akong baliw na nakikipag-usap sa wala.
Malalim na ang gabi ng nagsi uwian sila. Nagpasya na rin ako matulog. Si Mumu ay nakahiga lang sa sofa. At di parin ako pinapansin. Di ko din sya pinapansin kaya natulog na lang ako sa kwarto.
AN: Pasensya na po sa kunting update :)
Team MuRen <3
Team GiRen <3
team AnnaCo <3
keEp voting :)
thanks din sa mga nagbAsa.
DdcAtd to: AlL readErS :)
dhangstha.
BINABASA MO ANG
Ghost Beside Me [ COMPLETED ]
Romance(This story is Under EXCLUSIVE CONTRACT with DREAME) A romantic-horror-comedy Lovestory. ( Mag ready ng tissue baka maiyak ka) Love between Ghost and Human. Pwede kayang Magkaroon na tinatawag na Happy Ending pag ang tao at isang multo ay tinamaan...